Lahat ng Kabanata ng When You're Gone: Kabanata 31 - Kabanata 40
42 Kabanata
30
Tulala akong pumasok sa apartment, napalingon ang mga kaibigan ko na nasa sala nanonood ng pelekula sa tv. "Anong nangyari?!" Tumakbo palapit sa akin si Maika, nag-aalala. "Anong nangyari sa'yo?! Umiyak ka ba?" Sunod na nagtanong si Vien. "Si Sammuel ang naghatid sa'yo?" Si Clouie na nasa likoran ko, lumabas pala siya sa apartment. "Anong ginawa ni Sammuel sa'yo?" Hinila ako ni Vien papunta sa sala at pinaupo sa sofa. Nasa harapan ko silang lahat ngayon, nag-aalala sa akin. Tinignan ko sila isa-isa, namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Nag-ulap ang paningin ko. "M-Magpo-propose na si Sammuel sa girlfriend niya," bumiyak ang boses ko. Traydor. Sinabi ko na kanina na hindi ako iiyak aa harapan ng mga kaibigan ko. Sinabi kong ayaw kong ipakita sa kanilang mahina ako. "Bakit ka nasasaktan? 'Di ba naka move on ka na?" Lumuhod si Maika sa harapan ko. Kumirot ang puso. "P-Paano ang anak ko?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanilang tatlo. "Hindi naman kasi 'yan ang problema, eh
Magbasa pa
31
"Sinundan mo ba ako?!" Gulantang kong tanong at tinulak siya palayo sa akin. "What? No." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ako naniniwalang hindi niya ako sinundan hanggang dito sa beach. Paano nalaman ng kumag na 'to na nandito ako?! "Bakit nalaman mong nandito ako, ha?!" "Alam ko lang—" "Sinundan mo nga ako!" Pagputol ko sa sinabi niya. Inirapan ko siya pero ngumisi lang siya sa akin. "Nauna ako dito dumating. Baka ikaw itong sumusunod sa akin," Nalaglag na lang ang panga ko sa sinabi niya. Wow! Talaga lang ah?! Ako pa talaga itong naghahabol sa kanya? Ang kapal nga naman ng pagmumukha ng kumag na 'to. Habang nakatitig kay Sammuel ay naalala ko na lang bigla 'yong unknown number na nagtext sa akin kagabi. 'See you tomorrow...' What the?! Hindi kaya si Sammuel 'yong nag text sa akin?! Tumalim ang titig ko kay Sammuel. "Ikaw 'yong nag text sa akin kagabi 'no?!" Kinagat niya ang labi niya tsaka sinuklay ang buhok na sinasayaw ng hangin. "Bingo!" Humagikhik siya. Umi
Magbasa pa
32
Nagising ako dahil sa mga haplos na nararamdaman ko sa aking katawan. Dahan dahan ko namang imulat ang mga mata ko at ang mukha ni Sammuel ang bumungad sa akin. Titig na titig sa akin at nang makitang gising ako ay ngumiti siya at mabilis nq yumuko para halikan ako. Sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Unti-unti kong narealize kung ano ang nangyari. Kagabi... Kagabi ay ibinigay ko ulit sa kanya ang katawan ko! "Good morning, love," bulong niya sa tenga ko. Tinignan niya ako pabalik. Hindi pa rin ma proseso sa utak ko ang mga nangyarj kagabi! Hindi ako lasing para makalimutan na lang 'yon at hindi rin lasing kagabi nang ibigay ko ulit ang sarili ko kay Sammuel! Nasa tamang pag-iisip ako kagabi pero kusa kong binigay kay Sammuel ang katawan ko! Anong nangyayari sa akin?! "Anong oras na?" Tanong ko at umupo sa kama. Kusang bumaba ang mga mata ko sa katawan ko. Nalaglag ang panga ko nang makitang nakabalot lang ako ng puting kumot! At nang tignan ko ang katawan ko ay wala akong suot
Magbasa pa
33
