Sa buong biyahe namin— nagtataka pa rin ako sa pananahimik ni Primo. Parang ang daming nag-iba sa kaniya. Nabaril ba siya? Nag-50-50 ba siya— ‘di ba sabi ng ilan kapag naranasan mo raw ang mag-agaw buhay ay gagawa iyon ng malaking pagbabago sa buhay ng isang tao, in instant magbabago ang taong iyon pero— masama ang pagkakakilala ko kay Primo at kung totoo ngang pinatay niya sa overdose ang nanay ni Sev ay sukdulan na at hindi na isang tao ang papanaw kundi isang demonyo.Ibinaling ko kay Tati ang aking tingin na busy sa kaniyang telepono. Nakangiti ito at waring kinikilig pa ata. Iniwas ko nalang ang mata ko dahil gulong-gulo na rin naman ako— at hindi nakakatulong ang presensya ng mga ito sa akin.Matapos ang ilang oras ay huminto ang sasakyan sa isang malaking gate. Sa isang mansyon kami pumasok. Katulad ng mansyon ni Sev— si Sev na naman ang laman ng isip ko. Hinatid ako ni Tati sa aking kuwarto kasama ang dalawang body guards. “Ate— ito ang magiging kuwarto mo. Katabi nito ang of
Last Updated : 2025-11-27 Read more