UMUBO ANG GINANG, nais ng kaladkarin paalis ang asawa kung pwede niya lang gawin iyon ngayon nang hindi nakakahiya kaso ay hindi naman niya magawa. Masyado itong malakas at maawtoridad kung ikukumpara na sa kanya.“Imposible. Baka humihingi siya ng panggastos kay Dustin kaya tight na ang budget ng anak natin. Tingnan mo ngang hindi tayo maigala. Tapos makikita natin ang girlfriend niya na walang pakundangang namimili. Ah, basta ang paniniwala ko ay pera iyon ng anak natin. Alam mo naman kung gaano kabait ni Dustin. Baka naawa na siya sa mag-ina.”The more Dustin's father thought about it, the angrier he became. Hindi pwede na gatasan ng babae ang kanilang anak. At kahit na maging mag-asawa na sila, sasabihan niya si Dustin na huwag ditong ibibigay ang lahat ng kanyang sasahurin.“I have to make it clear to her, para kung sakaling kay Dustin nga ang pera ay masabihan siya kaagad na huwag abusada.” Humakbang na ang lalaki palapit sa kanilang banda na hindi na napigilan pa ng Ginang dah
Read more