"At bakit hindi ka nakauwi kagabi, hmm?" Pagdating ng tatlo sa apartment ay pinaulanan kaagad nila ako ng mga tanong. "Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Maika na nakataas ang kilay. "Sa condo unit ni Marry—" "Condo unti ni Marry o condo unit ni Sammuel?" Inirapan ko silang tatlo, umirap naman sila pabalik. "Sa condo nga ni Marry. Tapos sinabi niyang pinsan lang daw niya si Sammuel at walang namamagitan sa kanilang dalawa." Nagsitaasan ang mga kilay nilang tatlo. Buti na lang nasa kwarto ang anak ko at hindi kami naririnig ngayon. "Tapos? Nagbago ba ang desisyon mo nang malaman mong wala naman talaga sila?" Sa tanong ni Clouie ay natahimik ako, pinakatitigan nila akong tatlo. Naghihintay sa sasabihin ko pero hindi ako makaimik. "Kailan mo sasabihin?" Nagsalita si Vien. Tinignan ko siya, "hindi ko sasabihin—" "Nag j-joke ka ba? Alam kong... Marupok ka at mahal mo pa si Sammuel at alam ko ring sasabihin mo sa kanya na may anak kayong dalawa." Hindi na naman ako makaimik. Sa tu
Magbasa pa
34
Maaga akong dumating sa restaurant na pinag-usapan namin ni Lea kahapon, wala pa siya pagdating ko. Sinadya kong magpaaga dahil babasahin ko pa ang kaso niya. "What's your order, ma'am?" May lumapit sa akin na waiter sa restaurant. "Tubig na lang, please..." Ngumiti ako sa waiter bago binalik ang tingin sa laptop ko. Kinakabahan man pero kakayanin ko 'to. Dumating ang tubig na hiningi ko sa waiter. Ilang minuto ang dumaan ay dumating na si Lea. Pinanood ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at tinaas ang kamay, nagtawag ng waiter. "Late ba ako?" Umiling ako, "maaga lang akong dumating." Sagot ko. Tumango lang siya at nag-order na. "Anong gusto mong kainin, April?" Kung maka April 'to parang close kami, ah. "Wala, ayos na ako sa tubig." Sabay taas ng basong tubig. Tinaas niya lang ang kilay niya at nagkibit na lang ng balikat. Pinaalis na niya ang waiter pagkatapos ay humarap sa akin. "So, kumusta ang anak niyo ni Sammuel?" "Hindi ang anak ko ang pag-uusa
Magbasa pa
35
Ngayon na ang araw na sasabihin ko kay Sammuel tungkol sa anak namin. Ti-next ko sa kanya kung anong room ang papasokan niya mamaya, kahapon pa ako nag book ng room dito sa Grande Hotel. Handa na handa na ako sa pagkikita ng anak ko at ang ama niya. Absent nga ngayon ang anak ko dahil maski siya ay excited na makita ang ama niya. Sinabi ko sa kanya na makikita niya ngayon ang kanyang ama at siya pa ang nagsabing a-absent na muna siya para makita ang kanyang ama. "Nanay, guwapo po ba ako?" Humarap ako sa anak ko, sinusuklay niya ang basa niyang buhok at inaayos niya ang kanyang damit. Napangiti na lang ako at nilapitan ang anak ko at inayos ang buhok niya. "Ang guwapo mo na anak! Kamukhang kamukha mo ang Tatay mo!" Nakangiti kong sinabi. Humarap ang anak ko sa salamin at ngumiti. "Talaga po? Bagay ba sa akin ang suot ko ngayon, Nanay?" "Syempre naman! Ikaw pumili niyan 'di ba? Bagay na bagay sa'yo! Ang guwapo mo lalo!" Sa subrang excited niya siya na mismo ang pumili ng damit
Magbasa pa
36
Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto
Magbasa pa
37
Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k
Magbasa pa
38
"Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng
Magbasa pa
39
"Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status