All Chapters of A Billionaire’s Liaison : Chapter 11 - Chapter 20
49 Chapters
Chapter 11: Riel's Affection
Hindi pinapansin ang komento ko, nanatili ang panunuod niya kay Sas na ngayon ay malapit na sa bend at paliko na. Tinungga ko ang Iced Coffee ko bago ulit binalingan si Riel.Ibubuka ko palang ang bibig ko, bigla namang lumingon siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat."Mukhang hindi sila titingin sa direksyon natin." Hinawakan ni Riel ang kamay ko. "Tara!"Bored akong nagpatianod, not really minding the rush in the tone of his voice. Hindi naman ako interesado sa plano niya but to stay at home and endure the painful moments, I'd rather do something downright stupid. Like participating in Riel's plans, for example."Sas!" Medyo malakas na tawag ni Riel.Lumingon naman kaagad si Saskia sa amin. Bahagya pa siyang nagulat nang makita kami. Naglakbay ang mga mata niya sa kung saan-saan hanggang tumigil ito sa mga kamay namin ni Riel na magkahawak.Napansin kong nanatili ang titig niya doon kaya balak ko na sanang paghiwalayin ang mga kamay namin nang higpitan naman ni Riel ang pagkakah
Read more
Chapter 12: Complicate
Ilang beses ba akong muntik mabilaukan? Hindi ko na'rin talaga alam. Grabe naman pala kasi ang acting skills ni Riel, hindi ko alam na ganoon siya ka-talented.Kapag tumatayo si Saskia para humingi ng tissue o kaya ay para mag-banyo, todo acting si Riel para lang lalong mapaniwala si Creed na bading nga siya. Unang-una, hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya. Nagkita na sila ni Creed noon, nagkausap, at muntik pa nga'ng mag-away. Hindi siya bading noon sa paningin ni Creed kaya paano naman niya mapapaniwala na totoo nga'ng ganoon siya ngayon? Ano 'yon, na-realize niya lang biglaan?Siniko ko siya nang nagpipigil pa'din ng tawa.Si Kent naman ay parang walang pakialam na kumakain. Hindi na'rin niya kami tinatapunan ng tingin at si Saskia lang ang binabalingan kapag may mga tanong ito.Natapos kaming kumain na hindi napapansin kung nariyan pa ba sila Creed o wala na. Nakatalikod rin kasi ako sa entrance ng café kaya hindi ko alam kung umalis na sila o nandiyan pa.
Read more
Chapter 13: Halter
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin matapos kong itanong iyon."Saan pa ba?" Tanong niya na para bang ang tanga-tanga ko para itanong pa iyon. "We're going home." Nanahimik nalang ako, takot na baka lalo ko siyang magalit kung magsasalita pa akong muli. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at napakagat sa aking labi.Sobrang sakit na."Saan tayo pupunta nanaman, Creed?" Tanong ko habang inaayos ang mascara ko sa maliit na salamin sa harap ko.Niliko niya muna ang sasakyan pa-kaliwa bago niya ako nilingon. "Guess where, baby?""Guess where ka diyan." Umirap ako, natawa naman siya dahil nahuli niya pala. "Saan nga!"Sasakmalin ko na'to. Kung 'di ko lang mahal, e.Bahagya kong natigil ang pagma-mascara nang maramdamang lumapat ang labi niya sa siko kong nakaangat sa ere. "Just any guesses will do, baby.""Tch!" Siniringan ko siya. "Wala akong alam. Saan nga?""Sa puso mo kasi 'yon, baby."Nangunot ang nuo ko. "Anong puso ko? Napra-praning ka nanaman diyan, Creed.""Sa puso m
Read more
Chapter 14: Follow Again
"You know what? I think we should go travel, you know."Nabaling kay Kanya ang paningin ko mula sa pagtitig ko sa labas ng café. She suddenly popped in my Instagram chats kaya magkasama kami ngayon. Sabi niya ay magkita naman raw kami since the last interaction we had was a year ago."Travel? Where?"After namin maka-graduate ng college noon, her parents migrated to States kung saan siya nagtrabaho bilang guro. It was hard at first to be away with my bestfriend pero kalaunan ay nagkaroon na'din talaga ng katahimikan between us. Hindi na kami nakapagkita uli after noon. Ngayon nalang ulit after niya ipaalam na lumipat na siya dito para magturo sa next school year."Ayaw mo ba? Magsa-summer na'rin, oh."Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang iyon. Even to that particular season of the year, I am now sensitive talking about it. Parang last year lang, kami pa ni Creed ang magkasama sa bakasyon. Ngayon...Ngumiti ako nang malawak. "Sige ba!"Sumubo siya ng cake na in-order niya bago ngumisi s
Read more
Chapter 15: My Love
Grey stones, concrete grounds, blowing wind. What happened, Kanya? Why did you leave me like that?Dahan-dahan kong pinasada ang likod ng kamay ko sa mga mata kong hilam sa luha habang nakatitig sa pangalan niyang nakaukit sa bato. A year had past and it still hurts. Five days ago, it was me visiting Halter.Now, it's me visiting you, Kanya.Bakit? Bakit lahat na lang yata ng sakit ay sinalo ko na? All the possible emotional torture, inako ko na? Bakit kapag hindi pa natatapos ang isa, may dadagdag na naman? Bakit ba ayaw niyong maubos na lang?Hindi ko ba deserve maging masaya? Bakit nagsunod-sunod? Bakit kailangan sa akin mangyari lahat ng 'to? Ba't parang sa akin lang?"I miss you. You were the only sunshine in that dream I had last night. You just... you never fail to make me remember that this is your day, girl. I love you."Noong unang mga linggo na mamatay siya, I was frequently with her in my dreams. She never really left me, even after she died. She accompanied her up to the
Read more
Chapter 16: Cook for Her?
