All Chapters of TAMED (tagalog): Chapter 21 - Chapter 30
34 Chapters
CHAPTER 20
CHAPTER 20PARANG MAY kampanang tumunog sa aking tainga nang marinig ang kanyang sinabi. Dito siya matutulog? Dito mismo sa bahay? Kung saan kami lamang dalawa at wala ng iba pang kasama? Ang dami-daming kong naiisip at hindi iyon maganda."Are you out of your mind?" mariin kong sabi. Nanggigigil ako sa kanya. Bakit ba binibigyan niya ako ng sakit ng ulo?"Bakit? Ikaw lang naman ang nandito. Kaya sasamahan na kita." Saka hinubad ang kanyang sapatos.Seryoso ba talaga siya? Nilapitan ko siya saka kinuha ang mga kamay at sapilitang pinapatayo mula sa sofa. Ngunit walang epekto ang puwersa ko sa mabigat niyang katawan."Tammy, pagod na ako. Maawa ka na sa akin. Hindi ko na kayang mag-drive pauwi ng mansiyon." Ginamitan pa niya ako ng kanyang lasing na boses.Alam kong nakainom siya dahil naaamoy ko ang alak mula pero alam ko rin na hindi siya lasing."Bakit dito ka pumunta? Dapat ay dumiretso ka na lang sa inyo!" Hindi ko na napigilan ang galit kaya tuluyan ko na siyang nasigawan."Bak
Read more
CHAPTER 21
CHAPTER 21NAGULAT pa ako nang makita kung sino ang lalaking nakasandal sa kanyang sasakyan na tila may hinihintay na lumabas ng building na ito.Liliko na sana ako sa ibang daan bago pa niya makita pero huli na."Hi, Tammy!" malakas niyang pagbati sa akin. Mabuti na lang at walang tao rito maliban sa aming dalawa."Ano na naman ang kailangan mo, Rafael?" napapagod kung tanong. Maghapon akong nagtrabaho kaya sana ay huwag na muna niya akong buwesitin."Ikaw, sinusundo kita. Dinner tayo." May malaking ngiti sa kanyang mukha habang sinasabi iyon."Not now. Pagod ako," tanggi ko."Saglit lang naman tayo. Please?" Mukhang sincere naman ang pakiusap niya.Parang natutukso ako sa kanyang pag-anyaya. Nakakapagod nga namang umuwi at magluluto pa ako. Lately, napapansin ko rin na ang lungkot sa bahay parang hindi ako nasanay na ganito na talaga ang buhay ko simula nang mawala si mama."Fine," sumusuko kong sabi. Puwede ko naman siyang kapanayamin habang kumakain kami."Talaga?" Tila hindi pa s
Read more
CHAPTER 22
CHAPTER 22NAG-UNAT ako ng mga braso at binti nang magising kinabukasan. Parang hapong-hapo ang aking buong katawan at kusa akong nanlalanta dahil sa pagod. Pilit kong inaalala ang mga kaganapan ng nagdaang gabi. Nag-dinner kami ni Rafael, nabuwesit ako at uminom sa bar kasama sina Jewel. Doon na ako kinabahan. Napabalikwas ako ng bangon at hindi ko alam ang gagawin para tuluyang maalala ang mga nangyari kagabi. Huling naalala ko ay pilit akong ginigising ni Jewel at ang aking panaginip.Nag-panic na ako nang makita ang silid na kinalalagyan ngayon. Malaking bintana na nakabukas na at ang puting kurtina na nililipad ng hangin. Mesang may magandang bulaklak na nakapatong sa ibabaw. Tunog ng mga ibon mula sa labas, malaking kama at makapal na bedsheets. Mas malambot ang mga unan. Bababa sana ako sa kama pero natigilan ako nang makita na carpeted ang sahig. Definitely, this is not my room. Inayos ko ang kumot sa katawan at doon ko lang napansin na wala akong kahit na isang saplot. B
Read more
CHAPTER 23
