All Chapters of I Put A Leash On My Boss: Chapter 21 - Chapter 30
111 Chapters
Chapter 20
"Hey," sinundan ni Wommie si Aru pabalik sa cabin nila. Hindi sumagot si Aru, nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Yumakap si Wommie sa kaniya mula sa likuran. Hindi pa rin gumagalaw si Aru. "I'm sorry," "Was it Rem?" tanong ni Aru habang ang tingin ay nasa labas pa rin ng pabilugan nilang bintana. "Yes." "Do you still have a feelings for him?" "He's married now," sagot ni Wommie. Alam niyang hindi na ganoon ang nararamdaman niya para kay Rem. Kung may natira pa man, hindi na iyon gaya noon. "So you still have a feelings for him," Aru concluded lalo't hindi sumagot si Wommie ng yes or no. "I still have time to move on completely. And thanks to you, hindi ako isang linggo nagmumokmok." Tumingin si Aru sa kaniya. "I am willing to be your slave. Kaya gamitin mo 'ko hanggang makalimutan mo siya pero you need to make sure na kapag naka-move on ka na sa kaniya, ako lang ang papasukin mo sa puso mo. Ako lang at wala ng iba." Seryosong sabi ni Aru sa kaniya at hinigit si Wommie p
Read more
Chapter 21
"Princess, why are you crying?" takang tanong ng mama niya. "What did you do to your sister Woreign? Wocre? Woxis?" kunot noong tanong ng papa ni Wommie sa tatlo niyang kapatid na lalaki na nakanganga at gulat na gulat habang nakatingin sa bunso nilang yakap yakap ang mama nila at umiiyak. "Pa!" React ng tatlo. "Kasama niyo kami tatlo dito. Paano namin aawayin si Wommie?" tanong ni Woxis na aligaga dahil umiiyak ang bunso nilang kapatid. "May umaway ba sa'yo chimpanzee? Tell me dahil gugulpuhin ko!" Sabi ni Wocre na pangalawa sa magkakapatid. "Wommie, what happened?" si Woreign na kunot ang noo. Kanina lang, they were watching TV together nang biglang pumasok si Wommie at yumakap sa ina nila saka umiyak ng todo. They rarely see their sister na mag breakdown. Kaya lahat sila ay alerto, dahil oras na magsabi ang kapatid nila ng pangalan ng taong nagpaiyak sa kaniya ay ha-huntingin nila ito kahit pa nasa impyerno pa ang taong iyon. Umiling si Wommie at tumingin sa mama nila. "Ma, I'
Read more
Chapter 22
Nakatulog si Wommie at saka lumabas si Amelie. Agad siyang yumakap sa asawa niya habang ang tatlo pa niyang anak ay nakatingin sa kaniya. "How is she, ma?" tanong ni Woreign. "She's fine. Ginigiit niya na iniwan niya iyong manliligaw niya sa barko. Hindi ko alam anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon." Napahilamos ng mukha si Wocre. "This is Rem's fault. Kung pinili niya sana ang kapatid ko at hindi pinaasa, hindi ito hahantong sa ganito." "Kuya Wocre, best friend si Rem at Wommie." Ang sabi ni Woxis. "Let's sleep for tonight. Bukas, kakausapin natin si Wommie kung saan ba talaga siya galing. Maaga akong pupunta sa MGC bukas to check about this incentives." Ganoon nga ang ginawa nila. Kinaumagahan, maagang umalis si Wommin kasama ni Woreign at pumunta ng MGC. Nasa information desk sila nang makasalubong nila si Clark. "Sir, they were asking about the incentives daw po na binigay kay Ms. Wundt." Sabi no'ng nasa ID na siyang kumausap kay Wommin at Woreign. Kumunot ang n
Read more
Chapter 23
