All Chapters of Wanted Not Perfect Daddy: Chapter 41 - Chapter 50
81 Chapters
Kabanata 41
Kasabay ni Alejandro ang mga kapulisan para puntahan ang sinasabing Isla Catalina sa Cebu. Halos hindi niya mawari kung ano ang magagawa niya kapag nakita si Jerick.Sakay siya ng helicopter, at nakipag-ugnayan na rin sila sa kapulisan ng Cebu.Saktong pag-landing nila sa paliparan ay bumungad sa kanila ang head of chief sa Cebu, kasama nito ang iilang kapulisan para tumulong sa pagsagip ni Cassandra. Mabuti na lang at tinulungan siya ng pinsan niyang si Sherwin Dela Cuesta, na kilala rin sa Cebu. Nakipag-ugnayan siya rito para mapadali ang paghahanap niya sa dalaga.Nang maproseso ang gagawin nilang entrapment operation ay agad nilang tinungo ang isla. Buong-loob na nakatingin si Alejandro sa daan. Lulan sila sa sasakyan, habang kasama ang mga kapulisan. Tahimik lang siya sa oras na iyon, halatang pinag-iisipan ang pwedeng gawin.Ilang oras pa ang nakalipas at huminto na sila sa isang pier. "Nandito na tayo sa pier, kailangan nating bumaba para sumakay n
Read more
Kabanata 42
Hawak ni Cassandra ang sandwich habang nakaupo sa kaniyang kama. Nasa hospital pa rin siya sa ikatlong araw mula ng magkamalay siya.Tahimik lang nitong kinakagat ang sandwich na muling tumingin pa kay Alejandro. "Want some?" she asked.Umiling si Alejandro saka ngumiti."Hindi ka ba nagugutom?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro."Hindi." Tipid na sabi ni Alejandro na noo'y nakatingin lang sa kaniya. Nag-iisip kasi ito kung paano niya sasabihin kay Cassandra ang katotohanan na hindi ito mabibigla."Kung makalabas na ako rito, saan tayo dideretso?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro."Magbakasyon tayo sa kakilala ng pinsan ko." Sabi pa ni Alejandro sa dalaga."Saan naman?""Sa isang resort, malapit lang dito.""Hmm..it seems marami kang kakilala rito ah," ngiti pa ni Cassandra sa kaniya.Umiling siya saka ngumiti."Kakilala lang ng pinsan ko," saad pa niya saka tumayo."Oh, saan ka pupunta?" sabi pa
Read more
Kabanata 43
Tulak-tulak ni Alejandro ang wheelchair ni Cassandra habang papunta sa reception ng hotel, nasa LCDDR na sila sa Cebu para mag-relax at magpalipas muna ng panahon, kailangan ni Cassandra na magpalakas at magpagaling mula sa nangyari."Let's go, Alejandro, ang bagal mo naman!" palatak pa ni Cassandra na nayayamot habang kinakati ang pisngi."Easy, Cassandra, malapit na tayo." Saad ni Alejandro na agad namang inasikaso ng sumalubong na staff. Agad niyang nilahad ang card ni Ezekiel, kaya't tuloy-tuloy lang sila sa isang pribadong elevator.Napahanga si Cassandra sa pag-aasikaso nila sa kanila. "Wow, ah. Exclusive suite ba tayo?" nakangiting saad ni Cassandra na hindi mapirmi sa pagtatanong kay Alejandro. Halos mabali ang leeg nito katitingala, katitingin sa bawat madaanan nilang pasilyo.Nang pumaloob sila sa elevator ay inasikaso sila ng staff na siyang pumindot sa button na nasa gilid."Enjoy your stay, sir, maam." Sabi pa ng staff kina Alejandro a
Read more
Kabanata 44
"The food is ready!" tawag pa ni Cassandra kay Alejandro na nasa pool area. Katatapos lang niyang ilapag ang plato sa counter top table nag-prepare pa siya ng sandwich, egg omelet at lime juice. Hindi siya sigurado pero parang nasa-instinct na niya na iyon ang dapat niyang lutuin that time.Nakita niyang dahan-dahang lumapit si Alejandro at nagsuot ng roba. Nang makalapit ito ay umupo ito sa harapan niya at pasimpleng kinuha ang baso ng lime juice.Uminom ito na tila uhaw na uhaw."Oh great! It taste the same, Cass..i..i mean, señorita." Sabi pa ni Alejandro na sumeryoso at naupo lang.Cassandra help him to put another juice in his glass."O, kumain ka na. Alam kung nagugutom ka," Cassandra said while biting her sandwich.Tumingin si Alejandro at sumandok ng kanin at ng isdang prito, saka pa ito sumubo. "Hmmm...sarap!" sabi pa ni Alejandro kay Cassandra na pinupuri ang niluto nito."Thanks!" Cassandra said while smiling.
