Nang marinig nila kung paano pinagbantaan ni Paul si Frank, nagtaas ng kanilang mga kilay ang mga natitirang bisita.Natural kilala nila si Paul, dahil siya ang kasalukuyang CEO ng Droitner Inc., ang kumpanya na nag-sponsor sa exhibition na ito.At si Leino Himmich, na kakaaresto lang kanina, ay ang pinakamatalik na kaibigan ni Paul.Subalit, halatang walang alam si Paul tungkol sa nangyari kay Leino, kaya naman mayabang niyang pinagbabantaan si Frank.Kung alam niya na lolo ni Frank si Governor Quill, higit na magiging mas katawa-tawa ang reaksyon niya kaysa kay Leino.Si Nux Hammer, ang mayor ng Bralog, ay malinaw na naririnig si Paul. Lumapit siya at sumigaw, “Ang lakas ng loob mo, Paul Droitner! Hindi mo ba kilala kung sino ang kinakausap mo?!”“Mr. Hammer?!” Sumimangot is Paul.Nakita niya si Nux kanina. Subalit, sa isip niya, mayor lang ng Bralog si Nux.Ibig sabihin nun na walang awtoridad si Nux sa kaulisan, kaya hindi nag-aalala si Paul dahil kaibigan niya si Leino.
Read more