Pabalik ako sa company galing café nang matanaw ang isang pamilyar na sasakyan kung saan ay bumababa si Zachary. Nang sa oras na yun ay hindi ko maintindihan ang aking sarili. Nakaramdam ako ng pagkagalak na hindi ko na dapat pa maramdam.Kaya binilisan ko ang paglalakad para makarating agad.Ngunit sa gitna ng aking paglalakad ay bigla akong napahinto ng may pinagbuksan siya sa may front seat at inaalalayang lumabas ng sasakyan.Ang galak na aking naramdaman ay napalitan ng pagkalungkot at pagkadismaya. Ngunit bakit ko nga ba ito nararamdaman? Kakasabi ko lang kanina na wala akong pakialam sa kanya. Siguro nga ay nadismaya lang ako bilang nililigawan.Na sana nga ganun lang pero alam ko sa sarili ko na hindi ito pagkadismaya kundi sakit ang aking nararamdaman. Matamlay akong naglakad patungong opisina na walang pakialam sa paligid. Nang buksan ko ang pinto ay napahinto ako nang madatnan ko silang masayang nag-uusap."So-sorry sa labas
Last Updated : 2025-10-20 Read more