Read more
Kabanata 45
Matapos maasikaso ang abo ni Don Ejercito, ay agad na nilisan nina Alejandro, Kata at Kulas ang Las Vegas. Umuwi sila sa San Luisita, gamit ang private plane na na binili ni Alejandro para kay Travis. They're in their misery upon arriving. Naghihinagpis din ang hacienda Monteverde nang mapabalita ang nangyari, mabilis kumalat ang balita.Lulan pa sila ng kotse, papunta sa hacienda nang mapansin ang iilang establishimento sa bayan na naka-half flag. Simbolo na nagluluksa ang mga ito sa pagkamatay ng isa sa magaling na pinuno ng bayan. Tumuloy sila sa hacienda Monteverde, at doo'y naisaayos na ang mansyon, nang makababa sila sa sasakyan ay bumungad kina Alejandro ang naghihinagpis na mga trabahador ng pamilya. Tuloy-tuloy lang si Alejandro sa paglalakad habang hawak ang ceramic vase na pinaglalagyan ng abo ng yumaong matanda. Nakasuot lang siya ng itim na shades para hindi makita kaniyang namumulang mata na tanda ng kaniyang pag-iyak.Nang makapasok siya sa salas ay naka
Read more
Kabanata 46
Nagising si Alejandro sa ingay mula sa kusina, maagang naghanda sina Manang Anda ng makakain, at dahil d'on ay namulat siya sa pagkakasandal sa sofa. Namulatan niya ang magandang arrangement ng mga bulaklak at ang palamuti na kinase-sentrohan ng lamesang may ceramic vase."Good morning, 'nong," bati pa niya sa larawang natatanaw.Agad siyang tumayo at tinahak ang kusina. Doo'y nakita niya ang mga katiwala ng hacienda na tulong-tulong na nagluluto at naghahain ng mga pack-lunch para sa mga dadalaw at makikiramay."Ay sir, gising ka na pala...kumain ka na po, may niluto na po akong pritong isda at omelet, nand'yan na rin po sa lamesa ang lime juice." Saad pa ni manang Anda na abala sa paghalo ng kung anong putahe sa malaking kawali."Sige ho, salamat." Aniya saka pa tinungo ang lamesa. Tahimik lang siyang naupo at tinitigan ang nakahaing pagkain. Naalala niya si Cassandra na ngayo'y nandoon pa rin sa Cebu. And he is wondering if kamusta na kaya ito ngayon d
Read more
Kabanata 47
Hawak-hawak ni Cassandra ang braso ni Alejandro sa mga sandaling iyon. Dahan-dahan niyang tinatahak ang kaniyang mga paa papunta sa bukana ng mansyon. Ramdam niya ang mabigat na awra sa bawat paghakbang niya.Natatanaw pa niya ang mga trabanteng tumitingin sa kaniya."Halika na, Cassandra..." sabi pa ni Alejandro."I'm...nervous." Cassandra said. Namumula pa ang mata nito na tanda mula sa pag-iyak. Muling hinawakan siya ni Alejandro na parang nagsasabing nandito lang siya at handa siyang damayan.Alejandro rubbed her hands and smiled."Andito lang ako," sabi pa nito.Muling hinakbang ni Cassandra ang kaniyang mga paa at doo'y nabungaran ang tarangkahan ng mansyon, natatanaw niya ang salas na kinalalagyan ng mga bulaklak at pinaglalamayang abo ng kaniyang lolo. Mabilis na tumulo ang kaniyang mga luha sa nakita."Lolo...lolo! Lolo!" iyak pa ni Cassandra na noo'y napatakbo sa gawi ng lamesa. Humagulhol pa ito habang nahihirapang tumayo.
