"Congratulations, anak, hijo," sabay sabay na bungad ni inay at itay sa amin ni Jethro. "Thanks po, inay tay!" wika ko na nagbeso beso pa sa kanilang dalawa. "Paano ba iyan, Jethro, hijo, magpapatali ka na ba dito sa aming prinsesa? eh, agad agad yata ang pagdesisyon mo hijo, hindi na ba yan mababali?" pangungumpira pa ni itay kay Jethro na nagmano pa sa kanilang dalawa. "Hinding-hindi na po, siguradong-sigurado na po ako sa prinsesa n'yo nay tay, wala na pong makakapigil sa akin na pakasalan si Jayda," madamdamin nitong sabi na nakangiting humarap at kumindap pa sa akin. "Eh, ikaw naman anak, Jayda, ang sabi mo noong isang araw ay wala kayong relasyon ni Jethro, tapos, ngayon, heto kayo ngayon magpapakasal na, nakakabigla lang anak," wika pa inay na may himig na pagkadismaya. "Hoy, ikaw naman Tilde, parang hindi dumaan ng kabataan mo, ganyan talaga ang mainlab hindi na makapaghihintay," sabat naman ni itay. "Sabagay, Ramon, hindi naman ako humahadlang sa pag-iibigan nil
Mehr lesen