All Chapters of One Last Mistake : Chapter 11 - Chapter 20
24 Chapters
Chapter 11
Third Person’s POVPagkatapos na maayos ni Sam ang mga bulaklak sa ibabaw ng side table niya ay lumabas na rin siya sa kwarto. Sabay pa silang nagbukas ni Bernard ng pinto at aksidenteng nagtama agad ang mata nilang dalawa.Sa totoo lang ay kinakabahan si Sam sa kung ano man ang pag-uusapan nilang dalawa ngayong gabi. Nilakasan na lamang niya ang loob niyang humarap dito dahil nagugutom na talaga siya.“Let’s eat.” Nakangiting sabi nito sa kaniya. Parang may kakaiba sa mga tingin nito. Nagmadali niyang iniwas ang paningin niya dito at sinara ang pinto. Ipinaghila pa siya ng upuan nito nang makarating sila sa dining area.“Thank you po.” Nahihiyang usal ni Sam kay Bernard.“Wow! Mukhang masarap itong niluto mo, ah?” Tanong sa kanya nito nang buksan ang ceramic na lagayan ng ulam. Kitang-kita ang pagkagalak sa mukha nito.Tipid na ngumiti si Sam, nang bigla siyang may maalala na nais niyang itanong dito. Kasi kanina pa gumugulo sa isip niya yun.“Ah, Sir? Paano niyo po nakuha ang video?
Read more
Chapter 12
Third Person’s POVHindi makapaniwala si Sam na sa maiksing panahon na nakasama niya si Bernard ay magkakaroon na agad ito ng pagtingin sa kanya. At hindi rin niya akalain na gagawin ito lahat ni Bernard para sa kaniya. Pangarap niya lang kasi dati ay makapagtrabaho lang sa kompaniya nito.Pero ang lalaking nakikita niya lang noon sa billboard at hinahangaan niya ay kasama niya na ngayon dito sa malaki at napakamahal nitong yate.Tanaw din mula sa yate ang maputing buhangin mula sa resort dahil sa sinag na nagmumula sa malaking buwan. Masarap din ang simoy ng hangin dito at katamtaman lang ang lamig sa balat.Bukod sa mga malalaking establishment na nakikita niya sa resort sa di kalayuan ay wala na siyang ibang nakikitang mga tao sa paligid. Siguro ay dahil malapit ng maghating-gabi. Pero silang dalawa ngayon pa lamang mag-uumpisang e-enjoy ang hinanda ni Bernard na date para sa kaniya.Nagpaalam sa kaniya si Bernard na may aayusin lang sa loob kaya naiwan siyang mag-isa. Inisang lago
Read more
Chapter 13
Third Person’s POV“Ang sarap nitong crab.” Pagdadahilan ni Sam. Para mailigaw sana ang usapan pero nanatiling nakatingin sa kanya si Bernard.“I heard you.” Giit nito. Hindi pa nito inaalis ang tingin nito sa kanya.“Kahit naman siguro sinong babae. Hahanga sa mga kagaya niyo.” Katuwiran ni Sam.“Hindi ‘yan ang gusto kong marinig. You said earlier na hinahangaan mo ako noon pa. So, you mean may gusto ka na sa’kin noon pa? Kaya ba nakiusap ka kay Aling Esme na ipasok kita dito? Matagal mo na ba akong gusto?” Bakas ang kuryusidad mula sa mga katanongan nito sa kanya. Nagulat si Sam dahil ang bilis napagtahi-tahi ni Bernard ang lahat. Pero hindi naman niya intensyon na magkagusto maliban sa paghanga. Alam niyang trabaho talaga ang ipinunta niya roon.“Ang paghanga at ang pagka-gusto ay magkaiba po ‘yun. Isa pa, hindi naman ‘yun ang dahilan kung bakit ako nag-decide na mag-trabaho sa inyo. Dahil po talaga ‘yun sa pangangailangan ko.” Sinserong sagot niya. Pinagsiklop nito ang mga kamay a
Read more
Chapter 14