Read more
Kabanata 48
Nagising si Cassandra mula sa pagkakatulog, agad siyang napabalikwas at nilinga ang paningin."Alejandro!" tawag pa niya sa kawalan, masama ang kutob niya. Agad siyang tumayo at agad na tinungo ang labas. Pumanaog siya sa hagdan at hinanap ang binata. Magmamadaling araw na sa oras na iyon. Mayamaya ay pumunta siya sa may kusina at doo'y nakita sina Kata at Kulas."O, Cassandra, nagising ka na pala?" sabi pa ng dalawa na nagtitimpla ng kape."Nasaan si Alejandro?" aligagang tanong ni Cassandra."May pupuntahan lang daw sa Manila, maniningil lang daw siya ng utang," walang kamalay-malay na saad ni Kulas."Oh my god!" bulalas ni Cassandra na may masamang kutob."O? Bakit, bakit Cassandra?" naguguluhan na saad ni Kata sa kaibigan."I have some feeling, may kutob akong hindi maganda!" sabi pa ni Cassandra na naupo sa kalakip na silya."Huminahon na muna, please. Nakakasama sa'yo ang mag-alala, hindi ka pa magaling." Sabi pa ni Kata.
Read more
Kabanata 49
Ngayon na ang araw ng paglilitis ng kaso. Ngayon ang araw kung saan isasalang ang mag-amang Nunez, na sina Jerick, Erickson at Don Sebastian.Nasa City Hall sila ng San Luisita para sa hearing. Nandoon ang lahat ng kapisan ng samahan ng mga magsasaka. Naroroon din ang mga kapanalig nina Alejandro at Cassandra. Nahahati ang panig ng kinauupuan nila. Nasa kaliwa ang panig ng mga Nunez, nandoon nakaupo ang kanilang attorney at ang mag-amang naka-suot ng kulay orange na damit. Nandoon din si ginoong Abuevo na nag-iisang kapanalig ng mag-ama.Nasa kanan naman nakaupo ang lahat ng magsasaka na halos pumuno sa upuan, nakatayo naman ang iilan na nasa gilid, kumpleto ang lahat, naroon sina Ka-Tonyo, si manang Anda, ang mga kaibigan ni Cassandra na sina Christian at Sherly, naroon din sina Juan, Luis, Felix at iilang testigo para sa kaso.Nasa harapan si Cassandra at si Alejandro na seryosong nag-uusap habang katabing nakaupo. Naghihintay sila ng pagdating ng judge.
Read more
Kabanata 50
"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen." Sabi pa ng pari sa oras na iyon na noo'y hawak ang ceramic vase na pinaglalagyan ng abo ni Don Ejercito. Nasa may pangpang sila para isaboy sa kahanginan ang abo ng yumaong matanda. Napagdesisyonan nila na doon ito ilagay dahil alam nilang iyon ang paboritong lugar ng matanda. Doon ito nagpapalipas ng oras habang tinitingnan ang bukang-liwayway at dapit-hapon ng bayan.Nakahawak sa braso ni Alejandro si Cassandra na tahimik na umiiyak. Suot nila ang mga itim na kasuotan, tanda na nagluluksa sila sa pagkamatay ng ginoo. Naroroon ang lahat ng trabahante at piling kakilala. Ramdam nila ang paghihinagpis nito, hindi sila iniwan ng mga ito simula pa sa umpisa. Buo ang suporta ng mga taga-San Luisita sa kanilang lahat.Nang maipanalo nila ang kaso at mapakulong ang mga Nunez ay medyo humupa ang tensyon sa pagitan nila. Cassandra on her side, was temporarily settled and stable for once. Naisagawa ng hu
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status