Andrew Sebastian- The bastard billionaire의 모든 챕터: 챕터 31 - 챕터 40
58 챕터
Chapter 31- Tikisan
Nagising si Akie kinabukasan na nasa loob na siya ng silid nila ni Andrew at nakahiga na siya sa kama, pero mag-isa. Wala si Andrew, hindi niya alam kung saan ito natulog pero alam niyang ito ang nagdala sa kanya sa kuwarto dahil wala namang ibang lalaki sa penthouse na ito kundi ang binata lang, hindi rin naman puwedeng si Remia ang magdala sa kanya sa kuwarto dahil hindi siya nito kayang buhatin. Malungkot niyang pinagmasdan ang paligid. Kung dati ay napupuno ito ng halinghing at ungol nila sa ganitong oras, ngayo'y nakakabinging katahimikan na lamang ang maririnig niya. "Hanggang kailan mo ba ako hindi kikibuin, Andrew?" tanong niya sa kawalan.Ilang minuto pa siyang napatulala sa kawalan, wala pa sana siyang balak na umalis sa kama pero nakaramdam siya ng pangangasim ng sikmura kaya naman napilitan siyang magbanyo upang ilabas ang dapat na ilabas.Makalipas ang ilang minuto'y nagpasya si Akie na bumaba upang hanapin si Andrew, pero hindi niya ito nakita, sa halip si Aleng Remia
더 보기
Chapter 32- Sugod
Nang makarating sa opisina niya'y kaagad nag-utos si Andrew sa secretary niya na ipagtimpla siya nito ng kape. Hindi na siya kakain ng almusal, tanghalian o kahit hapunan dahil wala naman siyang gana. Well, ilang araw na niya itong ginagawa at heto't siya, buhay pa rin naman. Tama na sa kanya ang kape, at alak naman pagkatapos ng trabaho niya. Pumasok ang secretary niyang si Loreen dala ang umuusok pang kape. Napagalitan niya ito nakaraang araw dahil pinipilit siyang kumain muna, eh, sa ayaw niya kaya napagalitan niya ito dahil makulit."Here's your coffee, Sir." Ipinatong ni Loreen ang tasa sa lamesa ng boss niya."Thanks, Loreen. At pasensya ka na sa nangyari nakaraang araw. Now leave me alone at marami pa akong gagawin," kaswal na saad ni Andrew.Si Loreen na sanay na sa ugali ng boss niya ay napailing na lang na tumalikod at napabulong sa hangin. "Nag-sorry nga, suplado naman.""What did you say?" kunot ang noo na sita ni Andrew sa secretary niya."Wala po. Kako inumin niyo na ang
더 보기
Chapter 33- Pagbawi
Nakatayo si Akie sa harap ng pintuan ng condo unit ni Eliseo. Nanginginig ang palad na muli siyang kumatok sa isa pang pagkakataon. Habang hinihintay niyang bumukas ang pinto ay naalala na naman niya ang iskandalong ginawa niya kanina sa opisina ni Andrew. Napailing si Akie, pilit na pinapaalala sa isipang hindi niya sinasadyang saktan si Amanda, hindi niya sinasadya ang lahat. Mangiyak-ngiyak siya at puno ng pagsisisi sa kanyang nagawa. Hindi niya alam na buntis ito, kanina lang niya nalaman nang susugurin niya sana si Andrew habang binubuhat nito si Amanda, pero natigilan siya nang makita ang pulang likido na kumakalat sa binti ng dalaga at narinig din niya ang sinabi ng lalaki nang humingi ito ng tulong. Dahil sa labis na pagsisisi dahil sa kanyang ginawa ay nagpasya siyang lisanin ang penthouse habang natutulog ang kasambahay. At ang unang taong naisipan niyang puntahan ay si Eliseo, umaasa siyang nandito pa ang lalaki at hindi pa umuwi ng Pilipinas.Laking pasasalamat ni Akie nan
더 보기
Chapter 34- In Denial
