Share

The Mafia's Obsession (Tagalog)
The Mafia's Obsession (Tagalog)
Author: Luna

Chapter 1: New Job

Author: Luna
last update publish date: 2023-09-05 16:06:59

"Sigurado ba kayo na kapag pinirmahan ko ito, ay lulubayan na ng mga nagpapautang ang pamilya ko?"

Tanong ko habang hawak ko ang ballpen at nanginginig ang mga kamay ko. Nakaupo ako sa harap ng malaking mesa sa opisina ng inaplayan kong trabaho.

Desperada na akong makahanap, dahil nitong nakaraan lang ay kung ano-anong ipinadala ng mga loan shark sa bahay. May bulaklak pang patay at meron pang kabaong. Halos iyak nang iyak ang mga kapatid ko sa takot, at ayoko nang maulit iyon.

"Yes. Kaya permahan mo na kung gusto mong matulungan ang pamilya mo," seryosong sagot ng lalaki sa harap ko.

Pinilit kong maintindihan ang mga nakasulat sa papel, ngunit ilang salita lamang doon ang naintindihan ko.

Sumasakit ang ulo ko na basahin iyon ng buo.

Hindi naman kasi ako nakapagaral, at hindi ko masyadong maintindihan ang mga nakalagay doon na nakasulat sa Ingles; hindi ako nakatapos ng highschool dahil maaga akong sumabak sa kung ano-anong trabaho para lang may makain ang mga kapatid ko.

Ang daming malalalim na salitang Ingles sa papel na nasa harap ko na hindi ko talaga maintindihan. Ang alam ko lang, ayon sa paliwanag ng taong kaharap ko ay ang kontratang ito ang magbabayad sa malaking utang ng pamilya ko kapalit ng pagsisilbi ko sa isang mayamang tao.

Pumikit ako nang mariin at marahang pumirma sa papel. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok dahil doon, nagsisimula na ring mamuo ang pawis sa noo ko pero wala na akong pakialam. Malaki ang offer nila sa akin at kailangang kailangan ko ng trabaho. Lalo pa't sa mga katulad kong walang pinagaralan ay mailap ang trabaho.

"Bweno, bukas na bukas ay makikilala mo na ang magiging boss mo. Sa ngayon, ay ipapahatid muna kita sa hotel na tutuluyan mo pansamantala." muling litanya ng lalaki at inayos na ang papel na pinirmahan ko.

"Salamat ho," sagot ko naman at tumayo na.

"You're welcome, ito ang copy mo. 'Yan ang kontrata na 'yong pinirmahan. Tumawag na ako ng susundo at maghahatid sa iyo. If you need to visit your house para magpaalam, ay magsabi ka lang sa driver na maghahatid sa 'yo, okay ba?" mabilis naman akong tumango at inayos ang pagkakasakbat ng bag ko.

"O-Oho, maraming salamat po ulit, Sir."

Pagkasabi ko noon, ay ilang segundo lang nang may pumasok nang lalaki. Siya raw ang maghahatid sa akin kaya agad na rin akong sumunod sa kaniya.

"Kuya, pwede po bang dumaan muna sa bahay namin? Ituturo ko po ang address."

"Sige po, ma'am." nakahinga naman ako ng maluwag at napangiti na lang.

Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin. Nang makarating ay nagmadali na akong pumasok doon at naabutan ko nanaman si Tatay na lasing na lasing. Umiiyak din ang bunso kong kapatid na kandong naman ng isa ko pang nakababatang kapatid.

"Ate! Nakauwi ka na po pala!"

Sinalubong ako ng tatlo ko pang kapatid na galing sa kusina. Sabay-sabay silang lumapit sa akin at yumakap nang mahigpit sa aking baywang. Lima silang lahat—limang buhay na dumedepende sa akin, limang mukha ng mga walang muwang na pilit kong isinasalba mula sa bagsik ng buhay namin. Nilagpasan ng tingin ko si Tatay na kasalukuyang nakasubsob sa lamesa, walang malay dahil sa alak.

Sanay na ako roon, pero masakit pa rin para sa akin na makita itong nasa ganoong pwesto, habang ang mga kapatid ko'y nagugutom.

Lumuhod ako para mapantayan silang lima. Kinuha ko si Bunso mula sa kandungan ng pangalawa sa kanila at hinaplos ang basang pisngi nito.

"Opo, nakauwi na si Ate. At may magandang balita ako," pilit kong pinasigla ang boses ko kahit parang may nakabara sa aking lalamunan.

"May trabaho na si Ate. Kaya hindi na kayo kailangang matakot. Hindi na babalik 'yung mga masasamang tao rito."

Kitang-kita ko ang biglang pagkawala ng takot sa kanilang mga mata, napalitan iyon ng pag-asa. Pero alam kong kailangan ko nang umalis agad bago pa ako tuluyang madaig ng pangungulila.

Binuksan ko ang aking lumang bag at kinuha ang sobreng naglalaman ng paunang perang ibinigay sa akin matapos kong pumirma sa kontrata. Hinati ko ito sa dalawa. Ang isang bahagi ay iniabot ko sa pinakamatanda sa kanila.

