Semua Bab Lust in Paradise: Bab 31 - Bab 40
56 Bab
Chapter 30
Anika's POV"Girl, hindi ka pa ba e-exit diyan? Niloloko ka na ng nanay at boylet mo! Huwag ka nang magpakatanga, bakla! Umalis ka na diyan!"Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko matapos marinig ang sinabi ni Adela sa kabilang linya. Siya ang nag-iisang kaibigan na sobrang lapit sa akin. Sa mga panahong nangangailangan ako ng kaibigan, lagi siyang nandiyan."Oo, aalis ako. Pero hindi ako aalis nang hindi nakakaganti.""Ha? At ano naman ang ibig mong sabihin? Anong plano mo?""Sisirain ko sila. Hindi sila magiging masaya."Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Adela. "Wait, wait, wait, okay? Ikaw pa ba iyan, Manika? Parang hindi ikaw ang barbie na kilala ko. Tahimik ka lang at hindi umiimik. Ngayon, binabalak mong sirain ang nanay at boylet mo?"Kumuyom ang mga kamao ko nang maalala ang ginawa nila sa akin. Ang mga nakita ko noong gabing iyon, ang mga sinabi ni Mama. Lalong nag-apoy sa galit ang dibdib ko."Kung inaakala nilang magiging masaya sila matapos nilang manloko ng mga t
Baca selengkapnya
Chapter 31
Anika's POVNATIGILAN ang lahat nang pumasok ako sa dining para saluhan sila sa lunch. Nasa akin ang paningin nina Mama, Don Enrico, at Daryl, pero hindi ko sila binigyan ng pansin.Naupo ako sa upuang kaharap ni Mama at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ako nag-abalang mag-angat ng paningin o batiin man lang sila. I can't stand watching them act like a happy family, but something different is happening behind closed doors."Oh, hija, it's good to have you join us for lunch. We were actually talking about my birthday party na gaganapin na bukas ng gabi."Ngumiti lang ako sa sinabi ni Don Enrico. Pinipili ko pa ring hindi sila tingnan kahit sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita ko na sa akin nakatuon ang mga mata nila. Lalo na nina Mama at Daryl."Join us, okay? Nakahanda na ang mga damit na pagpipilian mong isuot para bukas ng gabi."This time, I raised my head and nodded at Don Enrico. Magpapatuloy sana ako sa pagkain, pero marahan na naglagay ng ulam si Mama sa plato
Baca selengkapnya
Chapter 32
Anika's POVNAGSISIMULA pa lang sa pagtugtog ang bandang inimbitahan ng event planner para tumugtog ng musika, nasa labas na si Don Enrico at nakikipag-usap sa ilang guests.Nakaupo ako sa isang table na ako lang mag-isa. Sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko si Daryl sa mesa nila. Alam kong nakatuon ang paningin niya sa akin mula pa kanina.Iniiwasan kong magtagpo ang mga mata namin, pero sa tuwing nagsasalubong ang aming paningin, iniirapan ko siya. Katulad ngayon, sumisimsim siya ng alak habang tutok na tutok ang mga mata niya sa gawi ko. Katakot-takot na irap ang ibinigay ko sa kaniya bago inubos ang alak sa baso ko.I need to drink this alcohol. Need ko ng pampalakas ng loob dahil baka umatras ako sa plano ko kapag nilamon ako ng kaba.Huminga ako nang malalim at sinuyod ng tingin ang paligid, wala si Mama. Nang muli kong balingan si Daryl, binabasa na nito ang papel na iniwan ko sa table nila. Maya-maya pa, pasimple na rin itong tumayo at pumasok sa mansion.Ngumiti ako. Naghinta
Baca selengkapnya
Chapter 33
