All Chapters of The Extra Handsome Bodyguard : Chapter 41 - Chapter 50
55 Chapters
40
Chapter 40 LHAUREN found herself inside the church. Dumaan siya roon bago siya roon umuwi. Nag-iisip siya at napakarami pa ring tanong sa isip niya. Kung patay na ang ate Leica niya, may naiwan ba iyong pamilya o wala na? Nasaan na ang mga negosyo nun at ari-arian? Pero sa kabila ng napakaraming tanong ay lubos ang kanyang pasasalamat dahil buhay si Jace. Ngayon, tuluyang nagsi-sink in sa utak niya ang lahat ng mga kaganapan. Her heart was filled with gratitude and contentment. God brought Jace back into her life and Jadon would be so happy. Alam niyang makakatulong nang malaki si Jade sa pagbabalik ng saya sa buhay ni Jace. Dalawang taon man ang nawala dahil sa isang sakim na nilalang, na nabuhay na sobra ang inggit sa kanya, hindi pa rin tuluyang nawala ang lahat. And now that Jace is here, she’ll do anything for him. Susuklian niya ang ginawa nun para sa kanya. Napabuting tao ni Jace. Bigla na lang na may humawak sa balikat niya kaya halos mapatili siya, pero tumatawang si La
Read more
41
Chapter 41 Ilang araw ang lumipas na hindi pumalya si Lhauren sa pag-aalaga kay Jace. May mga pagkakataon na napapabayaan niya ang anak nila sa Yaya Betchay niya pero iniisip na lang niya na ama naman ni Jadon ang inaalagaan niya kaya ayos lang. Parang sa mga araw na yun na lumipas ay naibabalik niya paunti-unti ang buhay ni Jace at malapit na niyang sabihin dito ang tungkol sa bata. Lhauren wondered why the cashier looked past her. Titig na titig ang babae sa likod niya kaya agad siyang napalingon. “Jace?” sambit niya. Hinawakan siya nito sa baywang saka siya marahan na hinila kaya napasinghap siya. “Isn’t done yet?” “Not yet. Naiinip ka na ba?” “Hindi naman, medyo excited lang.” She smiled and nodded. “It’s okay, Ma'am Lhauren. I’ll just process the record. You can leave it here. Mukhang nagmamadali po si, sir.” Anang kahera niya kaya tumango siya. “Thank you,” aniya saka binalingan si Jace. Pumihit siya para harapin ito pero dibdib nito ang sumalubong sa kanya. Isinampa
Read more
42
Chapter 42 After almost fifteen hours of traveling non-stop via air, Jace is finally inside hotel Esperanza. Sa pag-apak niya sa lobby, bitbit ang kanyang maleta, matapos na pasalamatan ang mga kasamahan na naghatid sa kanya, parang malalaglag ang mga luha niya. Bakit? Dahil sa dalawang taon ay hindi na niya inisip na muli siyang aapak ng Pilipinas nang buhay. “Jace?!” agad na bulalas ng isang boses kaya napalinga siya, “Jace!” Umiyak na iyon kaya agad siyang napatingin sa may elevator. “Pakshit ka, Brandon Jace Arguelles!” bulalas ni Sidney at pumapalahaw ng iyak doon. “Ate,” aniya na maluha-luhang nilapitan ang kapatid pero agad siya nitong kinarate kaya napailag siya. “Tang-ina!” mura niya nang magulat siya at muntik tamaan ng suntok sa mukha. “di mo ba ako yayakapin?” tanong niya sa nakatatandang kapatid na napakaganda kahit ang daming anak. “Hindi. Pakshit ka! Ang tagal naming naghintay!” anito habang nakikipag-sparring siya pero tinamaan siya nito sa tagiliran kaya na
Read more
43