Baguio, Philippines Malamig na hangin ang yumakap sa katawan ni Akie mula sa terasa ng malaking bahay na pag-aari ng taong tumulong sa kanya simula nang makabalik siya ng Pilipinas. Si Jenny Delavin at ang asawa nitong si Lyzander na pinsan ni Andrew. Nang una'y ayaw niyang magtiwala sa mag-asawa dahil pamilya ito ni Andrew pero dahil wala na siyang pagtataguan ay tinanggap niya ang tulong ng mag-asawa. "How are you, Akie? Nagugutom ka ba? Sandali na lang talaga at matatapos na ang pagluluto ni Jenny ng pagkain natin," ani Lyzander na nakatayo sa bukana ng pinto ng terasa.Napabaling naman si Akie sa lalaki. Para sa kaniya, itsura pa lang nito ay hindi na mapagkakatiwalaan. Guwapo lang ito pero mukhang babaero. Napangiwi si Akie sabay iwas ng tingin kay Lyzander."Okay lang ako. Hindi pa naman ako nagugutom," aniya.Naglakad si Lyzander palapit sa kanya at tumigil ito sa isang tabi. Katulad niya'y nakatayo rin ito at nakaharap sa magandang tanawin na nakaharap sa kanila."Alam kong
더 보기
Chapter 35- Grieving
Kung minsan ang buhay ay talagang hindi maintindihan. Minsa'y nasa itaas, minsan nama'y nasa ibaba. Ika nga nila'y para itong gulong na umiikot-ikot na hindi malaman kung kailan hihinto. Ito ba'y titigil sa nakatakdang oras? O, magpapatuloy lang sa pag-ikot na parang mundo na walang katapusan. Life is short. Matatapos ito sa ayaw at sa gusto mo. Titigil ka sa paghinga kapag tapos na ang oras mo sa mundo at wala kang ibang magagawa kundi tanggapin na hanggang doon na lang talaga, ang buhay mo.Isang itim na kabaong na napapalibutan ng maraming bulaklak ang nakapaligid rito, na siyang center of attention ng lahat ng taong naroon sa loob ng mansiyon ng pamilyang Greyson. Lahat ay maririnig na humihikbi habang nakaupo sa mga nakahilerang upuan at nakatanaw sa kabaong ng nasawi na walang iba kundi si… Andrew Sebastian.Si Andrew na natapos ang buhay dahil sa pagbabaril at pagkasunog ng kotse nito. "Oh. . . God. I-I c-can't b-believe what just h-happened. . ." Elizabeth cried on Daniel's s
더 보기
Chapter 36- Enton
Nalilito man ang isipan kung saan siya dadalhin ni Enton ay pinili na lamang ni Akie manahimik habang nakasakay siya sa sasakyan ni Enton. Habang nasa biyahe sila ay hindi maalis sa isipan niya ang sinabi sa kanya ng mama ni Andrew. Masakit ang masisi, pero siguro nga'y tama lamang na sa kaniya isisi ang lahat dahil kasalanan naman talaga niya. Kung hindi siya tumakas, siguro buhay pa rin ngayon si Andrew. Muling umusbong ang mga luha niya sa mga mata. Iisipin pa lang niyang patay na si Andrew ay para na rin siyang pinapatay. Hindi niya malaman kung paano ba ang gagawin para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Makakabangon pa ba siya, o baka ikabaliw niya ang pagkawala ng lalaking mahal.Nang makita niyang nakatingin sa kaniya si Enton ay kaagad niyang pinahid ang mga luha. Umiwas siya ng tingin at itinuon sa labas ng bintana ang mga mata. Mula sa labas ng bintana ay nakikita niya ang bundok na nagluluntian dahil sa mga puno, nangunot ang noo niya sapagka't parang pamilyar
더 보기
Chapter 37- Strange
MATAGAL pang nakatitig si Enton sa dalang tray bago nito sinagot ang tanong ni Akie. Makikita rin sa mukha nito na wala itong ni anong tinatago sa dalaga at nagsasabi ito ng katotohananan. Napabuntonghininga muna ito bago nagsalita."Hindi ba obvious na kumain ako kaya may dala akong tray?" kunot ang noo na sagot nito sa dalaga na napatitig pa sa hawak na tray."Dito sa garahe? Dito ka kumain?" giit naman Akie na halatang hindi makapaniwala sa naging sagot ni Enton."Bakit masama ba kung dito ako kakain?" Balik-tanong ni Enton na napakamot pa sa batok nito.Nangunot ang noo ni Akie habang pinagkatitigan ng mabuti ang itsura ni Enton. Mukhang hindi naman ito nagsisinungaling pero ewan ba niya pero parang hindi siya kumbinsido sa sagot ng lalaki. Sa lawak naman kasi ng bahay bakit naman nito naisipang kumain sa garahe? Ano, nagtatago lang?Ayaw niya rin mag-isip ng ganoong bagay pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangan niya pang isipin ang mga ginagawa ni Enton. Sigu
