Share

Chapter 18

SAM

Nang makababa na ako sa speed boat ay nakahinga na ako ng maluwag. Pilit ko man na hindi paniwalaan ang lahat ng sinabi niya ay may parte pa rin sa akin na gustong maniwala sa kaniya. Na sana totoo ang lahat ng sinabi niya...

Hinayaan niya akong makaalis kaya inisip ko na baka hindi na niya ako gugulohin pa. Saka pa lamang ako nag-angat ng tingin kung nasaan ang yate. Nag u-umpisa na rin itong lumayo sa pampang. Kasunod ng ilang bangka na de-motor lulan ang mga nakaitim na lalaki.

Nagsinungaling ako nang sabihin kong hindi ko siya mahal sapagkat wala na ring saysay 'yun dahil alam kong hindi na siya babalik pa para pag-aksayahan kami ng oras.

Bagsak ang balikat na pinulot ko ang naiwan kong balde. Basa pa rin ang damit ko nang dahil sa shower kanina. Hindi ko maiiwasan na hindi makaramdam ng pagkapahiya kanina nang sabihin niyang nangangamoy malansa ako ay imbis na sa kama siya hihilain ay sa banyo ko siya dinala. Hindi ko rin maitatanggi ang paghaharumintado ng puso ko sa mga ora
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status