AKAY-AKAY si Wynwyn ay pinasyal ko sina mama sa mall. Araw ng linggo wala akong pasok sa opisina. Sadyang lumuwas sila mama upang madalaw ako.Tuwang tuwa naman ang anak ko't kung saan-saan nagtuturo. Namili narin kami ni mama ng laruan ni Wynwyn.Pagkatapos ay dinala ko sina mama sa palaruan, kumain kami sa paboritong fast food chain ni Wynwyn hanggang kalaona'y humihikab na ang anak ko."Mama, Wewe sleep," bulol na turan ng anak kong tingala ako.Mamimili pa sana ako ng mga gamit. Kailangan ko kasing samahan si Roy ng ilang araw para sa trabaho na tinalaga ni sir Cullen."Sigurado ka, ma?" nag-alalang tanong ko kay mama na pinasan si Wynwyn dahil inaantok na."Oo, mauna na kami ni Wynwyn sa condo, unahin mo muna 'yang mga kailangan mo.""Sige ma, ihahatid ko muna kayo sa labas upang makasakay ng taxi," sabi kong sinundan si mama patungo sa exit.Napangiti akong sinulyapan ang anak kong lumaylay na ang talukap
Last Updated : 2023-08-16 Read more