LOGINLumaking puno ng pagmamahal si Jayda ng kanyang mga magulang.Mahirap man sila ay naibibigay naman sa kanya ang kanyang mga pangangailangan at naigapang siya sa pag-aaral.Nakapagtapos siya ng kursong edukasyon at sa awa ng Maykapal ay naipasa niya ang board exam ng maluwalhati.Sa paghihintay niyang makapasok ng trabaho sa gobyerno bilang isang pampublikong guro ay napagpasyahan niyang magpartime bilang isang tutor ng isang 6 year-old na batang lalake na nirekomenda sa kanya ng kanyang propesora sa universidad kung saan siya nakapagtapos. Ang inaakala niyang simpleng bata lang ang kanyang tuturuan magbasa ay isa pa lang napakakumplikadong trabaho dahil sa tiyuhin nitong ubod ng strikto,dominante at walang puso kung umasta.Mukhang hindi lang ang bata ang kanyang magiging tutee pati na rin ang tiyuhin nito, paano niya kaya mapapalambot si Jethro Montenegro, na isang kilalang tycoon monster na walang puwang ang pag-ibig sa puso nito kung hindi poot at galit? Mahuhulog kaya sa kanya si Jethro na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagpakita na ito ng disgusto sa kanya? Jethro Montenegro Isang kilalang eligible bachelor na business tycoon.Sa edad na 30 ay nanatili itong binata at walang planong mag-asawa dahil na rin sa responsibilidad na naiwan sa kanya ng kanyang yumaong bunsong kapatid, ang anak nitong si Timothy. Siya ang nagsisilbing legal guardian ng bata dahil ulila na rin siya sa magulang.Binuhos niya ang kanyang oras sa pagpapalago ng naiwang negosyo ng mga magulang na minsan hindi niya nabibigyan ng oras ang pamangkin.Naghire siya ng tutor ng bata upang matuto itong magbasa ngunit hindi niya inakala na pati siya matuturuan matibag ang pusong matigas pa sa bato.Mapapaglabanan niya kaya ang namumuong pagtangi niya kay Loren o magpapatangay na lang kaya siya sa kakaibang alindog ni Jayda sa kanya?
View More"Inay, ang hirap naman pala mag-apply ng trabaho sa gobyerno.Ang daming requirements na kailangan.Pahirapan pa pagkuha ng item dahil sa dami ng aplikante," reklamo ko kay Inay Rita pagdating ko sa bahay mula sa paglalakad ng mga requirements ko sa DepEd.
"Ganyan talaga anak, sige lang at matatapos din iyan, papasaan pa ay mabibigyan ka rin ng item, may awa ang Diyos anak, konting tiis pa malapit ka na sa finish line," pagkokonsola ni Inay Tilde. "Pero naawa na ako sa inyo ni Itay sa pagtratrabaho, gusto ko naman na tumigil na siya sa pamamasada at kayo rin tumigil na sa paglalabada, ako na lang ang magtrabaho para sa inyo," hirit ko pa. "Anak, naiintindihan ka namin ng tatay mo na gusto mo ng makatulong sa amin. Pero anak pabayaan mo na kami ni Itay mong paluguran ka, obligasyon namin bilang iyong mga magulang na suportahan ka sa lahat ng iyong pangangailangan,"paliwanag ni Inay Rita. "Maraming salamat talaga Inay dahil nandiyan kayo parati ni Itay sa buhay ko. I love you nay," sabi ko sabay yakap kay Inay Rita. "Ai sus ang anak ko, nagdrama na naman, oo na, mahal ka rin namin anak, o siya, tama na at tamang-tama magmeryenda ka muna sa kusina at may Arroz Caldo akong niluto para sa inyo iyan ng tatay mo. Sige na punta na doon, tatapusin ko muna itong labada ko," pagtataboy ni Inay sa akin. "Nay samahan n'yo naman ako, sige na please," paglalambing ko sa kanya. "Haist, Jayda dalaga ka na, para ka pa ring bata ano!Punta na doon at lalamig na iyong Arroz Caldo," pagtataboy ni Inay sa pangalawang pagkakataon. "Nay, hindi n'yo ako matataboy, hindi pa naman ako nagugutom.Mabuti pa ay tulungan na kita sa paglalaba," pinal kong sabi sa kanya. Walang naggawa si Inay Rita kung hindi sundan ako habang nilalagyan ko ng tubig ang palanggana na may mga damit. Ito naman ang gusto kung gawin, kahit papaano ay matulungan ko sila ni Itay sa trabaho kahit hindi man lang sa pinansyal na aspeto. Itinaas ko na lang ang suot kung trouser sa may tuhod at nagsimula ng banlawan ang mga damit na tapos niya ng kusotin.Hindi naman gaano kadami ang labahin ni Inay kaya madali din kaming natapos sa paglalaba. Tinulungan ko na rin siyang magsampay ng mga labada at linisin ang mga kalat namin sa silong kung saan kami nglaba. "Sige na anak, kaya ko na ito, maglinis ka na ng katawan mo at maya-maya'y nandito na ang Itay mo. Iinitin ko na lang uli ang Arroz Caldo at sabay-sabay na tayong magmeryenda," sabi ni Inay. Sinunod ko na ang sinabi ni Inay.Pumunta na ako sa maliit ko na silid at kinuha ang aking tuwalya. Naghalf bath na rin ako sa aming banyo na nasa labas ng aming munting tahanan.Agad akong nagpalit ng damit pangbahay pagkatapos kung maglinis ng katawan. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang pagdating ng jeep ni Itay. Tinawag na rin agad ako ni Inay upang makapagmeryenda ng sabay-sabay. Mababakas ang pagod ni Itay sa kanyang itsura ngunit ng makakain na siya ng mainit na Arroz Caldo ni Inay ay napawi ito kaagad. Pinagmasdan ko ang aking Inay Rita at Itay Dante habang masayang kumakain at nagkukuwentuhan sa pang-apat naming dining set sa kusina.Kahit simple lang ang aming buhay ay puno naman ng pagmamahal lalo na sina Inay at Itay na kahit matatanda na ay pinapakita pa rin sa isa't isa ang pag-aalaga.Hindi matapos tapos ang mga luha ko sa aking mga mata sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Kung bakit kasi agad niyang isinuko ang kanyang pagkababae at dangal kay Jethro ng hindi lang isang beses kung hindi ay paulit-ulit. Ngayon, para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa katotohanang niya maaaring angkinin si Jethro na kanya dahil may nagmamay-ari na sa puso nito at hindi siya iyon. Isa lamang siyang pansamantalang parausan at kailanman ay hindi siya maaring seryosohin ni Jethro dahil hindi siya nito iniibig. Hindi lang siya isang dakilang tanga. Masahol pa siya sa bayarang babae, mabuti pa nga ang bayarang babae alam ang lugar nila sa kanilang customer. Hindi katulad niya isang hagod lang ng bibig ni Jethro sa kanyang balat at haplos lang nito sa kanyang pussy ay nawawala na sa siya tamang huwesyo. Isa siyang mababang babae na madaling makuha. Easy to get at madaling maloko. Umpisa pa lang, may mga warning signs na ngunit hindi siya nag-ingat at natangay siya ng libog. H
"Shall we start?may hinihintay pa bang ibang bisita?," wika ng pari kay Jethro sa aking tabi. "Nope, she's here, we can start now!" tugon ni Jethro sa aking tabi. Tahimik at may guhit na ngiti lang sa aking labi ang ginawa ko sa buong durasyon ng seremonya ng pari sa pagbasbas sa Jay Amor. Nang sa candle lighting na ay nakaabresiyete pa rin kami ni Jethro.Napakaclingy talaga ni Jethro sa aking tabi.Paminsan minsan ay dinadala nito ang pisngi ng aking palad sa kanyang labi at panaka nakang hinahalikan. Gusto ko sanang umungol sa sensasyon na hatid na ginagawa ni Jethro sa aking kamay ngunit nakakahiya naman sa pari at sa mga taong naririto.Ano na lang ang isipin nila sa akin na maharot at malandi ako. Ikinubli ko na lang ang aking nararamdaman sa simpleng ngiti at itinuon ko na lang ang aking tingin sa pari na abala pa rin sa pag-usal ng panalangin. Nang matapos ang pari sa panalangin ay minungkahi na nito ang pagputol ng ribbon dahil doon ay napilitan si Jethro na tanggali
"Kaya mo yan Jayda, fight," pampalakas ko sa aking sarili habang naglalakad palabas ng villa. Tumatambol tambol pa ang aking dibdib sa nerbiyos, dinaig ko pa ang ang teenager sa una nitong eyeball sa textmate.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan eh, magkikita lang naman kami doon ni Lance para sa opening ng Jay Amor.lHall. Nothing special to happen but just purely business ni Lance kaya dapat naroon ako at bigyan siya ng suporta.Iyon man lang ay masuklian ko ang mabuti niyang ginawa para sa akin. "Eh,ano ka ba, magkarelasyon ba kayo?eh, paano kung nandoon ang babaeng mahalaga sa kanya that reminds him of that woman in the baywalk, paano ka na? sabi ng munting tinig sa utak ko. Hindi naman siguro ako pag-aaksayahan ng panahon at pagkakagastahan ng mahal ni Jethro para sa wala lang.Siguro nga ang pinapakita niya ngayon na kabutihan at pagbibigay ng mga bagay sa akin ay kabayaran lang sa pang-angkin niya sa akin.Eh, patas na kami kung ganun. Pero susuko pa ba ako?eh, nan
"Ayieeeeh...," tili ko sa unan na ipinatong ko sa aking mukha para hindi ako marinig ng sinuman baka isipin nila na nasisiraan na ako ng loob. Nang halos mapaos na ako sa kakatili ay itinigil ko na rin at isang malapad na ngiti ang sumilay sa aking mukha. Panibagong umaga na naman na hitik sa surpresa ni Jethro..Kung kahapon ay naggising ako na halos magtanghali na dahil sa matinding sagupaan namin ni Jethro sa kama. Ngayon ay looking fresh and brand new dahil sa tuloy tuloy na tulog ko dahil sa payapang pakiramdam na may kayakap sa buong magdamag. Nag-inat inat muna ako ng aking mga kamay sa ere pati binti ko ay itinaas ko rin at nagbicycle sa ere.Kung kahapon ay puno ang katawan ko ng libog at pagnanasa, ngayon ay puno ng pag-asa at enerhiya. Pag-asa na sana ay pag-ukolan ako ni Jethro ng totoong pagtingin, na sana ang lahat ng ito ay hindi laro at hindi lang sex material ang tingin niya sa akin kung hindi pangmatagalang relasyon. Alam kung imposible dahil mahirap lang n












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews