CHAPTER 30"TAMMY, sandali lang," agap ni Rafael sa aking pagpasok. Nanatili ang aking mata sa kamay niya na nasa braso ko. Ang init na nakasanayan ko na, ang init na hinahanap-hanap ko."Kung manunumbat ka sa akin, do it here," prangkang saad ko sa kanya."Can we just talk? Sa loob? Promise saglit lang 'to." At siya na ang pumihit ng door knob at pinauna ako ng pasok. Wala na nga siguro akong choice kung hindi ang harapin siya ngayon kahit hindi ko ito napaghandaan.Nakatutunaw ang kanyang tingin. Hindi ko masabi kung ano ba talaga ang ipinapahiwatig nito. Basta hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil nanaig ang kaba sa aking buong sistema."How long have you been here?" pukaw niya sa akin."M-mag-iisang linggo pa lang.""Nag-resign ka na pala. Why?" Pinanliitan niya ako ng mata."Dahil kailangan. ""Bakit? May nagpapaalis ba sa 'yo? Sa pagkaka-alam ko ay wala," tila sumbat 'yon."Paano ako magtatrabaho kung halos lahat ng tao ay galit sa akin?" mapait kong turan.Bumuntong-hininga si
TAMED CHAPTER 31LUTANG akong bumalik sa kuwarto. Ganito pala kapag sobrang nagulat at hindi makapaniwala ang isang tao, nawawala sa katinuan. Nanginginig kong minasahe ang sariling daliri. Paano nangyaring nabuntis ni Rafael si Wela gayung noong nakaraang linggo pa lang naman kaming naghiwalay, matapos ang tinaggihan kong proposal niya?Kung matagal na rin siyang nabuntis ni Raf dapat ay malaki na ang kanyang tiyan. Gusto kong hilahin at pukpukin ang sariling ulo dahil sa dami ng katanungang gusto kong masagot. Hindi ako pinatulog ng mga tanong na iyon buong gabi. Kung hindi pa natamaan ng sikat ng araw ang aking mukha ay hindi pa siguro ako magigising ngayon. Mabilis akong kumilos at nagbihis. Hindi puwedeng tumunganga na lang at maghintay ng puwedeng mangyari. Malaki ang naging sakripisyo ni Raf at panahon na siguro para gawin ko naman ang aking parte. Kinapalan ko na ang mukhang nagpunta sa front desk ng aking tinutuluyan. Mabuti na lang at nandoon si Sylvanna at kinakausap a
CHAPTER 32 (RAFAEL'S POV)NAGISING ako dahil sa paggalaw ng kamang hinihigaan. May dumantay sa aking hita at yumakap sa baywang. Iminulat ko ang isang mata upang sipatin ang oras. Ala-sais na pala ng umaga at may klase ako ng alas-siyeti y mediya. Napabalikwas ako ng bangon kaya nagising ang aking katabi. "Raf, where are you going?" wika ng inaantok na boses ni Girlie, one of my flings. "School." Sabay pasok sa banyo para makaligo na. I'm just fifteen years old but I have countless of unserious relationships. But who cares, this is the life that I want and it will always remains this way. Wala akong planong magseryoso kagaya ng madalas na sinasabi ni Mommy. Bakit pa? Gayung mas maganda ang ganito, nagkakilala kayo, may nangyari sa kama, then the following day ay pareho na kayong estranghero.I was twenty years old nang pinilit ako ni Mommy na bumalik sa Pilipinas, partikular sa kanyang hometown ang Sta. Elena. I refused to go to college kaya ipinatapon niya ako sa Pilipinas. Wala
EPILOGUENATARANTA ako nang magising na wala na si Tammy sa aking tabi. Akala ko'y iniwan niya ulit ako pero bumukas ang pinto at pumasok siya na may dalang tray ng pagkain. "Breakfast in bed," nakangiti niyang wika habang lumalapit sa akin. Tila hinaplos ang aking puso dahil sa kanyang ginawa."Nag-abala ka pa," kunwari ay alangan kong sabi pero gusto ko ng tumalon dahil sa tuwa. "Hayaan mo na. Ikaw ang laging gumagawa nito kaya babawi ako ngayon." Ipinagsandok niya ako ng sinangag. Niyakap ko siya sa baywang at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg kasabay ng pag-amoy ng kanyang balat. Parang iba ang gusto kong gawin bukod sa kumain. "Raf," saway niya sa akin, "mamaya na 'yan at kumain muna tayo." Inabot niya ang puting T-shirt na isinuot ko naman kaagad. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi bago pa ako mapagalitan at baka maisipan na naman niyang lumayo. Ngayong araw ay kukunin namin ang kanyang mga gamit para tuluyan na siyang lumipat dito. Na-trauma na yata ako sa kaniyang
PROLOGUEBIGLA akong nagising sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog. Gusto ko pa sanang matulog dahil nakakaramdam pa ako ng antok lalo't parang iisang oras pa lang akong nakaidlip. Kakauwi ko lamang mula sa dinaluhang party sa isang bar.Nagsalin ako ng alak sa baso at hawak ito habang naglakad palapit sa salaming dingding ng aking penthouse sa condominium na pag-aari ko.Nagkikislapan ang mga gusali at ilaw sa labas tila mga munting alitaptap sa kalagitnaan ng madilim na gabi. Normal na tanawin dito sa New York.Tiningnan ko ang relong pambisig. Alas-dos pa lamang ng madaling araw. Huminga ako ng malalim. Mukhang mailap na ang antok sa akin.Alitaptap. May naaalala akong tao dahil sa munting insekto na iyon. Insektong hindi naman makikita sa lugar na katulad nito pero hindi ako nilulubayan ng kanyang mga alaala.Itinukod ko ang siko sa salaming dingding at pinagsawa ulit ang mata sa tanawin sa labas. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa parte ng aking pagkatao na nawala.Hindi ko mai
CHAPTER 1"TAMMY, ipinapatawag ka ni Mr. Perez. Report ka raw sa opisina niya ASAP," sabi sa akin ni Jewel habang nakasilip ang ulo sa pintuan dahil hindi na siya pumasok sa aking opisina."Okay," sagot ko sa bago niya isinarado ulit ang pinto.Itinuwid ko muna ang bahagyang nagusot na palda at pinasadahan ng tingin sa salamin ang mukha bago lumabas ng aking opisina.Binati ako ng iilang mga kasamahang empleyado kapag nakasalubong ko sila.Ako ang head sa department na ito na naka-assign sa mga local news ng Sta. Elena.Simula pag-graduate ng college ay nagtatrabaho na ako rito at ito ang pinaka-unang publishing house ng isang lokal newspaper ng Sta. Elena.Dati ang ipina-publish lamang ng kompanyang ito ay mga newspapers na naglalaman ng mga balita araw-araw sa loob at labas ng Sta Elena hanggang sa lumago at ngayon ay naglalabas na sila ng issue ng magazine bawat buwan.Kagaya ng ibang mga empleyado ay nagsimula ako sa mababang posisyon. Ayokong tumulad sa iba na kahit hindi qualifi
CHAPTER 2KAHIT AYOKONG balikan ang mga taong nakalipas ay kusa ko itong naalala."You should always stay on top, Tammy, no matter what happen you should always do your best. Gawin mo ang lahat hindi dahil sa anak kita kung hindi para maging karapat-dapat ka sa apelyido ng papa mo."Bata pa lang ako ay iyan na ang kinamulatan kong mundo. Kailangan kong pagtrabahuan ang aking pangalan.Nasa akin ang lahat ng pressure.Anak ng isang school principal at magaling na guro.Karugtong ng aking pangalan ang perpekto, hindi pwedeng magkamali, hindi pwedeng sumimplang.Ako si Tamara Navaroza, anak sa pagkadalaga ng aking inang prinsipal sa eskwelahang pang-elementarya, si Miss Josefina Navaroza.Dating guro si mama na nagmahal ng maling lalaki at ako ang naging bunga.Anak ako sa labas ni Governor Rodulfo Vasquez at hanggang ngayon ay hindi ako tanggap ng kanyang pamilya. Ayaw akong kilalanin ng aking half sister na si Brenna at hindi ko naman ipinagpipilitan ang aking sarili.Pero si mama ay a
CHAPTER 3HULING taon ko na ito sa high school kaya mas naging doble pa ang pressure sa akin.Lahat na yata ng organization ay kasali ako tulad ng gusto ni Mama."Alam mo ba ang balita, Tammy?" tanong ni Jewel nang makalapit sa akin kahit nandito kami sa loob ng library."Ano na namang balita iyan? 'Yong crush ninyong nasa kabilang section ay may girlfriend na? Iyong paborito ninyong artista at model ay ikakasal na? O iyong natitipuhan ninyong mga college students ay may friendly game na naman sa school natin?" mahina ang boses kong tanong pabalik."Oy, magaling kang manghula tumama ka roon sa college students." Itinaas pa niya ang dalawang kilay na may nakakalokong ngiti."Hay, sinasabi ko na nga ba. Alam niyo, Jewel, kayo lang ang inuuto ng mga iyan. Hindi nga siguro kayo kilala ng mga lalaking 'yan eh." Saka itinuloy ulit ang pagsusulat."Tammy, jowain mo na kasi ang isa iyong crush ko." Niyugyog niya ang aking braso. Napangiwi ako sa hiling niyang iyon."Crush mo tapos ako ang ma