All Chapters of My Favorite Mistake: Chapter 61 - Chapter 70
78 Chapters
Chapter 61 - I miss You, Sweetheart
Rhian's Point of View"Mommy, hindi pa ba uuwi si daddy?" Maya-maya pa'y tanong ni Zane sa akin.Sinamahan ko muna siya sa kanyang kwarto at kanina pa siya naghihitay sa pagbalik ni Logan. Nakasuot na ito ng damit na pantulog ngunit ayaw pa nitong matulog dahil hinihintay niya ang pagbalik ng kanyang daddy.Napangiti ako sa aking anak. Kahit antok na antok na ito ay pinilit pa rin na iminumulat ang kanyang mga mata. "Matulog ka na, anak. Siguradong pauwi na rin naman ang daddy mo." Nakangiting saad ko habang inaayos ko ang kanyang kumot. "Sabi ni daddy babalik siya agad, pero hanggang ngayon wala pa rin siya." Malungkot na usal ni Zane. Umayos na ito sa kanyang paghiga. Marahil ay hindi na nito makayanan ang antok."May mahalagang inaasikaso kasi ang daddy mo, anak. Intindihin mo na lamang siya."Marahan naman tumango sa akin si Zane."Okay po, mommy. Matutulog na po ako." Malumanay na saad ni Zane at saka unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata."Good night, sweety." Bulong k
Read more
Chapter 62 - Selos
Rhian's Point of ViewPagkatapos kumain ng mag-ama ay nagtungo ang mga ito sa salas. Samantalang ako ay naiwan sa kusina upang magligpit ng aming pinagkainan.Sinilip ko ang mag-ama, seryoso ang mga ito habang nanunuod. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Nang malapit na akong matapos ay nakita ko si Logan na papalapit sa akin.Niyakap niya ako mula sa aking likuran at marahan na inamoy-amoy niya ang aking batok. Hinawi niys ang aking buhok na tumatabon sa aking leeg at saka hinalik-halikan niya iyon."Mmm.. nakakaadik ang amoy mo, Sweetheart." Bulong ni Logan."L-Logan.. baka makita tayo ng anak mo." Saway ko sa kanya nang magsimulang maglikot ang mga kamay nito.Pinihit niya ako paharap sa kanya at saka kinulong sa kanyang mga bisig."Mhmm.. Ano kaya kong ipadala muna natin ang ating anak sa Mansyon. Siguradong matutuwa ang mga kumag kapag nandoon ang ating anak. Para naman masolo kita." Pilyong saad ni Logan.Kinurot ko n
Read more
Chapter 63 - Mensahe
Rhian's Point of ViewKasalukuyang pinagsasaluhan namin ni Logan ang isang maalab na halik. Pawang ayaw namin bumitaw sa isa't isa. Ang bawat halik ay naghahatid nang matinding pagnanasa sa aming katawan, ngunit ang maalab at mapusok naming mga halik na iyon ay sandaling naputol nang may marinig kaming malalakas na katok.Sandaling naghiwalay ang aming mga labi saka marahan kong itinulak si Logan. Tila wala itong balak na pagbuksan ang kumakatok."M-may kumakatok, Logan. Hindi mo ba papapasukin?" Ani ko sa lalaki. "Hayaan mo sila, Sweetheart." Nakangising usal ni Logan at saka muli niya akong hinalikan. Walang pakialam ang lalaki sa kung sinomang kumakatok doon.Muli ko na naman siyang naitulak dahil sunod-sunod na ang naging pagkatok. Baka may hindi inaasahang nangyari o may mahalagang sasabihin ang kumakatok kaya hindi ito tumitigil."Baka importante iyon, Logan. Labasin mo muna." Kumalas ako mula sa kanyang pagkakayakap. "At saka, nasa trabaho tayo. Pwede naman natin gawin ito pag
Read more
Chapter 64