더 보기
Chapter 38- Going back to mansion
"We have to go back to Manila, Akie." Ang sabi ni Enton matapos ang matagal na pagtitigan nila ni Akie. Si Akie ay napakurap sa kaniyang narinig. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam kay Enton. Ipinilig niya ang ulo. Kinikilabutan siya sa kaniyang mga iniisip. Hindi iyon normal para sa kaniya na magkaroon ng kakaibang damdamin sa lalaking ngayon lamang niya nakasama."N-Ngayon na ba?" aniya."Yes. Bukas na ang libing ni Kuya Andrew kaya kailangan nating bumalik ngayon din." Samu't saring emosyon ang kaagad na naramdaman ni Akie sa kaniyang narinig. Hindi pa siya handa. Bakit ang bilis naman yata ng lahat? Hindi ba puwedeng iburol muna ng isang buwan si Andrew para makasama pa nila ng matagal? Agad nangilid ang luha niya at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Enton. Napabuntonghininga naman ang lalaki."Hihintayin na lang kita sa sala." Wika nito saka siya agad na tinalikuran. Tumango si Akie kahit na hindi na iyon nakita ni E
더 보기
Chapter 39- Explanation of Enton
Sa loob ng isang library ng mansion ay doon nagkasundong mag-usap sina Elizabeth at Enton. Enton is now sitting on a chair while Elizabeth is pouring wine into a glass. Ang mga mata ni Enton ay matiim na nakatingin sa ginang habang may ngiti naman sa kaniyang labi. Natutuwa lang siya sa ginang, sa pagiging mabuting tao nito. Kitang-kita rin sa itsura nito ang pagod at kakulangan sa tulog. Ramdam niya rin ang lungkot na nararamdaman nito dahil sa pagkamatay ni Andrew. Napabuntonghininga si Enton, napawi rin ang ngiti sa labi nito.Hindi bale, dadaan lang naman ang lungkot at hindi naman ito magtatagal. Ito ang nasabi ng isipan niya.Matapos naman masalinan ng wine ang isang glass ay agad itong iniabot sa kaniya ni Elizabeth."Thank you," aniya.Tumango naman ito kapagkuwa'y ininom ang wine bago ito muling nagsalita. "So, anong mayroon sa inyo ni Akie?" Si Enton na akmang iinumin ang wine ay natigilan at napabaling kay Elizabeth na nakakunot ang noo. "What do you mean?" saad niya.Bumu
더 보기
Chapter 40- Switching
Huling araw na ng labi ni Andrew sa mansion. Si Akie ay hindi umaalis sa kinauupuan nitong nakaharap sa kabaong ng binata. Mugto na ang kaniyang mga mata, at halos wala na rin siyang luha na mailalabas pa sa isiping lahat ay binuhos na niya. Pagod ang kaniyang nararamdaman pero wala siyang balak na umalis sa kinauupuan. Gusto niyang doon lang siya, hanggang sa kuhanin na nga ang kabaong ni Andrew para isakay sa isang kotseng magdadala rito sa Simbahan.Dahil halos ayaw niyang payagang kunin ang kabaong ni Andrew sa harapan niya'y nagwala siya, at doon naman umalalay sa kaniya si Enton. Pilit siya nitong niyakap at pinatahan."Shhh. Everything will be alright," ani Enton na niyakap na siya ng buong higpit. Kumawala naman si Akie sa pagkayakap sa kaniya ni Enton at agad na binalingan ang binata na may kasamang masamang tingin."Everything will be alright? Paano? Paano magiging maayos ang lahat gayong wala na si Andrew at ako ang dahilan niyon?" sumbat ni Akie kay Enton habang lumuluha
더 보기
이전
123456
DMCA.com Protection Status