Anika's POVNAKASANDAL ako sa malalaking pinto ng living room at tahimik na nakikinig sa nangyayari sa loob. Matapos ng nangyari kanina, nawalan na ng malay si Daryl. Pero pagbalik na pagbalik ng malay nito, dinala agad siya ng mga tauhan ni Don Enrico sa living room, kasama si Mama, family attorney nila at si Darius, ang nakatatandang kapatid ni Daryl.Huminga ako nang malalim. Bawat salita at pagmumurang lumalabas sa bibig ni Don Enrico ay nagbibigay ng kakaibang kilabot sa akin. Hindi ko inaasahan na ganito siya magalit."This bastard is fucking with my woman! How could you do this, Daryl! Paano mo nagawa sa akin ito?! Ikaw pa! Ikaw pa na anak ko ang sasaksak sa akin sa likod!""H-hon, Darling, huminahon ka—""Huwag kang sumabat!"Kamuntikan na akong mapaigtad nang muling magtaas ng boses si Don Enrico."Please, Enrico, tama na," pagmamakaawa ni Mama. Base sa boses niya, alam kong umiiyak siya."Hayop ka talaga!"Napapikit ako nang makarinig na naman ng gulo mula sa loob. Mukhang s
Baca selengkapnya
Chapter 34
Anika's POV"Buntis ako at si Daryl ang ama."Umawang ang mga labi ni Mama, hindi makapaniwala. Maya-maya'y napalitan ng galit ang takot na nakikita sa mukha niya.Sinalubong ko ang mga mata ni Don Enrico. "Binuntis ako ng anak mo kahit may relasyon sila ni Mama. Gusto kong panagutan niya ang ginawa niya."Muling napahawak ang don sa tapat ng kaniyang dibdib. Nabaling ang nanlilisik niyang mga mata kay Daryl at dinuro ito."H-hayop! Paano mo... paano mo nagawa ang kababuyang ito?""Enrico! Huminahon ka!" Nilapitan siya ni Mama at sinubukang pakalmahin, pero itinulak niya ito sa sahig matapos tingnan nang masama.Nang bumagsak si Mama sa sahig ay tinuon niya sa akin ang paningin niya. Maging si Daryl ay nakatingin din sa akin. Nginitian ko silang dalawa.***"Anika! Bumalik ka rito!" Hindi ko pinansin si Mama at nagpatuloy lang sa paglalakad.Narinig kong mas lalo niyang binilisan ang paglalakad niya na halos tumakbo na. Naabutan niya ilang kuwarto na lang mula sa silid ko.Mahigpit ni
Baca selengkapnya
Chapter 35
Anika's POVSA HALIP na gawin ang inuutos ko, hindi ako pinakinggan ni Daryl at lalong pinaharurot palayo ang kotse niya."Itigil mo sabi itong sasakyan, bababa ako!"Kulang na lang ay kumulo ang dugo ko nang makitang diretso lang ang tingin niya at mukhang wala talagang balak huminto."Bingi ka ba o sadyang hindi ka lang makaintindi ng Tagalog? Itigil mo ito!""Why would I? You're not the boss of me."Mariin akong nagkagat ng labi sa narinig. Talagang sinusubukan ng taong ito ang pasensya ko. Well, pasensya siya kung makakapagsalita na naman ako nang masama!"Why would you? Nagtatanong ka pa?""Anong gusto mong mangyari? Mag-isa ko lang na magdusa sa kasal na ipinagpilitan mo?""Excuse me, Daryl Altagrasia! Wala sa plano ko ang magpakasal sa iyo.""Ah, talaga?" Tumawa siya. Iyong tawang nang-iinis. "Kaya pala nagmamakaawa kang iwan ko ang lahat at sumama sa iyo.""At sa tingin mo, totoo ang lahat ng iyon?"Natigilan siya at napatingin sa akin dahil sa sinabi ko. Kung hindi lang siya
Baca selengkapnya
Chapter 36
Anika's POVABALA kaming naglilibot sa grocery store, halos mapuno na ng iba't ibang pagkain ang shopping cart na tulak-tulak ni Daryl pero hindi pa rin siya tapos. Panay dampot siya ng kung ano-ano at lagay sa shopping cart. Sa dami nito, parang mabubuhay na kami ng ilang buwan kahit hindi kami ulit mag-grocery."May pera ka ba? Kotse lang ang dala mo nang umalis tayo. Paano mo babayaran ang lahat ng iyan?""Will you shut up? Ano bang akala mo sa akin? Inaasa ang lahat sa pera ni Papa?""Hindi ba?" mataray kong pagtatanong at sinulyapan pa siya.Halata kong inis na inis na siya sa akin. Wala akong pakialam. Concern lang naman ako na baka mapahiya kami sa cashier mamaya dahil sa dami ng pinagkukuha niya pero wala pala siyang pera."I have my own business, and I have my own money. I don't need him nor his wealth."Nakangiti akong umiling at saka binalingan siya. "Kaya pala ang lakas ng loob mong traydurin ang ama mo, may pera ka. Ang galing n'yo talaga ni Mama. Nakaplano nang mabuti an
