Tahimik ang sala, which was rare lately. Usually may tumatawag kay Kalix, may dumadaan na meeting, or ako, abalang-abala sa pag-aayos ng mga gamit. Pero ngayon, parang may hinihintay kami pareho — and then it came.Tok tok tok.Pagbukas ko ng pinto, nandoon si Nadine. Simple lang ang suot niya, walang kaarte-arte, pero halata mo agad — may bitbit siyang mabigat. Hindi gamit. Emosyon.“Hi,” sabi niya, pilit ang ngiti.“Hi… okay ka lang?” tanong ko.Tumango siya. “Pwede ba ko makausap si Kalix?”“Sure, tuloy ka.”Pinatuloy ko siya at tinawag si Kalix. Ilang saglit lang, bumaba siya, suot pa yung luma niyang hoodie na parang lucky charm niya pag stressed siya.“Hey,” bati ni Kalix, diretso ang tingin sa kanya.“Hey,” balik ni Nadine, then umupo sa sofa. Kami ni Kalix, naupo sa opposite side. I stayed — hindi para makisawsaw, pero ramdam kong kailangan nilang dalawa ng witness sa katotohanan.“So…” bungad ni Kalix. “Sure ka na?”Tumango si Nadine. “Kalix, ayoko na. Hindi ko na kaya. Nakak
Last Updated : 2025-07-04 Read more