"Mahal, heto o balot na walang sisiw. Please kainin mo na para hindi masama ang pakiramdam mo. Sorry, Yvonne kung nahihirapan ka sa pagbubntis mo. Hayaan mo kahit ano pang pagkain ang hanapin mo gagawin ko ang lahat para makuha yun ha. Sige na Mahal, kain ka na" malambing na sabi in Intoy na nanalangin na huwag sanang tanggihan ni Yvonne ang hinimay na balot.Sandali itong hindi kumibo pero ilang saglit lang ay nilingon na ang asawa. Napatingi nito sa balot at umaliwalas ang tingin nito ng makitang wala siyang makitang balahibong itim. Maganang nilantakan ni Yvonne ang balot at magkakasunod na halik sa pisnge niya ang kapalit ng hirap niya sa pag alis ng sisiw. Maligaya na siya, ang makita lang na masaya ang asawa ay sapat na kay Intoy. Akala ni Intoy ay magiging madali na ang lahat pero mas lumala pa ang mga hinahanap ng asawa ng sumunod na mga araw. Naranasan ni Intoy ang magtungo ng Laguna at bumalik sa pantalan hindi para magtrabaho kundi mag abang ng lapu-lapung puti dahil gusto n
Last Updated : 2024-04-12 Read more