Semua Bab MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Bab 41 - Bab 50
171 Bab
41.
Nanginginig ang kamay ni Erza habang paroo’t parito siya sa paglakad sa loob ng kanyang silid. Nang kumatok si Aling Erwina ay agad na isinara ng ginang ang pinto ng masiguro na walang ibang tao na makakarinig sa kanila.“D-Diyos ko mabuti naman kung gano’n!” Naluluhang bulalas ng matanda ng sabihin ni Erza na nakita niya si Apol. “Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nakilala ni Marjo ang anak namin, Aling Erwina. Kung nagpa-imbestiga siya dapat nakilala niya si Apol. Pero kung titingnan ay parang wala siyang idea na anak namin ang kaharap niya. Hindi ba’t nakapagtataka?”Tumango si aling Erwina. Tama si Erza, nakapagtataka na hindi nakilala si Apol ng ama nito. “Hindi kaya dahil kay Xerxes? Ang sinabi sa akin ni Marjo ay asawa ni Xerxes si Apol… hindi kaya siya ang dahilan kung bakit nakilala ni Marjo ang anak namin, at siya rin ang nagpalabas na patay na ang dalawa kong anak?” Naluluha na naihilamos ni Erza ang kamay sa mukha. Sobra siyang nagpapasalamat dahil nalaman niyang buh
Baca selengkapnya
42.
[Apol]“Mrs. Helger, wala parin si Mr. X. Sa ngayon ay hindi siya makakauwi dahil abala siya sa mga meeting niya sa Macao.” Iyon ang sinabi ni Miss Carol pero hindi siya naniniwala sa mga ‘yon. Simula nang manggaling sila sa event ay hindi na siya kinausap pa ni Xerxes. Umalis ito matapos siyang ihatid. Ni hindi man lang siya kinausap nito.Sobrang bigat ng dibdib niya, nagtatampo siya dahil hindi man lang siya nito pinakinggan at hinayaan na kausapin ang nanay niya, tapos ngayon naman ay ramdam niya ang panlalamig nito sa kanya. Dati ay tumatawag ito para kamustahin ang lagay niya at kausapin siya dahil namimis siya nito. Pero ngayon ni isang tawag ay wala siyang natanggap mula rito. Nakakasama talaga ng loob. “Mrs. Helger, mabuti pa ay pumasok na kayo sa loob. Malamig na dito sa labas, baka magkasakit kayo.” “Ayoko, Rima. Dito lang muna ako… Hihintayin ko ang asawa ko baka kasi dumating siya tapos tulog ako.” Aniya sa dalawa. Nagkatinginan nalang sina Rima at Ester. Alam naman n
Baca selengkapnya
43.
[Apol]Pinilig niya ang ulo, inunat din niya ang braso. Halos umusok ang ilong at tenga niya dahil sa inis. Grabe, hindi man lang siya sinagot ng kausap niya kanina! Isa siguro ito sa tauhan ng Lolo ni Xerxes— Pero teka, paano kung ito mismo ang Lolo ni Xerxes? “Mrs. Helger, hindi maaari ang gusto mo. Nagbilin si Mr. X na hindi ka maaaring lumabas ng Villa—““Miss Carol, please naman, pumayag ka na. Hindi naman ako basta lalabas lang, sa lolo ni Xerxes ako pupunta.” Nagmamakaawang kumapit siya sa braso ng matanda at nagpapaawang tumingin dito na animo’y iiyak pa. “Sige na, Miss Carol. Promise hindi ko ipagkakalat na peke ang kilay mo—““Kailan ang alis natin?” Bigla ay tanong nito.Napatalon siya sa tuwa. “Mamaya din pong hapon. Pero teka, anong natin po?” Nakakunot ang noo na tanong niya.“Mrs. Helger, hindi ka maaaring umalis ng mag isa kaya sasamahan kita. Mas mabuti ng kasama mo ako para hindi ako masabon ng sobra ng asawa mo.” Tumikhim ito, mayamaya ay ngumiti ito ng nakakatakot
Baca selengkapnya
44.
