Samantala, tahimik na ang kapaligiran ng buong Hacienda Villafuerte . Namalisbis si Kycee sa gilid para marating ang likurang bahagi kung saan naroon ang bagong bahay ng pamilya."Kycee, anak, buti at napadalaw ka. Kamusta ang honeymoon ninyo? Ang tagal ha. Sabi ni Senyor, sa Maynila ka nga raw ititira ng asawa mo"Maganda ang ngiting salubong ng ama sa kanya.Umikot ang paningin ni Kycee sa loob ng bahay at nakitaan niya ng luho ang bahay ng mga ito. May TV, may videoke. May ref, electric fan, parehas may hawak na magandang cellphone ang mga magulang , at higit sa lahat, sagana sa alak ang lamesa ng ama."Mukha naman hong hindi kayo nag-alala sa akin?" Sabi ni Kycee."Ano ka ba naman, siyempre nag-alala kami .Kaso alam ko namang buhay reyna ka sa mayamang gonggog na iyon.Paligayahin mo lang para makalimutan na ang esakandalo"Kumuyom ang kamao ni Kycee.Wala itong alam sa pinagdaanan, pero kung nagkataong pa lang nagsumbong siya dito ay baka ito pa ang maghatid sa kanya sa kandungan
Dernière mise à jour : 2023-12-04 Read More