"Heto, kunin mo ito, Kite. Pangkain ninyo ito sa mga susunod na araw, ha? Huwag ninyong ibibigay kay Tatay, itago ninyo para may pambili kayo ng bigas at ulam araw-araw. Huwag kayong magpapagutom," bilin ko habang hinahawakan ang magkabilang balikat niya.

"Ate, aalis ka po ba? Iiwan mo kami?" tanong ng pangatlo kong kapatid, nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata.

Pinisil ko ang mga pisngi nila at pinilit kong ngumiti, kahit na ang totoo ay nadudurog ang puso ko.

"Kailangan lang magtrabaho ni Ate sa malayo para sa inyo. Pero huwag kayong mag-alala, pangako ni Ate, palagi akong magpapadala ng pera sa inyo buwan-buwan. Hindi ko kayo pababayaan."

Niyakap kong muli silang limang magkakapatid nang sabay-sabay, ramdam ang init at maliliit nilang braso na nakapulupot sa akin. Hinalikan ko sila isa-isa sa noo.

Nang marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas, alam kong oras na para umalis.

Nagmadali akong nag-impake ng ilang gamit habang hindi maiwasang magsibagsakan ng mga luha ko. Mabilis ko naman iyong pinupunasan upang hindi nila makita.

"Magpakabait kayo rito, ha? Magtulungan kayo," huling bilin ko bago dahan-dahang tumayo at bitbitin ang aking bag na kumilos.

Tumalikod na ako at naglakad palabas nang mabilis, hindi na lumingon pa dahil alam kong kapag nakita ko silang umiiyak, baka hindi ko na kayang hakbangin ang papuntang sasakyan.

Sumakay ako sa kotse habang pinupunasan ang mga luhang tuluyan nang umagos sa aking mga pisngi.

Halos hindi ko na nga namalayan na nakarating na kami sa hotel na tutuluyan ko, dahil sa dami ng iniisip. Hindi ko na rin masyado pang matandaan kung paano ako nakapunta sa kwartong naka-reserve para sa akin.

May mga libreng pagkain doon at mga gamit. Ngunit imbes na mag-enjoy ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang mga kapatid ko. Kung kumusta ba sila? Kung naitago ba nila iyong pera?

Halos iyon lang ang laman ng isip ko hanggang sa tuluyan akong makatulog.

๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑

Naalimpungatan ako at kaagad na napasapo sa ulo dahil sa matinding sakit na naramdaman. May matapang din na amoy ng pabango na nanunuot sa ilong ko—amoy ng isang marangyang silid na iba sa hotel room kung nasaan ako kanina.

Nang luminaw ang paningin ko ay, doon ko lang napagtanto ang sitwasyon ko. Napasinghap ako sa takot at gulat.

Nakaluhod ako sa sahig, at ang dalawa kong kamay ay nakakadena sa magkabilang gilid ng pader. Kulay gray, white, at black ang buong paligid.

Paano ako napunta rito? Ang huling natatandaan ko lang ay ang hotel, natulog lang ako...paanong andito na ako ngayon?

Hindi pa nagpoproseso sa isip ko ang mga nangyayari, ay narinig ko na ang pagbukas ng p***o at ang tunog ng mga sapatos na naglalakad patungo sa direksyon ko hanggang sa may huminto sa harapan ko.

"Good, you're finally awake," mababa at malamig ang boses ng lalaking nagsalita.

Pag-angat ng tingin ko, ay isang gwapo at matipunong lalaki ang nakatayo roon. Bakas sa kaniya ang labis na awtoridad na siyang nakapagpakaba sa akin.

"P-Pakawalan niyo po ako... Magtatrabaho naman ako nang maayos tulad ng napag-kasunduan. Bakit kailangang may ganito?" pakiusap ko habang pilit na itinataas ang aking mga kamay na pinipigilan ng bakal.

Tinitigan niya ako nang deretsk, walang bakas ng awa sa kaniyang mga mata.

"Just to make sure you won't escape. It will serve as your practice, as well. I had my men took you last night while you're asleep. Pribado kasi ang lugar na ito, kaya I made sure, you're sleep when you get here. Para hindi ka magtaka. " Ha?

"Ano'ng ibig ninyong sabihin?" kumunot ang noo niya at nakita ko kung paanong nag-igting ang panga niya.

"Seriously? Have you read the contract?"

"Iyong ilang parte lang po, hindi ko kasi maintindihan." pag-amin ko. Kung ganoon ay siya ang magiging boss ko?

Kumuha siya ng isang kopya ng dokumento mula sa kaniyang lamesa at ipinakita sa akin ang bahaging may pirma ko. Dahil hindi ako nakapag-aral nang mataas, hindi ko napansin ang mga nakatagong sugnay sa ilalim ng mga terminong legal.

