Kinabukasan, hindi ako bumangon nang maaga. Hindi dahil pagod ako, kun'di dahil ayaw ko. Mahigpit kong ipinikit ang mga mata ko habang nakabalot sa manipis kong kumot, pilit binubura sa isip ko ang eksena kagabi, ang ulan, ang payong na nakatapat sa akin, at ang boses niyang parang utos kahit hindi naman.Come back to me.Tsk.Mariin akong napabuntong-hininga habang nakaharap sa kisame ng maliit kong kwarto.“Hindi ako babalik,” bulong ko sa sarili ko.Kahit pa ubusin ko ang buong lungsod sa kakahanap ng trabaho, kahit pa mapagod ako kakaiwas sa pamilyang iyon, mas pipiliin ko iyon kaysa bumalik sa ilalim ng pangalan ng Al Monleon. Lumipas ang ilang minuto, o baka oras nga nang hindi ko nalalaman nang wala akong ginagawa.Nakatitig lang ako sa kisame habang dahan-dahang nagiging maingay ang paligid, ang mga sasakyan sa kalsada, ang mga batang dumadaan sa eskinita, at ang mahinang tunog ng radyo ni Ma’am Sandra sa sala. Hanggang sa makarinig ako ng tatlong magkasunod na katok mula sa p
Last Updated : 2026-03-08 Read more