All Chapters of Love Magnet: Chapter 51 - Chapter 60
70 Chapters
Kabanata 50
INOPERAHAN sa puso si Ama.Kasalanan ko iyon. Kung hindi sana ako nagdala ng problema, hindi sana siya ma-i-stress. Hindi sana siya aatakihin sa puso.“Kumusta si Ama? Successful ba ang naging operation sa kaniya?” pagpukaw ni Elle sa aking atensiyon kaya isa-isa akong napatingin sa mga kaibigan kong dumalaw sa akin.Sa sobrang dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko ay hindi ko namalayan na napatulala na pala ako kulungan ng tandang na nasa aming harapan.“Masien, gagaling ang tatay mo. Magsasabong pa kaya iyon,” singit naman ni Cyllene pagkatapos ay tinapik-tapik pa ang aking balikat.Bumuntonghininga naman ako.Napakaraming nangyari sa akin sa loob ng isang buwan. Iniwan ako ni Yevhen, inatake sa puso si Ama, at ayaw na akong tigilan ni Mark tungkol sa pinaplano niyang kasal daw namin.Putragis! Wala na akong oras mag-move on kay Yevhen.“Masien, may problema ba bukod kay Amang Damian?” pag-uusisa ni Zemira habang karga-karga ang sanggol niyang anak na si Hera. “W-wala. Ayos la
Read more
Kabanata 51
NAMUTLA ako nang malala matapos kong malaman na ang kapatid ko na palagi kong kakampi, simula pagkabata ay hindi na pala kapatid ang turing sa akin.Puta. Hindi ko iyon matanggap kaya nag-away kami hanggang sa pinakiusapan ko siyang lumayo muna.Sinunod niya naman iyon. Mahigit isang taon na ang lumilipas, hindi pa rin ako kinakausap ni Klein.“Anak, pwede ba tayong mag-usap?” biglang pagkuha ni Ama sa aking atensiyon matapos naming magkasalubong sa salas.Papaalis na sana ako ng bahay dahil may lakad akong pupuntahan, pero naharang naman agad ako ng aking tatay.“Tungkol saan? May sumasakit na naman ba sa inyo?” sunod-sunod kong tanong nang dahil sa pag-aalala. Lahat kasi kaming magkakapatid ay hindi pa rin mapakali sa kondisyon niya, lalo na't kada check up ng doktor ay pinaalalahanan kaming mag-ingat dahil baka raw maulit ang atake niya sa puso.“Ang sabi ni Mark ay hindi ka raw tumutulong sa pag-aasikaso ng kasal niyo. Huwag mo namang ipaubaya ang lahat sa mapapangasawa mo,” sen
Read more
Kabanata 52
“KUMUSTA ka na?” bungad niyang tanong sa akin kaya malakas akong napabuntonghininga.Putragis! Sa paraan ng kaniyang pag-uusisa ay parang hindi niya ako ginawang kabit at binaboy noon.May anmesia ba siya?“Parang nakita na kita noon, pogi. 'Di ba, mare? Saan ba kita nakita?” sunod-sunod na kwestiyon ng mga tsismosang nasa akong tabi. Kitang-kita ko rin sa mga mukha nilang lahat na iniisip talaga nila kung sino si Yevhen.Napamura tuloy ako sa aking isip.Mayamaya lamang ay maaalala na nila ang balita noon tungkol sa akin at kay Yevhen.“Ah, mga kumare, dito muna pala kayo. Hinahanap ko nga pala si Elle,” nagmamadali kong paalam sa samahan bago ko mabilis na ibinalik sa lalagyan ang kinuha kong plato at kutsara't tinidor kanina.Kaagad din akong naglakad papaalis sa eksena at tuluyang ipinagsawalang-bahala kung sino ang aking nakita.Tang ina. Gusto kong magwala, pero ayaw kong sirain ang birthday party ng inaanak ko.B-bakit ba siya nandito? Nanadya ba siya?!“Maria, pwede ba kitang
Read more
Kabanata 53