"What you signed was not a simple employment contract. You gave me your freedom and your rights in exchange for your family's safety. From now on, every move you make will go through me. I have my own rules for you, and you will follow every single one of them. And this contract is not a normal contract for a maid, Katana. You should have read it carefully before you signed it." paliwanag niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Halos pakiramdam ko'y mas kumirot ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Ang haba noon! At hindi ko masyadong maintindihan. Parang sinasabi niya na iba talaga ang trabaho ko.

Tumayo siya nang tuwid, at tinanggal ang kaniyang panlabas na coat at inilagay ito sa upuan, bago lumapit muli sa akin na may hawak na mga bagong papeles. Umikot ang paningin ko sa malaking flat screen TV sa pader na nagpapakita ng mga balita tungkol sa pagkasira ng mga lugar na dati kong pinagkakakitaan, na tila ba pinapakita sa akin na wala na akong ibang mapupuntahan.

"From this day forward, your autonomy is completely void, Katana," seryoso at malamig niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko.

"You are now bound by an irrevocable debt-servitude clause. Any semblance of resistance will be met with severe punitive measures. Obey and I'll reward you. Do I make myself clear?" pagpapatuloy niya.

Napakurap-kurap ako. Ano daw? Autonomy? Void? Irre-voca-ble? Pu-ni-tive?

Gusto kong umiyak sa inis.. Pakiramdam ko ay lalo akong naging mangmang sa harap niya. Ang tanging malinaw ko lang na naintindihan ay ang huling apat na salita.

"H-Hindi ko po kayo maintindihan..." bulong ko, pilit na nilalabanan ang panginginig ng boses ko.

Isang madilim na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. Inabot niya ang mukha ko at hinawakan ang panga ko. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa panga ko, dahilan para mapatitig ako sa perpekto ngunit nakakatakot niyang mukha.

"Para fair. You can say a magic word during your punishment para itigil ko. Magpapagawa ako ng panibagong kopya for you. I'll make sure na maiintindihan mo yun." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay marahan niya nang inalis ang pagkakagapos ko.

Binitawan niya ako nang marahas kaya napasandal ang ulo ko sa pader. May kinuha siyang isang maliit na remote control sa bulsa niya at may pinindot doon.

Mabilis na kumalas ang kadena sa dalawang kamay ko, habang ang lalaki ay umatras ng ilang hakbang mula sa akin.

"I'll send someone here to assist you. Ipapadala na kita sa magiging kwarto mo. I'll give you time to rest at para maging pamilyar ka na rin sa lugar na 'to."

"O-opo."

"Stop calling me with 'po'. Call me Master."

"O-okay, master." may sumilay na ngisi sa mga labi niya bago siya nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.

Nang makalabas siya ay dumako ang tingin ko sa papeles na naiwan niya, at may isang pangalan akong nabasa roon.

Traze Magnus Sullivan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia's Obsession (Tagalog)   Chapter 1

    Mature Content: This chapter contains mild sexual content classified under BDSM, violence, and other scenes intended for adult readers only.****Napangiwi ako ng hawakan ang parte ng tagiliran ko kung saan ako tinamaan ng bala. May balot ng bandage ang katawan ko dahil doon. I was staring at it in the mirror as I looked up to see my sleepy face.Medyo tanghali na pero inaantok pa rin ako. I am not really a morning person. Madalas akong antukin sa araw habang mulat na mulat sa gabi. Parang gusto ko ulit mahiga sa kama at matulog kung hindi ko lang naalala na wala kami sa bahay na pinagdalahan sa akin ng tauhan ni Mathicus. That's his main house. And this place is more like his other house.Sa pagkakaalam ko ay maraming bahay si Math sa iba't ibang lugar dahil bihira itong mag check in sa hotel kapag aalis. Mas gusto niyang magpapalipas ng gabi sa bahay or condo niya, kaya nagpapatayo ito ng bahay kung saan-saan para may tutuluyan siya in case na mapunta siya sa lugar na 'yon. Edi siya

  • The Mafia's Obsession (Tagalog)   Chapter 1: New Job

    "Sigurado ba kayo na kapag pinirmahan ko ito, ay lulubayan na ng mga nagpapautang ang pamilya ko?" Tanong ko habang hawak ko ang ballpen at nanginginig ang mga kamay ko. Nakaupo ako sa harap ng malaking mesa sa opisina ng inaplayan kong trabaho. Desperada na akong makahanap, dahil nitong nakaraan lang ay kung ano-anong ipinadala ng mga loan shark sa bahay. May bulaklak pang patay at meron pang kabaong. Halos iyak nang iyak ang mga kapatid ko sa takot, at ayoko nang maulit iyon. "Yes. Kaya permahan mo na kung gusto mong matulungan ang pamilya mo," seryosong sagot ng lalaki sa harap ko. Pinilit kong maintindihan ang mga nakasulat sa papel, ngunit ilang salita lamang doon ang naintindihan ko. Sumasakit ang ulo ko na basahin iyon ng buo. Hindi naman kasi ako nakapagaral, at hindi ko masyadong maintindihan ang mga nakalagay doon na nakasulat sa Ingles; hindi ako nakatapos ng highschool dahil maaga akong sumabak sa kung ano-anong trabaho para lang may makain ang mga kapatid ko. Ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status