Rhian's Point of ViewPagpasok ko ng bahay ay agad kong hinanap si Zane. Tanging si Rose lamang ang nasa sala at abala ito sa panunuod. "Rose, nasaan si Zane?" Agad kong tanong dito."Ate, nakarating na pala kayo. Si Zane ho ay nasa kanyang kwarto." Sagot naman ni Rose."Salamat." Agad kong pinuntahan ang aking anak. Si Logan naman ay nagderetso sa aming kwarto.Kumatok muna ako sa kwarto ng aking anak bago ako pumasok. Nakita ko itong abala sa paglalaro. Kunot-noo naman akong lumapit sa aking anak."Zane, saan galing ang laruan na iyan?" Nagtataka kong tanong dito. Wala akong maalala na binilhan ko ito ng gano'ng laruan."Mommy!" Masayang saad ni Zane habang hawak-hawak nito ang isang laruan na Cozmo Robot."Sino ang nagbigay sa iyo niyan, Zane?" Mariin kong tanong dito.Hindi ko tinuruan si Zane na kumuha ng hindi sa kanyang gamit at lagi kong pinapaalala sa kanya na masamang kumuha ng hindi sa kanyang gamit. Imposibleng kinuha niya iyon sa kanyang kaklase. "Bigay po ito ni kuya R
Read more
Chapter 65 - Larawan
Rhian's Point of ViewTulala pa rin ako hanggang sa makasakay ng sasakyan. Si Brooks ang nagmamaneho ngayon ng sasakyan dahil wala akong lakas para makapagmaneho. Hindi naman ako masusundo ni Logan at hindi ko alam kung nasaan ito ngayon. Hindi rin ito sumasagot sa aking mga tawag.Mariin akong pumikit at saka pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. "Hindi ka pa ba tinatawagan ng boss mo?" Pagkaraa'y tanong ko kay Brooks habang seryoso itong nagmamaneho. Ang ibang kasamahan niya ay nasa isang sasakyan at naka sunod lamang sa amin."Hindi pa ho, Ms. Rhian. Sabihan na lamang po kita kung tumawag na si boss Logan. Huwag ho kayong mag-alala, nagpadala na ako ng mensahe kay boss tungkol sa nangyari sa inyo. Siguradong pauwi na rin iyon." Ani naman ni Brooks.Seryoso naman ito habang nagmamaneho. Ni hindi manlang niya magawang tumingin sa akin.Matipid naman akong ngumiti kay Brooks. Nais ko pa sanang tanungin ito kung alam ba niya kung n
Read more
Chapter 66 - Hinala
Rhian's Point of ViewNapagpasiyahan kong itigil muna ang aking ginagawa. Kailangan kong kumain upang magkalaman ang aking tiyan.Wala pa rin si Logan kaya ako lang mag-isa ngayon ang kakain sa labas. Palabas na ako ng aking opisina at nakita ko si Alex na palabas din ng kanyang opisina."Oh! Saan ka pupunta, Rhian?" Kunot-noong tanong naman ni Alex."Ahm.. kakain lang ako sa labas. Hindi ko kasi namalayan ang oras." Tugon ko naman dito. Mukhang ngayon pa lamang din kakain ang binata. "Ikaw saan ka pupunta?""Uhmm.. kakain din. Katulad mo, naging abala din ako sa trabaho kaya hindi ko rin namalayan ang oras." Nakangiting saad naman ni Alex. Napatango-tango naman ako dito. "Ahmm.. pwede bang sabay na tayo maglunch, Rhian? Don't worry, my treat."Saglit ko munang pinag-isipan ang alok ni Alex, ngunit sa huli ay pumayag na rin ako.Tutal mag-isa lamang naman ako at nagmagandang loob naman ang lalaki. Wala naman siguro siyang masamang hangarin sa pagyaya niya sa akin.Sabay kaming lumab
Read more
Chapter 67 - I'm sorry, Sweetheart
Rhian's Point of ViewMasayang nahiga si Zane sa kanyang kama dahil ngayon lamang kami matutulog na magkakasama.Nakangiti naman ako na pinagmamasdan ang aking anak habang pinapakiramdaman ko si Logan. Matapos namin magtalo kanina ay parang hindi ako makahinga nang maayos kapag nakaharap ko ito. Napataas naman ang aking kilay nang makita ko itong nagtanggal na ng kanyang sapatos.'Seryoso ba talaga siyang dito s'ya matutulog?' Hindi ko maiwasan itanong sa aking sarili. Mukhang hindi ito nakakaramdam na ayaw ko itong makatabi. Tsss.Patay-malisya naman na naglakad si Logan patungo sa kama at saka nahiga sa tabi ni Zane, samantalang ako'y nagdadalawang isip pa kung tatabi ba ako sa kanila o hindi. Malalim kong nahugot ang aking hininga. Kung hindi lamang dahil sa aming anak hindi ko hahayan na matulog ito na katabi namin.'Bahala na, lilipat na lamang ako nang higaan kapag nakatulog na ang mga ito.' Sa isip-isip ko."Hindi ka pa ba matutulog, Sweetheart?" Nahihirapang usal ni Logan. H