Baca selengkapnya
Chapter 37
Anika's POVTAAS ang noo ko habang nagpiprito ng itlog sa frying pan. Nasa likuran ko lang si Daryl, nakaupo sa harap ng kitchen island at nakatingin sa akin.Kahit na nakatalikod ako, ramdam na ramdam ko ang mga titig niya. Pero dedma! Wala akong pakialam!Pinatay ko ang stove at saka nilapag sa ibabaw ng kitchen island ang plato ng fried rice at fried egg. Sunod kong ginawa ay kinuha ang binili kong cup saka nagtimpla ng kape."Ang arte-arte," bulong ni Daryl na nagpataas ng kilay ko.Kahit naiinis ay hindi ko siya pinatulan. Masyadong maaga para makipagtalo sa kaniya. Naupo na ako at nagsimulang kumain."Ang daming pagkain, bibili pa ng para sa kaniya. Anong drama ba ang ginagawa mo?"Sa pagkakataong ito, nakatuon na sa akin ang paningin niya. Mula kagabi ay panay ngawa na siya dahil sa ginawa kong pagbili at pagluluto ng sarili kong pagkain."Ayaw kong makisalo sa iyo. Sinabi ko na iyon, di ba? Tanggapin mo na lang kasi para wala nang ingay. Naririndi na po ako sa iyo."He smirked
Baca selengkapnya
Chapter 38
Anika's POVNAGLALAKAD ako sa gilid ng daan pauwi sa bahay ni Daryl. Dahil buong araw akong naghanap ng trabaho, pakiramdam ko, hapong-hapo ako. Idagdag pa ang naging pag-uusap namin ni Isaac Romano.Isaac Romano. Israel Romano. Natatandaan ko na, naikuwento na sila sa akin ng mga katulong ni Don Enrico noong nasa Hacienda Altagrasia pa ako.Si Israel Romano ang dumukot at nakarelasyon ni Isabella, ang nag-iisang anak na babae ni Don Enrico. Hindi matanggap ng don ang relasyon nila kaya tinakwil niya si Isabella. At ang mga Romano rin ang pumatay sa panganay na anak ni Don Enrico na si Draven Altagrasia.Teka, legal ba ito? Nasa labas sila at namumuhay nang normal matapos ng ginawa nila sa mga Altagrasia? At saka, ang boss ko ay isa ring Romano!Hindi pa nga pala boss dahil hindi pa ako opisyal na secretary niya. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina bago ako umalis ng kaniyang kompanya.***"Bago ka tuluyang magtrabaho rito, tatanungin muna kita. Are you willing to work for me?"Nakau
Baca selengkapnya
Chapter 39
Anika's POVMAKALIPAS lang ang ilang sandali mula nang magtalo kami ni Daryl, narinig ko ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan niya at ang pag-andar nito palayo. Nayakap ko ang sarili kong unan nang maisip na umalis siya."Wala akong pakialam," bulong ko sa sarili ko.Muli na naman kumirot ang puso ko nang maalala ang mga nangyari sa Hacienda Altagrasia. Napakaganda ng lugar na iyon, parang paraiso, pero dahil sa mga nangyari, nagmistulan siyang bangungot sa akin.Pinilit kong matulog upang hindi na maisip sina Mama at Daryl. Isa pa, maaga pa ako bukas. Hindi naman ako nabigo dahil makalipas lang ang ilang sandali, tuluyan akong nakatulog.Naalimpungatan ako nang maramdaman ang mainit na palad na humahaplos sa aking pisngi. Nang mapagtanto ang nangyayari, napabalikwas ako ng bangon sa takot na baka may nakapasok na ibang tao sa bahay."Daryl?!" bulalas ko nang makita siyang nakatayo sa tabi ng kama ko."I'm sorry. Did I wake you up?" he asked in a low and husky voice."Daryl, anong gin
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
DMCA.com Protection Status