Chapter 43 JACE felt so very emotional when he opened the door and saw Emerald and HJ standing at the door of his suite. “Damn it,” ani HJ nang makita siya at si Emerald naman ay agad na umiyak at niyakap siya. “Jace…” she cried upon embracing her. “I’m still alive, Mama Em. Don’t cry.” Yumakap din sa kanila si HJ at marahan siyang tinapik sa likod. “What happened to you? It’s been two years, Jace. Your mom is dying everyday.” Tanong ni Emerald sa kanya. Alam na niya kung sino ang nagsabi rito na narito siya sa hotel, si Sidney. “It’s a very long story, Ma but it happened to serve its purpose." “Nagtanan ka ba talaga kasama iyong anak ng UN president?” Sinipat siya ni Emerald pero ngumisi siya nang mapait, “Kung ganun ang tanan, hindi pala masarap.” Natigilan ang mag-asawa sa sagot niya. “So, it wasn’t true? Kalaban siya?” Tumango si Jace. “Ito ang tunay na mundo, malayo sa relax na buhay ng isang agent, Papa HJ. I’ve been through worst,” he said. Naglakbay ang mga mata
Read more
44
Chapter 44 PAGDATING nila sa Pilipinas ay diretso na silang mag-ina sa bahay bakasyunan na ipinatayo ng kanyang ama. Kahit na ayaw na niya ay hindi niya iyon napigil. Baka na lang daw may isang araw na gustuhin niya ulit na umapak ng Pilipinas, hindi siya mawawalan ng masisilungan. And it was quite true. She misses him. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita at sa cellphone lang nag-uusap pero ngayon babawi na siya. Matagal pa bago may sumagot sa kabilang linya pero nakahabol sa huling segundo. “Yes, baby?” parang humahangos na sagot nito. “Hi. Looking for Mr. Bola.” biro niya rito kaya natawa ito. He’s alive. He normally laughs more often than before. “Speaking, Miss Madison. How may I help you? May I help you take your clothes off?” pilyong tanong ni Jace na nagpatawa sa kanya. “Yan ang iniisip mo eh di ka pa masyadong magaling.” natatawang sabi niya pero matutuwa siya sa response nito. He is becoming the same old Jace she met before, the humorous guy. “Eh kaya ko nama
Read more
45
Chapter 45 Natigilan si Jace nang marinig ang maliit na boses na iyon ng isang batang lalaki. Papa… Iyon ang sabi. Saan iyon galing dahil sa huling pagkakatanda niya ay si Lhauren ang bunso ni Charles Madison, yun ay kung hindi nag-ampon ulit ang matanda ng isang bata. He was so damn afraid to look at the place where that little voice came from. Alangan naman sa tyan ni Lhauren iyon galing ay di pa naman nga niya tinataniman. Nag-uumpisa pa lang dapat siya. Tumikal siya nang kaunti sa labi ng dalaga saka niya pinormal ang sarili. He looked at her teary eyes. Kanina ay hindi naluluha ang mga iyon tapos ngayon ay naluluha na. Bakit? “S-Sabihin mo sa akin na hindi ako namamalik-tainga.” demmit for his stuttering. Mayroon bang salitang malik-tainga? Mayroon at siya ang nagpauso nun. Mata lang ba ang pwedeng magmakali ng tingin? Syempre ay tainga rin pwedeng magkamali ng pandinig. Ngayon lang siya nagkanda-utal-utal sa buong buhay niya dahil kakaibang kaba na gumuhit sa dibdib niy
Read more
45.1
Chapter 45.1NAKATITIG lang si Lhauren sa mag-ama niya. Nakikita niya ang labis na pagmamahal sa mukha ni Jace habang pinagmamasdan si Jadon.Hindi na halos nito maitikal ang mga mata sa bata, at halatang hindi makapaniwala sa nakikita.Natutuwa naman siya dahil ang bilis na kinilala ni Jadon si Jace. Saglit lang iyon na umiyak. At hindi niya inasahan na magsasalita iyon ng Papa kanina. She forgot that Jadon was inside the fence.“Sinong kasama niyo rito?” tanong nito kaya napakurap siya.Karga pa rin nito ang anak nila.“Yaya Betchay left, same as kuya Anton. Pinabisita ko sila sa family nila rito. We’re safe here naman so no need to worry.”Nabuksan naman nito ang gate dahil sinabi naman niya ang code, kaya nakapasok ito nang walang hirap.Ngumisi ito bigla, “Pwedeng gumawa ng isa pang ganito?” tanong nito kaagad kaya natatawa siya, pero tumango na rin siya.“yes!” agad na sabi ni Jace.Pumasok ito sa loob ng fence at doon kinalong ang anak nila. Duda siyang hihiwalay ito k
