CASSY’s POV "KUYA! Nandyan ka pala! Bakit di ka man lang nagsabi? Nagulat mo tuloy kami,” nakangusong sabi pa ni Layla. Halatang naglalambing. Pero yung Kuya niya, nakakatakot ang itsura niya. Nakasalubong kasi ang kilay at alam kong hindi nito nagugustuhan na kasama ko si Layla. “Lumabas ka na muna. Darating ang doctor para e-check siya.” “Ay ano ba yan. Sige Sis. Hintayin nalang kita. Para sabay na tayong mag-agahan,” sabi sa akin ni Layla. Actually mas komportable ako sa kaniya. Nakakatuwa siya. Unlike sa kuya niya. Parang mangangain ng tao. Sinunandan ng tingin ng lalake si Layla papalabas. “Ayos lang ho ako. Hindi ko na po ata kailangan magpa-check up. Maya maya rin, puwede na rin akong umalis,” sabi ko. Napaharap siya sa akin. Pero hindi siya nagsalita. Kinalaunan ay ni-lock niya ang pintuan. Kinabahan ako, kasi ang sabi niya, may darating na doctor. So bakit niya nilo-lock ang pintuan? “Ms. Cassy, may hihingin sana ako sayong pabor,” aniya pa na seryuso pa
Última atualização : 2025-11-01 Ler mais