ANG PILIT na tawanan at ang tunog ng nagkikiskisang mamahaling crystal wine glasses ay tila nakakabinging ingay para kay Izaac. Nakapuwesto ang engrandeng dining table sa gitna ng mansyon ng mga Dantes. Izaac was sitting stiffly in his tailored suit, his jaw clenched so tight it could snap steel. Pumayag lang siyang dumalo sa dinner na ito dahil sa pakiusap ng kaniyang mga magulang out of sheer compliance and courtesy to their long-time family friends. Ngunit kanina pa siya nagpipigil ng inis. "I must say, Izaac, you've done an incredible job expanding Golden Gates," pormal na panimula ni Arturo Dantes, ang ama ni Katie, habang hinihiwa ang steak nito. "Pero alam mo, a banking empire is only as strong as its alliances. Now that Katie is finally fully recovered and back home, I think it's high time our families officially merge. You two have always been inseparable." Namilog ang mga mata ng Mommy niya, pasimpleng sumulyap sa kaniya, habang si Leon ay palihim na napairap mula sa kabil
Magbasa pa