Read more
Chapter 68 - Ang pagbagsak
Third Person's Point of ViewMapait na ngumiti si Vera nang maalala niya ang nangyari kanina habang nag-uusap sila ni Logan.Masaya pa siya dahil pina-unlakan ng lalaki ang kanyang paanyaya ngunit galit siya nitong hinarap.Sa isang hotel siya nakipagkita dito upang ng sa gano'n ay maisagawa niya ang kanyang plano na pikutin ito. Nilagyan niya ng gamot ang inumin ng lalaki bago pa man ito dumating. Subalit bantay sarado ang kanyang mga tauhan. Hindi rin ito kumain kaya hindi siya nagtagumpay ang sa kanyang plano.Naki-usap siya sa lalaki na kung pwede nitong i-atras ang kaso laban sa kanyang daddy ngunit mariin na tumanggi sa kanya ito. Kaya naman mas lalo lamang nadagdagan ang kanyang poot para dito.Kinuha ni Vera ang bote ng alak at saka walang habas na tinungga iyon. Nandito nga pala siya sa isang bar sa Makati. Matapos nilang mag-usap ni Logan ay dito siya nagderetso upang maglabas ng sama ng loob. Pilit niyang kinakalimutan ang kahihiyan na sinapit niya kanina. Napahawak naman
Read more
Chapter 69 - Pangako
Rhian's Point of View"Uhm.." Mahina akong napaungol. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat dahil nakabukas ang bintana sa tapat ng kamang hinihigaan ko.Hinanap ko si Logan sa aking tabi ngunit wala ito. Inilibot ko ang aking paningin at napansin ko sa ibabaw ng lamesa ang isang kumpol ng pulang rosas na nakapatong doon.Nagtataka naman akong bumangon at saka kinuha ang mga bulaklak. Marahan ko iyong inilapit sa aking ilong at saka inamoy ito. Nanuot ang halimuyak nito sa aking ilong. May kasama ito na isang kapirasong papel, kinuha ko iyon at tahimik kong binasa.-Good morning, Sweetheart. Hindi na kita ginising dahil ang himbing pa nang tulog mo. I love you so much, Sweetheart. Malapad akong napangiti at tila may mga paru-paro sa loob ng aking tiyan nang mabasa ko iyon.Napagpasiyahan ko nang bumangon dahil kumukulo na ang aking tiyan. Matapos kong maglinis ng aking katawan ay nagtungo na rin ako sa kusina. Doon ay naabutan ko si Rose na abalang nagluluto.
Read more
Chapter 70 - Masamang balak
Third Person's Point of View"Whaat? Si Logan ang bagong may-ari ng ating mansyon?" Gulat na tanong ni Vera sa kanyang ina. "Paano nangyari iyon? Akala ko ba sa pinagkaka-utangan ni daddy mapupunta iyon?""Kay Logan Montereal may malaking pagkaka-utang ang daddy mo, Vera. Inamin sa akin ni Alberto. Kaya nga nagawang pagtangkaan ng daddy mo ang buhay ni Logan dahil wala na siyang pambayad dito." Nanlulumong saad ni Divina. Maging ang kanilang kompanya ay pagmamay-ari na rin ng lalaki."Kailangan natin gumawa ng paraan para mabawi natin ang mansyon at kompanya kay Logan, anak. Hindi ko kayang maghirap tayo." Umiiyak na usal ni Divina. Nawala na ang lahat sa kanila."Ngunit paano, mommy? Ginawa ko nang lahat para bumalik sa akin si Logan ngunit hindi nagtagumpay. Iniiwasan na din niya ako. Isang paraan na lamang ang naiisip ko."Nag-aalala naman na tumingin si Divina sa kanyang anak. Tila may hindi magandang tumakbo sa utak nito. Pero kung ano man ang plano nito ay kailangan niya itong s
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status