CHAPTER 23KAGAYA nang ipinangako ko sa kanya ay sinamahan ko siya sa department store para bumili ng gamit sa baby dahil buntis ang asawa ng kanyang pinsan.Hindi na rin nakapagtataka kung bakit nililingon kami ng mga tao lalo na ng mga babae. Hinubad niya ang rayban na suot pagpasok namin sa department store at may napasinghap pa sa mga empleyadong nandoon. Iwan kung napapansin ba ako ng iba rito o kusa na lang nawawala ang lahat dahil ang atensiyon nila ay kay Rafael.Pumunta kami sa gamit ng mga baby at una kong tiningnan ang mga lampin. Puti ang kinuha ko pero nakita ko si Rafael na may hawak na pranelang kulay sky blue."Akala ko ba ay 'yong pwede sa babae at lalaki?" tanong ko na may halong panunumbat."Nakuha nito ang atensiyon ko kaya isali na lang din natin," nakangiti niyang sabi.Naiiling ako habang pumupunta sa mga gloves at socks. Mabuti na lang at wala ng iba pang kulay siyang kinuha. Habang nasa lane ako ng mga pajama ay napansin kong lumipat siya sa kabila at nagha
Read more
CHAPTER 24
CHAPTER 24ORAS na nang pag-uwi at napansin ko ang naiinggit na tingin ng mga kasama nang lumabas na ako sa building. Ang bawat titig ay nagsusumigaw ng paghanga at mga sana. Nagpaalam kaagad si Jewel sa kanilang kumpulan nang makita ako. Nilingon din ako ng iba bago umalis at sumakay sa mga nakaparadang traysikel sa labas. Hindi na niya ako hinintay at kusa na niya akong nilapitan."Ang haba ng buhok mo, Tamara." Sabay haplos niya sa aking buhok na hanggang ibaba lang ng balikat. Alam kong may ipinapahiwatig ang mga katagang iyon."Bakit na naman?" kunot-noong tanong ko. Sinabayan na niya ako papuntang parking lot."Kasi naman, tingnan mo." Sabay turo sa lalaking nakatalikod sa amin habang may kausap sa cellphone. Nakapamulsa ito at guwapong-guwapo sa suot na pulang polo shirt, pantalon at sapatos. Sakto namang lumingon siya sa amin at tila nagulat pa nang magkasalubong ang aming mata. Nagmamadaling tinapos niya ang tawag at lumapit sa amin."Nandito ka na pala," nakangiting sab
Read more
CHAPTER 25
CHAPTER 25MALAKING ngiti ang isinalubong ni Mr. Perez sa akin ngayong umaga. Tila nanalo sa lotto at walang kahati sa papremyo."Tamara, good morning. A very, very good morning indeed." Hindi maalis sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan.Medyo natulala ako't hindi alam ang magiging reaksiyon. Hindi ko rin naman alam kung bakit ganito siya kasaya."M-magandang umaga rin po," alangan ang pagbati ko pabalik sa kanya. Nakapaskil ang pekeng ngiti sa aking labi na parang ngiwi na ang kinalabasan. Na-out of place ako sa kaligayahan niya."Napakaganda ng interview mo kay Mr. dela Vega. Kahit ako ay halos hindi kumukurap habang binabasa ko ang isinulat mo." Nagnining-ning ang kanyang mga mata habang sinasabi 'yon."T-talaga po?" naguguluhan ko pa ring tanong. Pero umayos naman kaagad dahil baka magtaka siya kung bakit hindi ko alam ang laman ng interview na 'yon."Hindi ako nagkamali sa pagpapadala sa'yo para mag-interview sa kanya. Good job, Tammy. Great job actually," puri niya sa aki
Read more
CHAPTER 26
CHAPTER 26INALIS ko ang nakadagang braso ni Raf sa aking katawan. Nag-iba siya ng posisyon pero hindi pa rin nagigising. Dahan-dahan akong bumangon at isinuot ang roba bago pumasok sa banyo para maligo.Ini-on ko ang heater at naghintay ng ilang minuto bago hinayaan ang maligamgam na tubig na maglandas sa aking katawan.Ilang beses ng may nangyari ulit sa amin ni Raf simula nang angkinin niya akong muli pagkatapos maipasa ang interview tungkol sa kanya, isang buwan na rin ang nakalipas.Madalas kaming makita na magkasama at halos araw-araw ay hinahatid at sinusundo ako sa trabaho."Bakit kasi ayaw mo pang lumipat dito sa bahay, Tammy," pa ulit-ulit na tanong niya."Kasi, Raf, hindi tama at pareho nating alam 'yon," palagi kong sagot sa kanya. Pero alibi ko na lang 'yon sa totoong nasa isip ko, na hanggang ngayon kahit ilang beses pang may mangyari sa 'min ay wala pa rin akong tiwala sa kaniya at hindi na siguro magbabago 'yon."I want you to know that in this house you're always welc
