“Ano ba, sir?!” reklamo ko, pero napakapit naman sa batok niya.Nagulat nga kasi ako. Akala ko magsesermon siya, o hindi kaya, hahayaan niya akong matulog at aalis na siya. Pero iuuwi pala ako.“Ibaba mo nga po ako, Sir Danreve. Bakit ba? Epal ka, eh…” dagdag ko, pero natim ko naman agad ang labi ko.Pinanliitan niya ako ng mga mata, kasabay ng pagtangis ng bagang.Balik na naman sa dati ang ugali niya. Kapag gusto niya, gagawin niya at hindi ako puwedeng kumontra.Pigil akong bumuga ng hangin. Naninikip kasi ang dibdib ko dahil dito kay Sir Danreve.“Pagod lang po ako, hindi po lumpo,” pabulong kong sabi, sabay sikretong sulyap sa seryoso niyang mukha.Hindi na nga kasi siya nagsasalita. Patuloy lang siya sa paglalakad na parang hindi man lang nabibigatan.“Sir, diretso mo na lang kaya ako sa emergency room? Malapit na kasi akong mahimatay sa hiya!”Sinamaan ko siya ng tingin, na ginantihan naman niya ng mas masamang tingin. Ang sama. Katulad ng ugali niya.Binaon ko na lang ang mukh
Magbasa pa