SAMIlang taon… Ilang taon kong kinimkim ang sama ng loob ko para sa isang tao na sa pag-aakalang siya ang ama ng anak ko. Sa pag-aakalang siya ang nanamantala sa’kin no’ng gabing ‘yun. Sa pag-aakalang siya ang lalaking tumalikod sa’kin noon ng mga panahon na kailangang-kailangan ko siya sa tabi ko. Na kailangan namin siya ng anak ko… Pero nang dahil sa palatandaan ay nagbago ang lahat at naging magulo pa ito. Kung hindi pala siya ang gumawa sa’kin no’n, bakit siya ang nadatnan ko sa aking kwarto? Bakit hindi niya sinabi sa’kin ang totoo? At ano ba talaga ang nangyari no’ng gabing ‘yun?Kung sakali na tama man ang hinala ko, paano napunta doon si Bernard? Magulo pa rin ang isip ko. Kung totoong si Bernard nga ‘yun ibig bang sabihin ay alam niyang ako ang babaeng pinagsamantalahan niya no’n nang dahil sa sobrang kalasingan?Imposibleng hindi niya alam ‘yun. Kaya ba naging mabilis para sa’min ang lahat ngayon? Kaya ba naging palagay na agad ang loob niya sa’kin sapagkat no’ng una palang
Read more
Chapter 15
BERNARD“Sam? What’s the meaning of this?” Nagtataka kong tanong sa kanya. Mapungay ang mga mata niyang lumapit siya sa akin at walang inhibisyon na ikinawit ang kanyang mga kamay sa aking batok.Ramdam ko ang kanyang dibdib sa aking dibdib. Hindi rin nakatakas sa pang-amoy ko ang matapang na amoy ng alak mula sa kanyang hininga.Napalunok ako nang tiningnan niya ako ng mapang-akit niyang mga mata. Kung hindi ko siya kilala iisipin kong bihasa na siya sa ginagawa niyang ito, pero dahil alam kong hindi siya ganito ay nagtataka na ako sa mga kinikilos niya.“B-Bakit ka uminom? S-Saka bakit ganyan ang suot mo?” Pigil ko ang aking hininga habang tinatanong ko siya. Nakahawak na rin ang kamay ko sa kanyang beywang upang alalayan siya. Imbis na sagutin ako ay tumingkayad pa siya at itinapat ang kanyang labi sa aking tenga.“Di’ba ito ang gusto mo?” Mahina niyang tanong sa’kin. Pagkatapos ay nakangiti niya akong tinignan. Inilapit niya ang bote ng alak sa aking bibig. Tinanggap ko naman ‘yun
Read more
Chapter 16
BERNARD“Fvck you, Troy!”Kaagad akong nagtungo sa bahay niya nang makita ko ang CCTV na pina-rewind ko pa sa simula kahapon sa operator nito nang umalis si Sam. Doon ko natuklasan ang ginawang pagtakas ni Sam sa building habang suot ang utility outfit para makalabas, nilagay pa nito ang kaniyang mga gamit sa itim na garbage bag pagkatapos ay dumaan sa likuran ng building.Sa isang kuha naman ng CCTV sa likurang bahagi ay kitang-kita ko ang pag-sundo ng kotse nito sa kaniya. Kaya kaagad akong napasugod sa bahay niya.Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta para makita siya. Pero sa ngayon ay isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Maaring may kinalaman na naman si Troy dito.Ngayon na alam na ni Sam ang lahat, sigurado akong matindi na ang galit niya sa akin. Iiwan ko ba naman siya sa gano’ng situwasyon para habulin si Laureen ay nasisiguro kong kinamumuhian na niya ako ng tuluyan. Hindi ko siya masisisi, dahil nagsinungaling ako sa kaniya at hindi ko si
Read more
Chapter 17
SAMBigo man ako sa naging pangarap ko, alam ko may oportunidad pa rin na darating para sa akin. Kung hindi dahil sa tulong ni Troy hindi ako makakauwi dito. Ginamit ko ang natitira kong pera at sa tulong na rin niya sa’kin para makalipat kami ng lugar nang sa gano’n ay hindi na niya kami makita pa. Inalok pa niya akong tumira sa condominuim at isama ko ang aking pamilya pati narin magandang trabaho pero hindi ako pumayag. Hindi kasi gano’n kadali ang tanggapin ang lahat.Ang masakit pa roon ay pinaniwalaan kong siya ang Ama ng anak ko. Ipinagdiinan ko ang sarili ko sa kaniya, at matagal kong tinanim ang galit sa puso ko sa pag-aakalang siya ang Ama ni Calix.Ang nanamantala sa akin, 'yun pala ang walanghiya niyang pinsan na boyfriend ng kaibigan ni Troy at may-ari din mismo ng bahay na pinuntahan namin.Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa’kin.“Sorry kung hindi ko sinabi sa’yo ang lahat. Nang makarating siya sa party ay nakita niya kami ni Laureen na naghahalikan sa loo