[Apol]Pulang-pula ang mukha niya sa sobrang hiya habang nakaupo sa harapan ni manong— Este ng Lolo ni Xerxes. Kulang nalang ay tumakbo siya pauwi sa kanila para, hindi niya magawang tumingin rito.Nakakahiya! Kung ano-ano pa naman ang pinagsasabi niya rito. Napagkamalan pa niya na nobyo ito ni Miss Carol. Kaya pala gano’n nalang ang asta nila Rima at Ester dahil ito pala ang lolo ng asawa niya. Naku, makabalik lang talaga siya at masasapok niya ang dalawang ‘yon.Hindi man lang sinabi sa kanya ng dalawa kung sino talaga ang matandang ito! Pati si Miss Carol ay gano’n din. Para siyang pinagkaisahan.Sinamaan niya ng tingin sina Miss Carol at Butler Choco ng makita na halatang nagpipigil ng tawa ang dalawa. Napaupo siya ng tuwid ng tumikhim ito. Nagagawa naman niya na ngitian ito noon, pero ngayon tabingi na ang ngiti niya dahil sa sobrang pagkailang. “Apol, hija. Paumanhin kung hindi ko naipakilala sa’yo ang sarili ko. Natutuwa lang talaga ako sa pagiging totoo mo kaya ninais ko na m
Baca selengkapnya
45.
[Apol]Naningkit ang mata niya habang nakatingin sa Isla habang sakay ng chopper ni Lolo Axel. ‘Humanda ka talaga sa akin, Xerxes, kapag nagkita tayo!’ Sisiguraduhin niya na magbabayad ito ng mahigpit na yakap sa kanya sa oras na magkita sila. Nakapagtatampo, bumalik ito sa isla ng hindi siya kasama. Mabuti nalang at nari’yan ang abuelo nito para tulungan siyang mahanap ito.“Lolo, sigurado po kayo na hindi na kayo tutuloy?” Babalik na daw kasi ito agad sa Manila. Hinatid lang siya nito at siniguro na ligtas siyang makakauwi. “Hindi ko na kayo iistorbohin pa ni Xerxes, hija. Basta iyong usapan natin na maraming apo ha, huwag mong kalilimutan!” Tatawa-tawang paalala nito sa usapan nila.Kumunot ang noo niya ng mapansin na mas dumami pa lalo ang mga tauhan sa paligid, nagkalat ang mga ito na parang may pinaghahandaan.Pagdating sa loob ay agad na tinungo niya ang kwarto nilang mag asawa. “Hubby, buksan mo itong pinto, alam kong nari’yan ka sa loob!” Malakas na tawag niya rito ng hindi n
Baca selengkapnya
46.
[Apol]“Walanghiya ka, Camille!!!!” Umalingawngaw ang malakas niyang sigaw. Napatili ito sa takot ng hablutin niya ang buhok nito. “Kakalbuhin kita walanghiya ka! Uubusin ko lahat ng buhok mo at itatapon kita sa dagaaat!!!” Dahil dito ay nalagay sa alanganin ang buhay niya! Akala niya ay tinulungan siya nito para makapasok sa magandang trabaho pero hindi pala! Akala niya ay kaibigan ang tingin nito sa kanya pero nagkamali siya. Kung kaibigan ang tingin nito sa kanya bakit siya nito hinayaan na malagay sa kapahamakan!“Kuya, help me! O-Ouch, ang buhoook ko!” “Anong help me! Help mo mukha mo—“ Natigilan siya sa pagsabunot kay Camille. “Kuya?”Ang sabi nila Rima at Ester ay narito ang pinsan ng asawa niya na si Cherry. Pero wala naman ibang tao dito maliban sa asawa niya at kay Camille.Nasaan si Cherry? Bakit tinawag ni Camille na ‘kuya’ ang asawa niya— Awang ang labi na tumayo siya. “H-Hindi…” Umiling siya. Sigurado na mali itong nasa isip niya.“Leave up, Cherry.” Utos ni Xerxes.
Baca selengkapnya
47.
[Apol]Kaya pala gano’n nalang ang galit na nakikita niya sa mata nito noon. Kaya pala hindi maganda ang trato nito sa kanya noong una palangz. Ngayon alam na niya… mayro’n pala itong malalim na dahilan.Kumuyom ang kamao ni Xerxes. Nag iigtingan ang panga nito sa matinding galit. “Dahil sa ama mo nawala ang magulang ko. Pinagkatiwalaan siya ng daddy ko dahil matalik silang magkaibigan pero ano ang ginawa niya?! Siya mismo ang pumatay sa kanila!”Walang pagsidlan ang luha niya habang nakikinig sa asawa niya. Dama niya ang sakit sa bawat katagang binibitawan nito na parang kahapon lang naganap ang pangyayaring ‘yon.Tumalikod ito sa kanya. “Bumalik ka na sa kwarto mo, Apol.” “H-ha?” Pinahid niya ang luha at maang na tumingin rito. “P-Paano naman ako? Oo, may kasalanan ang ama ko, pero w-wala naman akong kasalanan… h-hindi mo naman ako bibitiwan diba? Alam ko at ramdam ko mahal mo na ako. T-Totoo naman ang nararamdaman mo sa akin at pinakita mo…di’ba, hubby ko.” Nagsimula siyang humikb
Baca selengkapnya
48.
