MasukIto ang Istorya ni Katarina Pierce, isang babaeng hindi pinagkalooban ng masayang buhay pero lumalaban para mabuhay. Dala ng pangangailangan nagapply siya sa TVC o mas kilala sa ‘The Virgin’s Club. Nagsimula siya bilang isang Escort. Hindi naglaon nakilala niya si Master Sev o Sebastian Del Castillo, isang Mafia Don. Dala ng hindi malilimutang madilim na nakaraang naguugnay sa kanila, kinuha siya ni Sev bilang isang mistress. Mapaibig niya kaya ang isang lalaking nabuhay sa galit at kaharasan?
Lihat lebih banyakSa buong biyahe namin— nagtataka pa rin ako sa pananahimik ni Primo. Parang ang daming nag-iba sa kaniya. Nabaril ba siya? Nag-50-50 ba siya— ‘di ba sabi ng ilan kapag naranasan mo raw ang mag-agaw buhay ay gagawa iyon ng malaking pagbabago sa buhay ng isang tao, in instant magbabago ang taong iyon pero— masama ang pagkakakilala ko kay Primo at kung totoo ngang pinatay niya sa overdose ang nanay ni Sev ay sukdulan na at hindi na isang tao ang papanaw kundi isang demonyo.Ibinaling ko kay Tati ang aking tingin na busy sa kaniyang telepono. Nakangiti ito at waring kinikilig pa ata. Iniwas ko nalang ang mata ko dahil gulong-gulo na rin naman ako— at hindi nakakatulong ang presensya ng mga ito sa akin.Matapos ang ilang oras ay huminto ang sasakyan sa isang malaking gate. Sa isang mansyon kami pumasok. Katulad ng mansyon ni Sev— si Sev na naman ang laman ng isip ko. Hinatid ako ni Tati sa aking kuwarto kasama ang dalawang body guards. “Ate— ito ang magiging kuwarto mo. Katabi nito ang of
“Hindi ko alam kung kaya kitang kalimutan? Manatili at malayo sa gulo, hindi ko alam?” sambit ko habang pinagmamasdan ang daungan ng Isla Nuevo.ANIM na buwan na ang mabilis na lumipas. Walang pinag-iba ang mga tao rito sa Isla Nuevo sa mga taga-syudad. Karahasan sa kalye, iskinita at mga sinasabi nilang red district ay normal. Bakit mo ako rito dinala, Sev? O hindi ko lang makuha ang nais mo? Hindi ko lang mabasa ang nasa isip mo. Iyan ang paulit-ulit na gumugulo sa aking isipan.Mabaho— malansa dahil sa pinagsamang amoy ng karahasan at makamundong pagnanasa.Mabilis naman akong nakakuha ng mauupahan— studio type lang ito. konting lakad kusina at sala. Hindi ko naman kailangan ang malaki basta may matulugan lang. Hanggang-ngayon ay nagpapadala ako ng mensahe sa sinasabi ni Sev ngunit wala akong natatanggap pabalik. Kaya hindi ko na hinanap at ang lalaking nagbigay sa akin ng bag ay lagi kong inaabangan sa daungan pero hindi ko na siya nakita pa. Unti-unti na akong nawalan ng pag-asa
KATARINA POV Dinala ako ni Sebastian sa isang Pier. Pinandilatan ko siya ng mata at mataray kong inilipat ang tingin ko sa malawak na karagatan. Narinig ko siyang naglabas ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon.“A-akala ko ba sa probinsya mo ako dadalhin? Bakit dito?” preskong tanong sa kaniya. Nakailang hitit at buga bago muna niya itinuro ang isang isla na halos hindi na matanaw mula sa kinatatayuan namin.“Gusto ko sanang dalhin ka sa probinsya pero mas safe ka do’n. Doon sa Isla Nuevo.”“Gusto ko nang kabahan sa babagsakan kong lugar.”“Kapag nandoon ka na just find this address. Nandito na rin ang pangalan ng taong hahanapin mo.” Iniabot niya ang isang pirasong papel kasama ang aking ticket.Kasalukuyang nagdadagundungan sa kabog ang dibdib ko dahil ilang oras na lang at maghihiwalay na kami. Hindi ko na siya kaya pang titigan dahil baka hindi ako sumakay patawid sa kabilang isla. Hindi ko na kayang mahiwalay sa kaniya. Para sa kaniya balewala lang lahat hindi ko manlang
KATARINA POVHindi ako naniniwala sa isang magandang panaginip pero ang maramdaman ang maiinit niyang halik at pag-angkin niya sa akin kagabi ay dinala ako sa magandang panaginip na parang ayaw ko ng magising pa. Ang lalaking kinasuklaman ko ay mahalaga sa akin.Mahalaga si Sebastian sa akin at pinigilan ko lang ang sarili kong mahalin ang tulad niya dahil naghihiganti lamang siya at kasal siya. Pagbalik niya sa Villa ay hindi ko siguradong magkikita kami ulit. Paulit-ulit niyang binubulong sa akin ang magandang buhay na naghihintay sa akin kapag pumayag akong pumunta sa lugar na sinasabi niya pero hindi ko kayang pumunta ‘don hanggang hindi ko siguradong ligtas siya at magkikita kami ulit.Naramdaman ko ang mainit na likidong lumandas mula sa aking mga mata. Hindi ko napigilan dahil parang ina-alo- alo ko lang ang sarili ko. I know he’s lying last night. Lalo kong isiniksik ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Patuloy kong pinigilan ang paghikbi ko pero mukhang kanina pa yata gising ang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan