All Chapters of The Tycoon's Triplets: Chapter 41 - Chapter 50
129 Chapters
Kabanata 37
Inilibot ni Celeste ang paningin niya sa bago niyang opisina bilang CMO ng kompanya. Hinaplos niya ang mga gamit na malapit sa kaniya habang malalim ang iniisip niya.‘Kaunti na lang, kaunting tiis pa, mababawi rin kita.’ Anas niya sa sarili niya habang inaalala ang mga ala-ala niya kasama ang kaniyang ina sa loob ng kompanyang ito. Desidido siyang mabawi ang lahat ng kaniya, wala siyang iiwan kahit na isa kay Hannah dahil lahat ng mga natatamasa ni Hannah ngayon wala siyang karapatan.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nang may kumatok sa pintuan niya.“Come in,” aniya saka siya nagtungo ng bintana para tingnan ang tanawin sa labas. Pumasok naman si Maximus at dumiretso na siya sa tabi ni Celeste. Kunot noo siyang tiningnan ni Celeste dahil ang akala niyang pumasok ay si Miguel.“You’re here again, what do you need?” tila ba naiinis na saad ni Celeste. Pakiramdam niya ay nasisira ang araw niya kapag nakikita niya si Maximus lalo na at may relasyon sila ni Hannah.“
Read more
Kabanata 38
Masayang pinapanuod ni Luna si Maximus habang nagluluto ito ng hapunan nila. Nakatingin lang din si Maxwell sa Daddy nila habang si Zachary ay nasa sofa at nagbabasa ng libro. “May gusto pa ba kayong ipaluto sa’kin?” tanong ni Maximus sa dalawa niyang anak na nasa counter sa kusina. Mabilis namang umiling si Luna dahil nailuto na ang request niyang honey garlic chicken. “Wala na po akong ipapaluto Daddy, hindi ko lang po alam kila Kuya.” Sagot niya. Naghain ng isang chicken wings si Maximus saka niya inilagay sa isang platito at pinalamig. Nang hindi na ito mainit ay ibinigay niya kay Luna dahil si Luna ang nagrequest ng gusto nilang ulamin para sa hapunan. “Daddy you’re like a chef po, kalasa na po ng luto niyo ang mga nasa menu ng mga mamahaling restaurant po.” Pagpupuri ni Luna sa luto ng Daddy niya. Napangiti naman si Maximus, iba pala ang pakiramdam kapag anak mo ang pumuri sa mga gawa mo. Samantala naman, kauuwi pa lang ni Celeste galing kompanya. Si Zachary lang ang nakita n
Read more
Kabanata 39
Kanina pa pinagmamasdan ni Miguel si Celeste dahil kanina pa ito nakatulala na para bang napakalalim ng iniisip niya.“Are you okay?” tanong ni Miguel kay Celeste. Napaangat naman ng tingin si Celeste saka niya tiningnan si Miguel at nakatulala pa siya.“Hmm?” aniya. Hinawakan ni Miguel sa kamay si Celeste saka niya ito pinaupo para makapagpahinga lalo na at kanina pa trabaho nang trabaho si Celeste at walang pahinga.“Kanina ka pa tulala, magpahinga ka na muna dahil baka napapagod ka na.” malambing niyang saad habang maingat niyang minamasahe ang isang kamay ni Celeste.“I’m okay, don’t worry.” Tipid na sagot ni Celeste. Hanggang ngayon iniisip pa rin niya ang proposal ni Maximus sa kaniya. Kahit anong gawin niya ayaw niyang pakasalan si Maximus pero gumugulo iyun sa isipan niya. Naiinis siya dahil hindi siya nakatulog ng maayos ng dahil dun.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Celeste.“Are you sure that you’re really okay? Magpahinga ka na muna at ako na ang bahala
Read more
Kabanata 40.1
Iniwas ni Celeste ang paningin niya kay Maximus. Hindi niya na lang ito pinansin kahit na nasa iisang table sila. Nagtataka naman si Maximus kung paanong nakilala ni Celeste ang pamilya ng mga Alonzo. Hindi maalis ang paningin ni Maximus kay Miguel na kasama ni Celeste. Seryoso rin siyang tiningnan ni Miguel dahil ramdam ni Miguel na tila ba hindi siya gusto ni Maximus na siya ang kasama ni Celeste. Naalis na lang ang paningin ni Miguel kay Maximus nang sikuin siya ni Celeste at inilingan ito. Minsan pang nagpataliman ng tingin si Maximus at Miguel bago inalis ni Miguel ang tingin niya kay Maximus. Ilang minuto lang naman ang lumipas nang magsimula na ang welcome party para kay Aeriza Alonzo. Lahat ng mga bisita ay wenelcome siya nang masigabong palakpakan. Napangiti na rin si Celeste nang makita niya na si Ms. Alonzo pero mas lalo siyang nagulat ng makita niya kung ano ang suot na gown nito. Natutop na lang ni Celeste ang labi niya dahil nakikilala niy
Read more
Kabanata 40.2
Nilapitan ni Ethel si Celeste na may kausap na ibang mga bisita. Nag-excuse naman si Celeste para sumama kay Ethel. “I’m sorry to bother you but my Kuya wants to meet you. Is it okay with you?” tanong niya. “Oo naman, hindi ka naman iba sa’kin.” Ngumiti naman si Ethel saka nila nilapitan ang Kuya niya. “Kuya this is Celeste, Celeste this is my Kuya.” Pagpapakilala ni Ethel. Nakangiti namang humarap ang Kuya ni Ethel kay Celeste saka niya inilahad ang kamay niya kay Celeste. “Gino, Gino Alonzo.” Pagpapakilala niya. Malugod namang tinanggap ni Celeste ang kamay ni Gino. “Celeste Marquez, nice to meet you, Gino.” Nakangiting saad ni Celeste. Seryoso namang nakatingin si Maximus at Miguel kay Celeste habang kausap si Gino. Sumisimsim ng wine si Maximus at kaunti na lang ay mababasag niya na ang wine glass sa higpit nang pagkakahawak niya rito. Hindi niya alam kung bakit naiinis siyang makita ang matamis na ngiti ni Ce
Read more
Kabanata 41.1
Nagkatinginan si Giovanni at Hunter nang magkita silang dalawa sa parking lot ng isang bar. Napapailing na lang si Giovanni dahil sa tuwing mag-aakit magbar si Maximus ay alam na nilang may problema ito.“Ano na naman bang problema ng kaibigan mo?” tila naiinis na wika ni Hunter, nakatulog na siya at nananahimik na siya sa loob ng condo niya tapos tatawagan lang siya ni Maximus para magbar.“Hindi ko rin alam, baka babae?” natatawang sagot ni Giovanni kahit na alam nilang imposibleng mag-inom si Maximus dahil lang sa babae. Sabay na silang pumasok sa loob at hinanap kaagad si Maximus sa madalas nilang pwenepwestuhan.Nang makita nila si Maximus ay tila tubig lang na iniinom ang alak. Napapailing na lang si Hunter habang si Giovanni naman ay tinapik ang balikat ng kaibigan nila na para bang broken hearted.“Hey bro, you okay?” nang-aasar na saad ni Giovanni saka sila naupo. Tinaob naman ni Hunter ang isang boteng alak na
Read more
Kabanata 41.2
“You mean, it’s Celeste? Hannah’s twin?” ani ni Hunter.“Si Celeste ang nakasama mo noong gabing yun?” gulat ding tanong ni Giovanni. Napapahilot na lang ng noo si Maximus, hindi niya alam kung tama ba ang desisyon  niyang tinawagan pa niya ang mga kaibigan niya.“She is,” si Hunter na ang sumagot. Matagal na nilang kilala ang kaibigan nila kaya nababasa na nila ito. Napapailing at natatawa na lang si Hunter. Naiintindihan niya na ngayon kung bakit mainit ang ulo ng kaibigan nila.“Yun ang dahilan kung bakit mainit ang ulo mo? Kung ganun, anong sinasabi mong wala kang karapatan? Wala kang karapatan kanino? Nasabihan ka ba ni Celeste na wala kang karapatan sa kaniya?” natatawa na namang saad ni Giovanni. Natutuwa silang makita ang naiinis na mukha ni Maximus.Napapailing na lang si Maximus at hindi na pinansin ang mga kaibigan niya at uminom na lang ng alak. Sunod-sunod niyang nilagok ang ala
Read more
Kabanata 42
Nagkaroon ng pag-asa ang kompanya ng mga Marquez dahil sa malalaking negosyante ang gustong mag-invest sa kompanya nila para mas mapabilis ang production at pagrelease ng mga new collection ni Celeste.Naging abala ang buong kompanya lalo na ang mga nasa production team dahil kailangan nilang madaliin ang mga trabaho nila. Tahimik namang nakangiti si Logan sa office niya. Natutuwa siya hindi dahil mas mapapataas ni Celeste ang sales ng kompanya nila kundi dahil nakikita niya ang dati niyang asawa na si Clariz sa anak niyang si Celeste.“Lahat ng meron ang anak mo, your talent, your face, everything. Nakuha niya sayo. I’m sorry Clariz, pinabayaan ko ng maraming taon ang anak natin at wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko dahil iniwan ko siya noong mga panahong kailangan niya ako. Akala ko kay Hannah lang ako kailangang bumawi pero hindi ko namamalayan na napapalayo na pala ang loob ng anak natin sa akin and it’s my fault. I’m sorry,” aniya habang nakatingin sa family picture n
Read more
Kabanata 43
Makalipas ang isang linggo ay nakatanggap ng tawag si Celeste mula sa kaniyang ama. Pagkatapos ng hindi nila magandang usapan ay gusto siya ulit makita ng kaniyang ama kahit na nagkakasalubong naman sila minsan sa kompanya.Hindi pagtitiisan ni Celeste ang pangalawang pamilya ng ama niya kung hindi niya lang gustong mabawi ang kompanya mula sa kanila.Muling binasa ni Celeste ang message sa kaniya ng kaniyang ama.[Anak pagbigyan mo naman ang Daddy, let’s have a dinner in our house. Ipagluluto kita ng paborito mo, miss na miss na kita anak.]Napatingala na lang si Celeste, pinipigilan ang paglandas ng mga luha niya. Kahit na maraming pagkukulang sa kaniya ang kaniyang ama at kahit na nasaktan siya nito ng maraming beses hindi pa rin niya ito matiis.Galit siya, nagtatampo siya at nasasaktan siya pero kahinaan niya ang pagmamakaawa sa kaniya ng Daddy niya. Minsan naiinis na lang siya sa pagiging soft hearted niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Pinag-iisipan niy
Read more
Kabanata 44
Naging abala silang lahat nang sumapit na ang engagement night ni Maximus at Hannah. Nakangiting binihisan ni Celeste ang mga anak niya. Gusto sana ni Maximus na dun na sila magbihis sa bahay nila at bibigyan na lang sila ng kwarto pero hindi pumayag si Celeste.“Hindi tayo magtatagal sa party later okay? May mga pasok kayo bukas kaya maaga tayong uuwi, nagkakaintindihan ba tayo?” ani ni Celeste sa mga anak niya. Gusto niyang magkalinawan na silang lahat bago pa sila pumunta sa bahay ng mga Lim.“Hindi na po natin tatapusin?” tanong ni Luna.“Madaling araw na natatapos ang mga party Luna, we’re not adults para sumabay sa kanila.” si Maxwell ang sumagot sa kapatid niya. Napanguso na lang si Luna pero pumayag din kalaunan. Nang makapagbihis silang lahat ay tiningnan ni Celeste ang oras.Pupunta sila ng mas maaga para naman magtagal sila kahit papaano sa mansion ng mga Lim.“Ma’am nandito na po ang sundo niyo.” wika ng katulong nila. Excited naman si Luna kaya nauna na siyang lumabas hab
Read more
PREV
1
...
34567
...
13
DMCA.com Protection Status