WALA namang kasalan na naganap. Sapilitang pirmahan lang ang nangyari kaya walang honey-honeymoon.Ano siya sinuwerte?!“Maria, bakit doon lumabas ang asawa mo kanina sa kwarto ni Dwayne? Hindi ba't dapat ay magkatabi kayo?” sunod-sunod na tanong ni Ama matapos kong lumapit sa mesa upang kumain sana ng agahan.Pero nawalan na agad ako ng gana. Ang aga-aga kasi ay si Yevhen na agad ang pinag-uusapan namin.“Ama, akala ko ba ay galit kayo sa kaniya?” Tumaas ang aking isang kilay habang kinikilatis ko nang mabuti ang ekspresyon sa mukha ng aking ama.“Aba! Galit na galit nga. Ni ayaw ko ngang makita ang pagmumukha ng lalaking iyon,” depensa ni Ama bago niya sinimsim ang kaniyang kape.Kumunot tuloy ang aking noo.Parang hindi talaga ako kumbinsido.“Bakit hindi na lang natin pauwiin ng lungsod nila para wala nang nakakainis, 'di ba?” singit ni Levi na hindi ko napansin na kumakain pala ng agahan sa kabilang dulo ng mesa.Nang makita ko siya ay bigla na lang kumulo ang aking dugo. Naalala
“THANK you, love,” paglalambing niya matapos niyang itaas ang zipper ng kaniyang pang-ibabang damit.Nakatulala lang naman ako sa aking kanang kamay na ginamit ko kanina at hindi ko kayang salubungin ang kaniyang tingin dahil hiyang-hiya ako sa nangyari.Tang ina.Hinawakan ko ang kaniyang banana.Itinaas at ibinaba ko iyon hanggang hanggang sa maramdaman ko na lamang na may pumuslit na madulas at mainit na likido sa aking kamay.Lihim akong nagmaktol habang pinagagalitan ko ang aking sarili.Ano ba kasing pumasok sa isip ko at tinulungan ko siya?!“Let me help you clean your hand,” suhestiyon niya kasunod ng paghahanap niya ng tissue sa loob ng drawer ng kaniyang sasakyan.Hindi naman ako kumibo, sa halip ay nasa aking palad pa rin ang aking atensiyon. Para kasing ramdam na ramdam ko pa rin ang matigas at naghuhumindik niyang pagkalalaki.“Your hand,” utos niya na hindi ko sinunod kaya naman siya na mismo ang kumuha ng aking kamay upang linisin at punasan ng tissue.“H-hindi ibig sab
SIMULA nang dumating si Klein sa bahay ay hindi na ako mapakali. Wala siyang ginawa at sinabi kay Yevhen. Tahimik lamang siya, pero sa tuwing may pagkakataon at walang nakakakita sa amin ay bigla niya na lang akong lalambingin. Nauuwi tuloy kami palagi sa pagtatalo.“Care to share your burden?” Yevhen suddenly appeared in front of me while I was sitting on a long wooden chair in our backyard.Pasado ala-una na ng hapon at lahat ng tao sa bahay ay umiidlip. Akala ko ay ako lang ang gising, hindi rin pala siya makatulog.“I am your husband, Maria,” paalala niya sa akin kaya napatitig ako sa kaniya nang sandali pagkatapos ay nag-iwas din ako ng tingin.“Ikaw. Ikaw ang problema ko,” walang emosyon kong sambit upang paalisin siya, ngunit sa halip na maitaboy ko siya ay umupo pa siya sa aking tabi. Napailing na lang tuloy ako.Matapos niyang magpakalasing noong isang gabi ay hindi pa rin siya tumigil sa kaiiwas sa akin. Malaya tuloy na nakakalapit sa akin si Klein dahil hindi niya ako bin
“BE quick, so we can go home fast and. . . quickie, hmm.” Mabilis akong pinamulahan ng mukha nang marinig ko na naman ang katagang naging dahilan ng pagkapahiya ko noong nakaraan.Putragis!Tuwang-tuwa siyang ipaalala at tuksuhin ako.At ako namang si timang, hiyang-hiya sa kaberdehan ng aking utak.Kasalanan talaga 'to ng kaibigan kong si Cyllene, e! Siya ang may pakana kung bakit naging green-minded kaming magkakaibigan.“Walk quickly,” sambit niya pa habang naglalakad kami sa daan pabalik sa bahay.Kumakabog tuloy nang matindi ang aking puso. Tila sumisibol din ang kilig sa aking dibdib kahit na iniinis niya lang naman ako. Ano ba 'to?! Wala namang espesyal sa ginawa niya pero nag-hi-hysterical na ako!Bumuntonghininga ako nang malakad at hindi ko na lamang siya pinansin.Simula nang mapilay ako hanggang sa ngayong kaya ko nang maglakad mag-isa ay hindi niya na ako hiniwalayan pa. Palagi rin siyang nakabuntot kahit saan man ako pumunta. Pati nga sa aking pagdumi ay gusto niya pa r