Read more
Chapter 18
SAMNang makababa na ako sa speed boat ay nakahinga na ako ng maluwag. Pilit ko man na hindi paniwalaan ang lahat ng sinabi niya ay may parte pa rin sa akin na gustong maniwala sa kaniya. Na sana totoo ang lahat ng sinabi niya...Hinayaan niya akong makaalis kaya inisip ko na baka hindi na niya ako gugulohin pa. Saka pa lamang ako nag-angat ng tingin kung nasaan ang yate. Nag u-umpisa na rin itong lumayo sa pampang. Kasunod ng ilang bangka na de-motor lulan ang mga nakaitim na lalaki.Nagsinungaling ako nang sabihin kong hindi ko siya mahal sapagkat wala na ring saysay 'yun dahil alam kong hindi na siya babalik pa para pag-aksayahan kami ng oras.Bagsak ang balikat na pinulot ko ang naiwan kong balde. Basa pa rin ang damit ko nang dahil sa shower kanina. Hindi ko maiiwasan na hindi makaramdam ng pagkapahiya kanina nang sabihin niyang nangangamoy malansa ako ay imbis na sa kama siya hihilain ay sa banyo ko siya dinala. Hindi ko rin maitatanggi ang paghaharumintado ng puso ko sa mga ora
Read more
Chapter 19
SAMKakakita pa lamang nila kay Bernard ay magaan na agad ang loob nila dito. Palibhasa kasi magaling talagang magbait-baitan ang lalaking ‘yun. Kaya ayun nagawa pang maglaga ni Inay ng kamote para daw may pang-meryenda ang mga nagbilad ng isda.Si Itay naman ay nagdurog ng tablea at nagpakulo ng mainit na tubig para may mainom sila mamaya. Pwede namang tubig na lang, bakit kailangan pa ng panulak na tsokolate? Isa pa mayaman naman ang lalaking ‘yun kaya paniguradong kayang-kaya niyang bumili ng makakain nila.“Anak! Ibigay mo na itong isang bandehadong kamote. Isusunod ko na lamang ang inumin. Kasya na kaya ito sa kanila? Sa bilang ko ay bente uno sila lahat kasama ang gwapong binata.” Tawag ni Inay sa akin. Kasalukuyan kasi akong nagtitiklop ng damit. Nasa tabi ko lamang si Calix at naglalaro ng robot na pasalubong ko sa kanya.Hindi na lamang ako umimik at sinunod na lamang siya dahil pagod na rin ang utak kong mag-isip kung paano ko siya palalayasin dito sa isla.Paglabas ko haban
Read more
Chapter 20
SAMPabalik na kami sa isla. Magaling na rin si Calix. Nag-usap muna kami ni Bernard na hahanap ng magandang tiempo para sabihin kila Inay at Itay ang totoo. Galit ang naramdaman nila kay Troy noon at sabi niya pa sa akin ni Itay baka mahabol niya lang daw ito ng itak kapag nakita niya si Troy. Alam kong galit parin sila dito.Mabuti na lamang at nakumbinsi ko si Bernard na ako na ang magsasabi sa kanila. Sa halos dalawang araw namin na pananatili sa hospital naging malapit ang mag-ama. Wala pa ding idea si Calix na Ama niya si Bernard. Gusto ko kasi kapag sinabi ko na kina Itay at Inay saka ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi man niya maintindihan mukhang madali na yun dahil ngayon palang kitang-kita ko na ang pagiging malapit nilang dalawa.“Tito Bernard, sasakay ba ulit tayo ng helicopter?” Tanong ni Calix sa kanya. Hawak na niya ito sa kamay.“Yes, young man. Why? Natatakot ka din ba sa helicopter?” Nakangiting tanong ni Bernard sa kanya.“Hindi po, brave ako like Mama.” Masaya
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status