NAGPATULOY ang panggugulo sa akin ni Yevhen. Kung noong una ay pasimple lang siya sa pagsunod-sunod sa akin, ngayon ay sadya na at lantaran na siya kung mangulit.Dalawa na tuloy sila ni Mark na problema ko.Tang ina.“Ate! May bisita ka sa labas!” sigaw ni Dwayne na kapapasok lamang sa loob ng bahay. Pawis na pawis na naman siya kaya paniguradong sa basketball court na naman siya tumambay.Kung nandito lang sana si Levi ay hindi niya magagawa 'yang pagbababad sa laro, kaso nasa one-week seminar ang kapatid namin kaya malayang-malaya siyang magawa ang lahat ng bagay na gugustuhin niya.“Huwag mong sabihing si Mark iyan? Wala na talagang oras na pinili iyan. Hapon na,” iritable kong komento, ngunit hindi naman ako nakakuha ng sagot dahil nagtuloy-tuloy lamang siya sa pagpasok sa loob ng kaniyang kwarto.Napakamot tuloy ako ng ulo bago ako tumayo sa pagkakaupo sa sofa upang patayin ang TV. Padabog din akong lumabas ng bahay para alamin kung sino ang kaniyang tinutukoy.Ngunit hindi pa
Read more
Kabanata 54
HINDI na ako muling nagpakita pa kila Ama matapos kong sumbatan si Yevhen.Kahit nga ipinatawag pa ako sa aking kwarto ay hindi talaga ako nagpatinag dahil sumariwa sa akin ang lahat.Bigla kong naalala ang nakaraan. 'Yong masasayang araw na magkasama kami. Tang ina. Nami-miss ko iyon, pero gumigimbal din sa akin 'yong mga alaala kung kailan ko nalamang hindi totoo ang pinagsamahan namin.“Ate, wala ka ba talagang pakialam sa challenge ni Ama kina Kuya Yevhen at Kuya Dax?” tanong ni Dwayne habang kumakatok sa pabas ng nakasaradong pinto ng aking kwarto.Nagising tuloy ang aking diwa at saka ako napabuntonghininga. Tanghaling-tapat na, ngunit wala pa rin akong gana na lumabas ng aking silid.Putragis!Ayaw ko siyang makita. Ayaw ko silang makita!“Okay ka lang ba?” tanong muli ni Dwayne. “Ate, hindi ko alam kung ano'ng totoong nangyari sa inyo ni Kuya Yevhen, pero mas gusto ko siya kaysa kay Kuya Dax at kay. . . Kuya Klein,” pahina nang pahina niyang dugtong ngunit narinig ko pa rin
Read more
Kabanata 55
PUTRAGIS!Wala akong mukhang naiharap kay Yevhen matapos niyang maintindihan ang nais kong ipahiwatig.Buong maghapon tuloy akong muling nagkulog sa loob ng aking kwarto hanggang sa mabalitaan ko na lamang, kinabukasan, na si Mark ang nanalo sa unang challenge ni Ama.“Paano nga ba siya mananalo, e, hindi naman siya marunong magkusot,” umiiling-iling kong sambit habang nakahiga sa aking kama at inaalala ang itsura niya kahapon na hirap na hirap sa paglalaba.“Bumawi na lang siya sa susunod na challenge,” bigla kong pahayag kaya natigilan ako at kalaunan ay nasabunutan ko na lamang ang aking sarili.Tang ina.Bakit parang gusto ko siyang manalo?!“Sinabi niya lang noong nakaraan na hindi ka niya kabit, lumalambot ka na. Hindi ka pa naman sigurado.” Nagpagulong-gulong ako sa aking kama nang dahil sa inis sa sarili.Hindi 'to pwede!Galit ako sa kaniya! Galit na galit!“Anak,” tawag-pansin ni Ama na kumakatok sa nakasaradong pinto ng aking kwarto. Itinigil ko tuloy ang aking pagdadabog
Read more
Kabanata 56
KANINANG-KANINA pa ako nakauwi galing bahay-ampunan, ngunit hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ako sa aking damdamin.Umiling-iling na lang ako.“Hindi ako magpapauto,” pangako ko sa aking sarili. Sigurado kasi akong isa na naman 'yong kasinungalingan para bilugin ang aking ulo.Imposible, dahil paano 'yong mga ibinalita noon sa TV na totoong kasal na sila? “Tang ina mo, Yevhen. Ano ba talagang motibo mo sa akin?” Bumuntonghininga ako nang malakas pagkatapos ay mabilis kong kinuha ang aking cellphone sa drawer na nasa tabi lang ng aking kama.Nag-browse ako sa internet at hinanap ang mga lumabas article patungkol kina Yevhen at Clementine noon.Ngunit napangisi na lamang ako at napamura nang mabasa ko ang isang interview sa kaibigan ni Clementine na nagsasabing totoo ang kasal nila at isa raw ito sa nakasaksi niyon.“Sabi na nga ba, nagsisinungaling ka lang.” Pinalis ko agad ang mga luhang nahulog sa aking mga pisngi bago ako nahiga sa aking kama. Itinigil ko na rin ang pag-ce-cel