Maria Sienna Rosales De Dios“MARIA Sienna De Dios!” malakas na sambit ng isang babaeng company staff sa aking pangalan.Ako ang kaunahang tinawag nang magsimula ang interview kahit na hindi ako nakigulo sa pakikipag-unahan sa pila at pagkuha ng number kanina. Nagtataka tuloy ang mga kapwa kong aplikante ngunit wala naman akong pakialam.Inaasahan ko nang ako ang unang tatawagin dahil may backer ako sa branch ng MARIA Corp dito sa probinsiya ng Laquiero.“Maria Sienna De Dios!” ulit na tawag ng babae kaya ako napilitang tumaas na ng kamay at sumigaw na nandito ako.Tamad na tamad akong naglakad papunta sa kaniya. Parang ako lang yata ang nalulumbay samantalang ang iba ay kanina pa mataas ang enerhiya at nagpa-practice ng kanikanilang mga linya.Kung wala lang talagang masamang balak sa buhay ko ang aking ama at kung hindi lang naisip ng aking mga kaibigan na ito ang solusyon upang makatakas ako sa aking napipintong kapalaran ay hindi ako maghahanap ng trabaho.Putragis! Ang sarap kaya
NAPAHIYA ako! Mali. Mali.Ipinahiya ako ni Yevhen sa lahat ng mga taong nasa loob ng interview room matapos niya akong pagtawanan.“Bes, kumalma ka.” Inis kong nasabunutan ang aking sarili dahil sa narinig kong payo ni Zemira sa kabilang linya. “Kalma?! Putragis, pare!” maangas kong sigaw saka ako mariing pumikit at huminga ng malalim. Sumandal din ako sa likod ng silya na aking inuupuan saka ko sandaling inilayo ang cellphone ko sa aking tainga.Itinapat ko naman iyon muli sa aking pandinig matapos king huminga nang malalim.Nandito pa rin ako sa labas ng interview room. Inaabangan ko si Yevhen. Sisiguraduhin kong ngayon ay sadya ko na siyang sasapakin.“Nasaaan ka ngayon? Pupuntahan kita.” Her voice sounded in a rush as I heard her daughter cry. Lumambot tuloy ang aking ekpresyon at bigla akong nakonsensiya.Abala na nga siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak tapos dumadagdag pa ako sa alalahanin niya.“Nakakapikon naman kasi talaga 'yang pinsan mo. Hindi pa ako mapatawad-tawad sa nag
PIKIT-MATA kong tinanggap ang kondisyon ni Yevhen para lamang matakasan ko ang aking napipintong kapalaran, pero. . . Putragis! Kahit may trabaho na ako ay hindi pa rin matanggap ni Ama na hindi matutuloy ang kasal namin ni Mark.“Devin! Hindi pa ba tayo aalis?!” pagmamaktol ko habang nakatingin sa aking relong pambisig. Alas-sais na nang umaga. Kung hindi traffic ay aabutin kami ng mahigit-kumulang tatlong oras bago makarating sa lungsod ng Liazarde, pero paano kung traffic?!Paniguradong late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabaho!“Parang mas mami-miss mo pa 'yang motor mo kaysa sa amin, Maria,” komento ni Ama na hindi ko namalayang nasa likuran ko.Himas-himas niya ang kaniyang panabong na tandang bago siya tumabi sa akin at sa motor kong ayaw ko sanang iwanan. “Anak, hindi pa huli ang lahat. Dito ka na lang,” pangungumbinsi ni Ama na ilang daang beses ko nang narinig magmula noong ianunsyo ko ang tungkol sa aking trabaho.“Saka kung magpapakababae ka lang din naman, bak
PUPUNGAS-PUNGAS ako sa harap ng monitor ng computer kasabay ng aking pagpapadyak sa sahig. Sumandal ako sa likod ng aking upuan at nag-inat pagkatapos ay tumingala ako sa ilaw na nasa ceiling upang magmuni-muni.Ilang gabi na akong walang matinong tulog at araw-araw na rin akong umuuwing lantang bulaklak sa rami ng pinagagawa at utos ni Yevhen.Putragis! Simula noong unang pasok ko rito noong nakaraang linggo ay parang inalipin niya na ako.Tulad na lang ngayon!Wala ng katao-tao sa buong building. Pati 'yong mga empleyado na nag-overtime ay kanina pa nakauwi.Lampas na nga rin 'yong eight hours na pagtatrabaho ko pero ayaw niya pa rin akong pauwiin dahil may kailangan pa raw kaming tapusin. Nag-iinit tuloy ang ulo ko at nauubusan na talaga ako ng pasensiya.“Hindi na 'to makatarungan,” umiiling kong monologo. “Kung isumbong ko na kaya siya sa DOLE?!” Mabilis akong tumayo at hinubad ang aking ID bago ko iyon hinampas nang malakas sa aking mesa. Sa aking ginawa ay para bang handa na