Looking back at how I pathetically felt the hope earlier breaks my heart. Pati sarili ko, I couldn't take reign fully. I don't want to feel pathetic, nor the hopes building up inside me again.Kinapa-kapa ko ang paligid ko sa kama only to catch a glimpse of the bedside table where my bag rests gently, its strings falling off the sides. Inabot ko iyon at dinukot ang cellphone ko sa loob niyon.I tried reaching Saskia's but she's prolly too busy with her boyfriend. I called Riel next who, in just like about 5 seconds, already answered his phone with a yawn."What's up and why disturb my sleep?"Namilog ang bibig ko nang bahagya dahil halata ngang galing pa siya sa pagkakatulog. I immediately felt the regret of having to call him just because I'm feeling lonely."Oh... sorry to disturb you. I'll call you back—""No. Ikaw pala, Aisha." mabilis niyang bawi. "It's okay. What's up?""Uhm. Okay naman ako. Just wanted someone to talk to. Pero you can go back to sleep na. I'm sorry for disturbi
Read more
Chapter 17: Can't Assume
Nag-iwas ako ng tingin, not knowing what to do. I don't want to assume. I can't assume."M-May pupuntahan lang k-kami saglit. C-Creed." nakayuko kong turan sa kaniya. Humigpit ang hawak ko sa likurang hem ng suot na shirt ni Riel. Pinagpapawisan na nga yata ang mga palad ko sa hindi ko maintindihang dahilan."Sure. Don't ever expect me to cook for you ever again, then." seryoso niyang saad. He shoved us with his hand. "Go on."Nagulat qko nang tapikin ni Riel ang kamay ni Creed. "Stop shoving us. Aalis kami kung kailan namin gustong umalis. And it seems to me na hindi ka niya sinabihang paglutuan mo siya to threaten her with that."Nakita kong tumaas ang kilay ni Creed. "Hindi nga. But it is my duty as her boyfriend.""Uh, yeah? We're talking about duties now? I do believe you haven't been fulfilling them lately because you were too busy doing it to somebody else, didn't you?"Riel..." tawagko sa pangalan niya para pigilan siya.Creed just tsked and turned hia back from us, entering o
Read more
Chapter 18: Should Drown?
Wala pa si Creed sa loob kaya napalingon ako kila Saskia. Nagsasalita siya pero hindi ko marinig. Riel also spoke a little before Creed rode the driver's as well.Nang tumapat sa bahay namin ang sasakyan, nagtaka ako nang biglang sumipol si Creed. Agad tuloy akong napabaling sa kaniya. May tinititigan siya sa malayo so I traced his sight and saw a small car parked at the other side of the road.Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at tinungo ang sasakyang iyon. From that car came out the woman he was with before. Iyong pinahiram ng damit ko dati. She was wearing a super fit bodycon dress with beads thatsparkle even in the dark.Dahan-dahan akong lumabas ng sasakya , balak na lang sanang pumasok sa bahay namin. Hindi ko yata kakayaning masaksihan pa ang tagpo nilang dalawa.Creed is cheating on me... right in front of my eyes. And I hate myself more for feeling pathetic like a trapped being with no means of way out. Ang sakit-sakit na pero ito pa din
Read more
Chapter 19: Guest
I don't know how long I was seating there. Ang bango-bango ng nilagay kong bath bomb, and it eases my pain for a bit. Sana... pwedeng permanenteng tanggalin na lang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. I want to calm this heavy heart weighing me to the very bottom of whatever depth it is at.I sat still on my bed as I take some more moment reflecting things in my life. I just don't understand why these things happens to me. I especially do not remember doing anything that could result to this heavy karma. Or did I?Tuluyan na akong nahiga sa kama, closing my bed side lamp as my last move. Pero kahit ano mang ikot ko sa kama, hindi talaga ako makatulog.At last, I finallygave up trying to battle with my insomnia. Tumayo ako mula sa kama ko at naisipang lumabas muna sa terrace upang damdamin ang lamig ng simoy ng hangin.It feels right to have a hot cup of coffee as I feel the night's coldness, but that would make me stay up more than to actual
Read more
Chapter 20: Kiss
Nagtaas siya ng tingin sa akin mula sa cellphone niya. Naka-crossed legs siya at ang ikli-ikli ng suot na palda.She scrunched her nose nangmas lalo pa akong lumapit. "Oh my gosh, girl! Lumayo ka nga, amoy kusina ka!"I switched my weight to the other side at nameywang. "Malamang, nagluto ako ng hapunan. Ano nga'ng ginagawa mo dito?""Dadalhin ko kung sinong gusto kong dalhin dito." came a voice from the staircase, Agad akong napalingon at natagpuan si Creed na nakapamulsang pababa ng hagdan."B-Bakit mo kasama ang kapatid ko, Creed?" malumanay kong tanong.Athen stood up from the couch, her chest parallel to my navel. Balak niyq yatang magyabang, not realizing our height difference. Binaba ko ang tingin ko sa mukha niya. Ang ganda-handa niya pero gano'n naman ang kinapangit ng ugqli.Nameywang siya, still not fazed. "Bakit? Bawal?""Wala akong sinasabing bawal, pero sa ganitong oras ng gabi, himala naman yatang 'di pa n
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status