Read more
Kabanata 57
“SI Mark,” masayang-masayang anunsiyo ni Ama sa kung sino ang nanalo. Tang ina.Para akong pinagbagsakan ng buong langit at lupa. Hindi ako makagalaw sa aking pwesto at tanging pagkuyom lang ng aking mga kamao ang aking nagawa.“Talaga? Talagang-talaga, Ama? Ako ang nanalo?” nakakarindi at paulit-ulit na tanong ni Mark at saka niya niyakap nang mahigpit na mahigpit ang aking tatay.Inulit naman ulit ni Ama ang pangalan ng nanalo kaya naghihiyaw na ito sa tuwa at nagtatalon-talon pa.Nangilid tuloy ang aking mga luha saka ako napabuntonghininga. Gustong-gusto kong tumutol, ngunit alam kong kapag ginawa ko iyon ay sasama ang damdam ng aking tatay.“Ate, 'yong kulay asul na tasa ang kay Kuya,” bulong ni Dwayne na napatigil na rin sa pagkain. Tumayo rin siya at tumabi sa akin. Dahil sa sinabi ng aking kapatid ay napasulyap akong muli kay Yevhen na halatang hindi rin nagustuhan ang resulta.Pero ano'ng magagawa namin?!Ako ang putang inang nagturo ng pulang tasa!“Yevhen, sana tumanggap
Read more
Kabanata 58
“O-OKAY ka lang ba?” kaagad kong tanong kay Yevhen matapos kaming iwanan ni Ama at ni ninong sa salas.Tang ina.Napakabilis ng mga pangyayari.Matapos niyang pumayag sa sapilitang kasal ay ipinasundo na agad ni Ama kay Dwayne ang ninong kong judge para papirmahin na siya sa marriage certificate.Wala naman akong nagawa dahil parang nabiktima rin ako ni Ama noong d*****g siya kanina na nahihirapan na naninikip na ang kaniyang dibdib.Napapirma rin tuloy ako nang wala sa oras.“How about you? How do you feel?” he finally talked as he looked at me. Napaiwas tuloy ako ng tingin at saka ko inayos ang aking pagkakaupo.Hindi ko maintindihan.Bukod sa mabilis na pagtibok ng aking puso, ano pa ba'ng dapat kong maramdaman?“We’re already married, Maria.” Umisod siya papunta sa aking tabi bago niya marahang hinawakan ang aking kamay.“I’m sorry. It's my fault. Hindi kasi kita natiis noong umiyak ka kagabi,” mahinahon niyang paliwanag bago ko naramdaman ang marahan niyang pagpisil sa aking palad
Read more
Kabanata 59
WALA namang kasalan na naganap. Sapilitang pirmahan lang ang nangyari kaya walang honey-honeymoon.Ano siya sinuwerte?!“Maria, bakit doon lumabas ang asawa mo kanina sa kwarto ni Dwayne? Hindi ba't dapat ay magkatabi kayo?” sunod-sunod na tanong ni Ama matapos kong lumapit sa mesa upang kumain sana ng agahan.Pero nawalan na agad ako ng gana. Ang aga-aga kasi ay si Yevhen na agad ang pinag-uusapan namin.“Ama, akala ko ba ay galit kayo sa kaniya?” Tumaas ang aking isang kilay habang kinikilatis ko nang mabuti ang ekspresyon sa mukha ng aking ama.“Aba! Galit na galit nga. Ni ayaw ko ngang makita ang pagmumukha ng lalaking iyon,” depensa ni Ama bago niya sinimsim ang kaniyang kape.Kumunot tuloy ang aking noo.Parang hindi talaga ako kumbinsido.“Bakit hindi na lang natin pauwiin ng lungsod nila para wala nang nakakainis, 'di ba?” singit ni Levi na hindi ko napansin na kumakain pala ng agahan sa kabilang dulo ng mesa.Nang makita ko siya ay bigla na lang kumulo ang aking dugo. Naalala
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status