[Apol]Dinala siya ng mga tauhan ng asawa niya sa opisina nito. Galit na tumingin siya rito ng makita ito.“Ano ang ibig sabihin nito?! Hindi ba sinabi ko sayo na mas mabuti pa na patayin mo nalang ako, o kaya palayain kaysa ang saktan mo ang puso ko?” Galit na ibinato niya ang backpack niya rito. “H-Hindi mo naman ako mahal, di’ba? H-Hindi naman ako mahalaga para sa’yo… g-ginamit mo lang ako! P-Pinaglaruan mo lang ang dadamin ko!” Humihikbi na pinahid niya ang luha. Tumingin siya rito nang nababakas ang labis na sakit sa kanyang mukha.“A-Alam mo ba na sobrang namiss kita? Hindi ako makatulog at makakain ng maayos dahil palagi kitang inaalala… minsan gusto pang sisihin ang sarili ko dahil baka ako ang mali, na baka ako talaga ang problema… pero hindi eh…”“Wife—““Wag mo akong ma-wife-wife d’yan!” Galit na asik niya. “Wag mo akong tawagin na ‘wife’ kasi hindi mo naman ako kayang panindigan!”Natigilan siya. Ngayon lang niya napansin na humpak anh pisngi nito. May kahabaan na rin ang
Baca selengkapnya
49.⚫️
[Apol]Napatili siya sa gulat ng makarinig sila ng malakas na pagsabog. “Damn!” Mura ng asawa niya. Binuhat siya nito at nilapag sa kama. “Wife, stay here, wag kang lalabas. Naiintindihan mo ba?” Hinaplos nito ang pisngi niya. “You better stay here, babalik ako.”Takot na tumango siya. Mula sa loob ng kwarto kasi ng asawa niya ay may button sa gilid ng kama nito para mabuksan ang pintuan. Iniisip nito marahil na baka lumabas siya.Kumuha ng CM901 na uri ng baril si Xerxes. Bago umalis ay humalik muna ito sa kanyang noo. “M-mag iingat ma please…” Mahinang bulong niya kahit wala na ito sa paningin niya.Ano ba ang nangyayari sa labas? Bakit bigla nalang nagkaro’n ng malakas na pagsabog? Habang naghihintay sa pagbabalik ni Xerxes ay hindi siya mapakali. Kanina pa siya palakad-lakad habang kagat ang daliri niya. Gusto niyang lumabas para hanapin ang asawa niya para malaman kung ligtas ba ito pero mahigpit naman nitong bilin na bawal siyang lumabas. Nag aalala din siya sa mga kaibigan ni
Baca selengkapnya
50.
[Apol]Lumuluhang tumingin siya kay Doc. Gervin. “A-Akala ko mabuti kang tao! Kung ayaw mong magsilbi sa pamilya ng asawa ko, sana ay sinabi mo… hindi ka na sana nagtraydor sa asawa ko at kumitil ng maraming buhay rito.” Humihikbing tinuro niya ang doktor at humihikbing tinuro ito sa asawa niya. “Hubby, pataýin mo siya… gusto kong samahan niya ang mga kaibigan ko sa kabilang buhay… si Ester, s-siguradong matutuwa siya na makita si Doc. Gervin do’n! Patayín mo siya, hubby!”Nanlaki ang mata ni Gervin ng marinig ang sinabi niya. “Mukhang na-brainwashed na ng asawa mo ang isip mo. ‘Di bale, hindi naman ako natatakot sa asawa mo dahil pinaghandaan namin ang pagsugod dito. Sa tingin mo ay hindi namin pinagplanuhan ang lahat ng ito?” Malakas na humalakhak si Gervin, maging ang kasama nitong matanda ay nakitawa rin.“Tama si Gervin. Hindi kami papayag na hindi ka madala at hindi mapatay ang asawa mo, kaya kung ako sayo ay sasama nalang ako ng matiwasay para hindi na kayo mahirapan pa. Xerx
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
18
DMCA.com Protection Status