"Sigurado ba kayo na kapag pinirmahan ko ito, ay lulubayan na ng mga nagpapautang ang pamilya ko?" Tanong ko habang hawak ko ang ballpen at nanginginig ang mga kamay ko. Nakaupo ako sa harap ng malaking mesa sa opisina ng inaplayan kong trabaho. Desperada na akong makahanap, dahil nitong nakaraan lang ay kung ano-anong ipinadala ng mga loan shark sa bahay. May bulaklak pang patay at meron pang kabaong. Halos iyak nang iyak ang mga kapatid ko sa takot, at ayoko nang maulit iyon. "Yes. Kaya permahan mo na kung gusto mong matulungan ang pamilya mo," seryosong sagot ng lalaki sa harap ko. Pinilit kong maintindihan ang mga nakasulat sa papel, ngunit ilang salita lamang doon ang naintindihan ko. Sumasakit ang ulo ko na basahin iyon ng buo. Hindi naman kasi ako nakapagaral, at hindi ko masyadong maintindihan ang mga nakalagay doon na nakasulat sa Ingles; hindi ako nakatapos ng highschool dahil maaga akong sumabak sa kung ano-anong trabaho para lang may makain ang mga kapatid ko. Ang
Last Updated : 2023-09-05 Read more