"Kuya Woxis, sinasabi mo bang nababaliw na ako?" "Wommie that's not what I mean," ang sabi ni Woxis sa kaniya. Hindi na rin alam paano papakalmahin ang kapatid. "Hindi e. Gusto mong ipalabas na baliw ako." Natigilan siya at naalala ang pamilya niya. "Ahh lahat kayo iniisip na nababaliw na ako. Kaya pala ganoon ang reaction niyo kanina," sabi ni Wommie, napapalakas na ang boses. Bumukas ang pinto at pumasok ang pamilya niya. "Anong kaguluhan ito, Woxis?" striktong tanong ni Wommin sa anak niya. "Pa, I'm telling her na hindi na tayo natutuwa sa ikinikilos niya." "Sinasabi mong nababaliw na ako. Bakit? Galit kayo dahil sinampal ko si Grey? Ano? Mas mahal niyo pa siya kesa sa akin?" "Wommie that's not true!" Kunot noong sabi ni Woreign sa kaniya. "Not true, kuya? Hindi ba ikaw rin? Mas gusto niyo si Grey maging kapatid kesa sa akin. Dahil maganda siya, dahil mabait siya." "Wommie!" Mama na nila ang nagtaas ng boses. Napatingin si Wommie dito. "Ma, hindi ako nababaliw. Totoo lahat
Read more
Chapter 24
Ang nakangiting si Serina ay agad na naging seryoso nang makita ang kaibigan niya na umiiyak. Halos matumba sila nang bigla siyang dambahan ni Wommie ng yakap. Napatitig si Serina sa mga tao sa likuran ni Wommie. "Why are you crying?" takang tanong ni Seri kay Wommie. Hindi makasagot si Wommie dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Wommie, ang saya-saya mo pa nga doon sa barko bago tayo naghiwalay e. Bakit parang na byernes-santo ang mukha mo? Kung sinabi mo lang na iiyak ka sa bahay niyo, hindi na sana kita hinayaang umalis. Naghahanap pa naman sila mama ng isang anak I'm sure they'll like you." Biro ni Serina. Napasinghap silang lahat nang marinig ang sinabi ni Serina. Naniniwala na talaga silang hindi totoo ang cruise ship na sinasabi ni Wommie ngunit ngayon ay biglang napalitan ang pagdududa nila. Humiwalay si Wommie kay Seri at tumingin dito. Parang ate ni Wommie si Seri tignan nang pinunasan ni Serina ang mukha ni Wommie. "Seri, they are my family." Sabi ni Wommie, umiiyak
Read more
Chapter 25
Pumasok sila muli sa bahay. Grey is uncomfortable at gusto ng umuwi pero hindi niya makumbinsi si Rem dahil gusto ni Rem malaman kung paano nagkakilala si Aru at Wommie. He's in rage, hindi niya maintindihan ang sarili bakit siya galit na galit ngayon. Gusto niyang magwala at kunin si Wommie para sabihing kalimutan si Aru. On the other hand, Wommie is telling her family about the part kung anong klase ng tao si Aru at paano niya ito nakilala pero hindi lahat ay sinabi niya. "Yes ma. He's sensible and caring." Nakangiting sabi ni Wommie. Habang pinapanod siya ng mama, papa at mga kapatid niya, napanatag na ang mga loob nila sa sinabi niya. 'Cause Wommie is telling them what's inside her heart. At habang nagki-kwento si Wommie, kitang kita ang kasiyahan sa mukha nito na umaabot sa mata. At hindi rin mapigilan ni Wommie na ngumiti o tatawa kapag sinasabi ang mga ginawa nila ni Aru sa barko. Para sa pamilya niya lalo na sa magulang niya, naiiyak sila na naroon ang ngiti ni Wommie na g
Read more
Chapter 26
Panay ang tawag ni Grey kay Wommie pero hindi iyon sinagot ni Wommie. Hindi pa rin niya makalimutan na idiniin siya ni Grey at Rem sa harapan ng pamilya niya. Kung wala si Serina ay baka nalagay na siya sa mental hospital. Humingi naman ng tawad ang mga kapatid ni Wommie sa kaniya at lahat ng kapatid niya ay naging overprotective na sa kaniya. Bumabawi talaga ang tatlo at halos ay ini-spoil na siya. Bagay na hindi inaasahan ni Wommie dahil kahit noon pa man, hindi ganoon ka showy ang mga kapatid niya sa kaniya.. Kaya siguro naiinggit siya kay Grey dahil nakakabiruan ni Grey ang mga kuya niya bagay na hindi niya naranasan. She's distant to them hanggang sa lumaki siya. Gaya nalang ngayon, kakarating lang ni Woxis sa trabaho niya at agad niyang hinanap si Wommie na nasa sala at nanonood ng TV. "Wommie, kuya has a surprise for you." Natatawa si Wommie na tumayo para salubungin ang kuya Woxis niya. Natakam si Wommie nang makita ang dala nitong Mongo pie na favorite niya. "Kiss muna,"
