Ilang sandaing nakatulala si Mr. Fraser. Tiningnan niya si Lisa na nakaupo sa sahig, hindi siya nagsasalita. “Lili, ginawa mo ba talaga yun?”Kalmado ang ekspresyon ni Lisa, pero hindi siya nagsalita.Walang mapagbuntungan ng galit si Evan kaya bigla niyang sinipa ang cabinet sa tabi niya. Gumalaw ang mga gamit na nasa cabinet at nalaglag sa sahig, na gumawa ng malakas na tunog.“Tingnan niyo yang anak niyong mabait. Hindi ko inaasahan na magkakaroon siya ng abilidad at lakas ng loob para maka-isip ng ganung sitwasyon.”“Evan, tumahimik ka.”“Ayan na naman kayo. Kinakampihan niyo na naman siya.” Galit si Evan, pinatunog niya ang kaniyang dila, at diretsang sinabi, “Para mapagtakpan ang mga kabuluhan niyang anak niyo, gumagastos kayo ng malaking pera para mapag-aral siya sa noble junior high, per sa tingin ko wala siyang natutuhan. Ah, hindi, sa tingin ko ang natutuhan niya lang sa school ay ang panunuhol sa iba. Dinaig pa niya ako sa ganun.”Nagdilim ang ekspresyon ni Mr. Fraiser
อ่านเพิ่มเติม