"Maligayang pagdating sa aming munting bahay, hijo, pasensiya kana at medyo masikip itong bahay namin," agad na bungad ni Inay Tilde pagpasok namin ni Jethro sa loob ng aming bahay. Nahuli kami ng pasok sa loob dahil napasarap ang tulog ko.Ito naman si Jethro ay hinayaan lang akong makatulog sa kanyang bisig.Hindi man lang ako ginising. Tuloy hiyang-hiya ako kina inay Tilde at itay Ramon, ni tumitig sa kanila ay hindi ko maggawa.Tila ako na guilty sa mga nagbabadya nilang mga mapanuring mga mata. Kahit pa man hindi ko sila tinitingnan ay alam kong may ibig sabihin ang kanilang panaka nakang tikhim.Anupa't naging anak nila ako, alam na alam ko iyong mga galawan nila na buong buhay ko silang nakasama ay talagang sigurado akong hindi maganda ang tinutumbok nun. "Pasensya na po, inay, itay, napasarap po ang tulog ko, kayo naman kasi hindi nyo ako ginising, ayun tuloy, hindi nakalabas si Sir Jethro dahil nakaharang ang katawan ko sa kanya," pilit na palusot ko pa. "Oo nga nak, na
Mehr lesen