Read more
Chapter 27
"So saan ka galing no'ng nakaraang linggo?" takang tanong ni Trooper. "Nagbakasyon nga ako," saad naman ni Wommie habang kumakain ng spaghetti. "Nagmo-nove on?" tumingin si Trooper sa reaction ni Wommie. "Hindi noh. May bago na akong crush ngayon," nakangiting sagot ni Wommie sa kaniya. Nalukot ang noo ni Trooper. "Sino?" curious na tanong niya sabay punas ng sauce na nasa labi niya. "Secret." Sagot ni Wommie sabay kindat. Sumandal si Trooper sa inuupuan niya at tinignan ni Wommie. "Kung iba na crush mo ngayon, hindi ka na galit sa boss natin?" alam ni Trooper ang dahilan bakit galit si Wommie sa boss nila. Lahat yata ng sama ng loob ni Wommie ay sinasabi sa kaniya. "Hindi naman dapat ako magalit sa kaniya hindi ba kasi kahit naman hindi ako aamin kay Rem, kung ako ang gusto niya hindi pa rin siya magpapakasal kay Grey." Sagot ni Wommie kasi narealize niya na tama ang sinabi ni Jed sa kaniya no'n. "Hindi na ako galit sa kaniya, pero naiinis pa rin kasi ako ang sumasalo ng traba
Read more
Chapter 28
"Kuya, naririnig mo ba ang sarili mo?" kulang nalang bugahan ni Clarissa ng apoy si Aru dahil sa sinabi nito tungkol sa trabaho ni Wommie. Sumandal si Aru sa swivel chair at sumilip sa mukha ni Wommie na nakaupo at umiinom ng kape na binili niya para dito. "Sis, ayos na iyon. Ayoko siyang mapagod." Napabuga ng hangin si Clarissa para lang pigilan ang sarili niya na sapakin ang kuya niya. "Pfft..." pinipigilan ni Clark na huwag matawa lalo't galit na galit na si Clarissa sa tabi niya. "Kuya, mago-overtime siya para lang basahin ang mga pangalan ng mga kameeting for this week? Kaya niya gawin iyon sa condo niya." "Ayoko siyang umuwi ng maaga saka dagdag sahod na rin 'yon kung mag overyime siya. Ayoko namang isipin niya na mukhang may favoritism na nagaganap." Bored siyang tinignan ni Clarissa. "Really kuya? Hindi pa ba favoritism tawag sa ginagawa mo?" puno ng sarkasmo na sabi niya. Ngumuso si Aru at umiling. "Kuya, hindi tama itong ginagawa mo. Bahala ka kung mabuko ka niya
Read more
Chapter 29
Another day of spoiling Wommie. Hindi na nakapagpigil si Wommie, tumayo na siya at dumiretso sa secluded place na alam ng lahat na office ng bago at gwapong chairman nila na si Warrius Malaque. Mag-iisang linggo na siyang walang halos ginagawa at naiinis na siya. Gusto niya magreklamo ng personal kung may nagawa ba siyang mali o ano at bakit hindi siya binibigyan ng matinong trabaho. Kinakabahan nga siya na baka nalaman ba ng boss niya ang pangba-backstab niya dito. “Oh, ma’am Wommie, bakit nandito po kayo?” takang tanong ng isang utility worker. “Sa tingin mo, nandito ba ang boss natin?” tanong ni Wommie sabay tingin sa office ni Aru. “Si sir Aru?” tanong nito. Tumango si Wommie. “Hindi ko po siya nakikitang pumapasok ng opisina kahit na maaga akong pumapasok. Hindi ko po alam ma’am Wommie kung may tao ba sa office niya o wala. Ang balita ko pa naman ay hindi iyon lumalabas ng bahay nila.” Nagtataka na talaga si Wommie sa boss nila. Bakit ayaw niyang ipakita ang mukha nito sa ka
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status