Read more
CHAPTER 27
CHAPTER 27NANLAKI ang aking mata dahil sa tanong na 'yon ni Rafael. Nagsinghapan ang mga tao at ang lahat ay naghihintay ng aking sagot. Parang tumigil din ang kanilang paghinga dahil sa paghihintay ng aking desisyon.Nilipat ko naman ang mata sa lalaking nakaluhod sa aking harapan. Nitong mga nagdaang buwan ay wala siyang ibang bukambibig kung hindi ay ang bigyan siya ng pagkakataong patunayan na babawi siya sa'kin.Pero biglang bumalik ang alaala, ang sakit na dulot ng kahapon dahil sa pag-iwan niya sa 'kin. Kagaya ngayon ay hinayaan kong magpakita siya ng katangian na kahit na sinong babae ay mahuhulog pero sino nga ba ang may alam kung sasaktan niya lang ako?Tila ay bumalik ang madilim na kahapon. Araw-gabi akong umiiyak, tinatanong kung saan ako nagkamali at ano ang ginawa ko para tratuhin ako ng ganoon. Pati mama ko ay nawalan ng tiwala dahil sa lalaking iiwan din pala ako. Tao na pinili ko sa kabila ng lahat pero hindi kayang lumaban para sa akin.Kung sakaling mauulit pa iyo
Read more
CHAPTER 28
CHAPTER 28MAGANDA ang sikat ng araw ngayong umaga at sumalubong sa akin ang huni ng mga ibon. May lungkot akong naramdaman pero medyo magaan na ang aking pakiramdam kumpara noong nakaraang linggo. Kung saan tila ay wala akong kakampi, parang noong mga araw lang na nawala si Mama.Ito ang unang beses na lumayo ako sa kinalakihang lugar. Parang walang mangyayari sa akin kung magmumukmok ako sa bahay at araw-gabing umiiyak.Ayaw pa sanang tanggapin ni Mr. Perez ang aking resignation at bakasyon lang ang inalok sa akin. Makakalimutan din ng lahat ang nangyari kaya huwag ko na lang daw ituloy ang binabalak na umalis sa kanyang kompanya. Pero alam kong higit pa roon ang aking kailangan. Gusto kong maka-usad sa lahat ng mga nangyari at gagawin ko iyon na walang inaalalang trabaho na babalikan.Sa huli ay pumayag na rin siya ngunit bukas pa rin ang kanyang publishing house kung sakaling babalik pa ako. Tinapos namin ang araw na iyon sa pamamagitan ng isang yakap. Tinapik niya ang aking balik
Read more
CHAPTER 29
CHAPTER 29HABOL ang hiningang sumandal ako sa likod ng pintuan pagkapasok sa kwarto. Para akong nananaginip at kalaunan ay bangungot na pala.Hindi ko alam ang gagawin. Kung iiyak ba o matatakot dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ni Raf ulit.Pero bakit magkasama sila ni Wela? Iisang kuwarto pa ang kanilang tinutuluyan.Nagpabalik-balik ako ng lakad sa kuwarto. Para na siguro akong baliw kung may ibang taong makakita sa akin.Hindi ako pinatulog dahil sa napakaraming mga iniisip. Madaling-araw na siguro iyon bago ako naka-idlip dahil may iilang tilaok na ng manok sa labas.Masakit ang aking ulo kinabukasan at pakiramdam ko ay lumulutang ako. Medyo napatalon pa ako sa kama nang marinig ang iilang katok sa labas. Inayos ko muna ang nagulong buhok bago pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.Magandang mukha ni Sylvanna ang aking nabungaran. Hinawakan ko ang mata dahil baka may natuyo akong muta samantalang siya ay ang ganda-ganda na niya sa mga oras na ito o sadyang likas
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status