10:39 PM : Hospital Sa pribadong silid, nakahiga si Easton sa hospital bed. Ang kanang bahagi ng katawan ni Easton ay nasunog, hindi maigalaw. Mula sa balikat hanggang sa paa ay nababalot iyon ng puting benda. Puno ng paghihinagpis, sakit, at galit ang puso ni Easton nang bumungad sa kaniya ang balitang patay na ang kaniyang nag-iisang anak, naging abo ang kompanya na pinaghirapan ng kaniyang mga magulang at kapatid dahil iyon sa taong pinagkakatiwalaan niya, si Reagon. Nakatulala si Easton sa puting kisame ng hospital. Sa sitwasyon niya walang-wala na siya, wala na ang anak niya, wala na ang kompanya, at wala na siyang silbi. Gamit ang kaliwang kamay, kinuha ni Easton ang wallet size picture sa ilalim ng kumot. Larawan niya iyon kasama si Klinton, kuha sa loob ng Salvador Mansion. Iyon ay ang araw na dumating si Klinton sa Pilipinas. Parehong nakaukit sa kanilang mukha ang ngiti. Naka-akbay si Easton sa binatilyong si Klinton, itinuturo ni Easton ang itim na kahon na may bilit n
Terakhir Diperbarui : 2025-06-06 Baca selengkapnya