MasukHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal? _ Paano nga ba niya paiibigin ang isang taong mayroon nang ibang minamahal? Isang hamon iyon sa puso ni Aleyha, sabi nga nila walang pusong bato sa matiyaga kung umibig. Kaya handang gawin ni Aleyha ang lahat makuha lang ang puso ni Ivo Sebastian. Dahil kailangang umibig ito sa kanya kahit may Althea Mauricio pa sa pagitan nilang dalawa. Sisiguraduhin niyang sa huli sa kanya magpapatali si Ivo at siya ang iibigin nito. Dahil siya ang mas karapat-dapat sa puso at pagmamahal ni Ivo. _ Ngunit karapat-dapat nga ba talaga siya sa puso ng binatang bilyonaryo, hindi ba isa siyang babaing naninira ng relasyon at pumapasok sa pagitan ng dalawang pusong nagmamahalan? ***** 06-06-25 Story Written By: LadyGem25
Lihat lebih banyakC-11: Why Didn't You Just Become My Boss, Sir?____Maaga akong pumasok ngayong araw kailangan ko kasing maghanda para sa meeting mamaya.Parang kailan lang halos magtatatlong buwan na pala ako dito sa SDC kaya hindi na rin ako naliligaw. Kabisado ko na yata ang buong building dahil sa kauutos ni Sir Rigo at Miss Cindy. Kahit pa TNT ang peg ko para lang hindi ako makita ni Papa.Minsan napapagod na rin ako at higit sa lahat nagiguilty, pakiramdam ko kasi ang sama kong anak. Kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako handang harapin siya at kung kailan man ako magiging handa? Hindi ko pa alam, bahala na.._Halos kakaupo ko lang pagkatapos kong sundin ang iniutos ni Miss Cindy kanina pagdating ko. Nang dumating naman si Sir Rigo, as usual kailangan ko na namang sumunod sa kanya. Minabuti ko na lang na sumunod sa kanila palagi, iyon yata talaga ang way para tumagal ako dito.Pinili kong pakisamahan na lang silang mabuti at maging bulag, pipi at bingi. Kahit pa may pakiramdam ako na may gin
C-10: Unexpected Scene ___ Matagal na akong nakahiga ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nagiging palaisipan na talaga sa akin ang mga bagay pinagagawa ni Mr. Del Castro. Ano ba talaga ang plano nito? Bakit gusto niyang bantayan ko si Sir Ivo, may pinaplano kaya siyang gawin kay Sir Ivo? "Hindi ka ba makatulog?" Biglang tanong ni Blessy tulad ko nakahiga na rin ito. Marahil hindi rin ito makatulog dahil ramdam niya na gising pa rin ako. Sa iisang double deck lang kasi kami natutulog si Blessy ang nasa itaas ako naman ang nasa ibaba. Kami lang dalawa ngayon sa isang kwarto, nasa bakasyon daw kasi ang isa pa naming kasama ang isa naman nag-asawa na. "Pasensya na naabala ko tuloy ang tulog mo medyo namamahay siguro ako kaya hirap akong makatulog." Pagdadahilan ko. "Okay lang maaga pa naman, ganyan rin naman ako noong una ko rin dito. Huwag mo akong alalahanin, hindi pa rin naman ako inaantok." Sagot nito. "Matagal ka na ba dito?" Sa lahat kasi ng mga narito sa compound si Bl
CHAPTER NINE: ___ "What the hell.. Saang bundok ka ba nanggaling ha, hindi mo ba ako kilala?" Mataray na tanong ng babaing nakasalubong ko sa may entrance door. Dapat ba kilala ko siya? "Sorry po ma'am tama po kayo, hindi ko nga po kayo kilala e!" Malakas ang loob na sagot ko. "B*ba, no one in this building does not know me." Muling tungayaw nito sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin.. no one has the right to tell me that word too. Dahil hindi ako b*ba. "Nakupo! Ma'am ako na po ang humihingi ng dispensa pasensya na. Bago pa lang po kasi siya dito kaya hindi pa niya kayo kilala." Saglit na lumingon si Maam Divina sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sige na, humingi ka ng dispensa." Pabulong nitong utos sa akin. Tumututol ang isip ko ngunit alam kong kailangan kong sundin si Ma'am Divina. Dahil iyon rin ang alam kong pinakatama kong gawin, kung nais kong tumagal pa dito. Kahit hindi ko pa batid kung sino nga ba ang babaing kaharap ko? "S-sorry po ma'am hindi ko po talaga
CHAPTER EIGHT:___Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang babaing iyon. Hindi naman siya espesyal na tao pero bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin. Kanina bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Bakit nga ba naisip kong itanong ang bagay na iyon, kailan pa ako naging interesado sa status ni Rigo?Pero hindi naman talaga kay Rigo ako interesado, alam ko itanggi ko man may bahagi sa akin ang ginugulo ng babaing iyon. Pero hindi ko na ito dapat palawigin pa dahil malapit na akong ikasal.Kahit kailan naman hindi ko naisip na pagtataksilan ko si Althea kaya ano bang nangyayari sa akin ngayon?Ilang sandali pa ang mga katok sa pinto ang biglang pumukaw sa akin."Tok, tok!" "Huh, sino 'yan?""Boss, ako ito papasok na ako ah?" Si Divina ang aking sekretarya.Hindi ko na inangat ang aking ulo may binabasa kasi akong documento kanina pa at hindi ko pa rin tapos basahin. Kaya hindi ko napansin na may kasama pala si Divina na pumasok sa opisina ko."Boss, may












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.