Read more
48
Chapter 48“HI, baby,” namamalat na bati ni Jace sa kabilang linya nang tawagan nito si Lhauren. Nasa park silang mag-ina dahil naglalaro si Jadon, kasama ang ilang batang sing-edad din nito.“Hi, we’re here at the park. Jadon loves it here,” aniya rito at natawa naman ito.“Papauwi na dapat ako kaya lang may nakapagsabi sa akin na pumupunta rito si William Zamorra sa dating pasugalan. Nag-o-operate pa rin pala iyon kaya lang nagsara lang dahil umalis daw yung lalaki.”“Okay. Don’t mind us here. We’re okay lang naman. I’ll order our food later, so that when you come home, dinner is ready na. I’m sorry ha. I can’t cook for you pa. Nahihiya ako. Wala kasi si ate Bachoy.”“Sus,” mabilis nitong sabi, “Naiintindihan ko naman. Mahirap mag-alaga ng bata. Tamo nga si Royce di na malaman kung paano ang gagawin sa limang anak. Isa pa, pagkakataon ni Betchay na pasyalan ang mga pamilya niya. We can always order our food. It doesn’t matter. Kahit tuyo at panis na kanin ayos lang."Natawa siy
Read more
46
Chapter 46 Playing the song: Every Woman in the World - Reyne Tulad nang unang beses na pamunta siya sa mansyon ng mga Arguelles ay ganoon din ang kaba na nararamdaman ni Lhauren ngayon, habang sakay sila ng kotse. Hindi na mabitiwan ni ang anak na kahit nagda-drive ay kalong ang bata. Kagabi ay parehas sila nitong yakap at walang tigil sa kalalapirot sa dibdib niya kahit tulog. But she noticed that she woke up from time to time. Para itong binabangungot na ewan, pero nang yumakap sa kanya ay naging payapa na ang tulog. Naaawa siya rito na sobra habang pinagmamasdan niya kagabi. Iniisip niya kung anong kahayupan ang ginawa rito ng kapatid niyang hilaw pero tapos na iyon dahil patay na si Leica. Ibinalik niya ang isip sa kanyang mag-ama. Siya ang naiilang sa pagmamaneho nito habang nasa harapan si Jadon. Bawal iyon kung tutuusin pero ano bang bawal sa isang Brandon Jace? “Give me Jadon. Huhulihin ka ng pulis. You're violating the rules.” tinangka niyang kunin ang bata na tahimi
Read more
47
Chapter 47 AYAW na ipahalata ni Jace ang tensyon na nararamdaman niya sa sinabi ng kanyang ate Sidney pero ngayon ay narito siya at masinsinan na nag-uusap sa labas ng bahay. Nasa labas sila ng gate, nakatayo sa may van ni Royce. Naroon ang dalang mga papeles ni Sidney. “Please don’t tell this to Lhauren, ate,” aniya sa kapatid. “That’s what I’m doing. Baka nerbyosin yung bata kapag nalaman ito. Hindi pa rin ako makapaniwala na Tita na ako, sa dami ng babae mo noon, si Lhauren lang pala ang mabubuntis,” natatawang sabi nito sa kanya habang kinukuha ang envelope. “Aw. That’s so wrong. Binuntis hindi nabuntis. That makes a huge difference, Ate.” “Oo nga pala. Eto na. Tingnan mo itong mabuti.” Sinunod niya ang sinabi nito nang mabuksan niya ang envelope. Dalawang tao ang nakita niya, parehas na William Zamorra, tapos ay naka-zoom na pirma ng nagpakilalang anak ni Amor, match sa pirma ng isang deed of absolute sale. “Gusto kong isipin na mali ang itinuro mong lugar kasi hindi mo n
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status