6.Magkasamang umupo sandali ang mag-ina. Napansin ni Mirael ang mga paltos sa kamay ni Solene. Napa-buntong hininga si Solene at nagpaliwanag, “Matagal na akong hindi nagluluto. Parang naninibago na ako bigla kaya ganyan.”“Ma, hindi ba may Manang Linette naman tayo?”“Mira, sasabihin ko na sa’yo ang totoo. Ipinuhunan ng tatay mo lahat ng ipon niya sa kompanya. Binenta pa niya ang villa, kotse niya, pati lahat ng mamahaling gamit. Maliban lang sa singsing sa kasal na binigay ko sa kanya, lahat ng alahas ko, naibenta ko na rin para may panggastos sa ospital ng tatay mo…”“Ma, bakit hindi mo agad sinabi sa’kin? Paano ‘pag gumising si Dad at pinalabas na ng ospital, saan siya titira?” Hindi inakala ni Mirael na ibinenta na pala ang mga ari-arian nila. Kaya pala hindi kinaya ng tatay niya at inatake.“Huwag kang mag-alala, may isang apartment pa si Dad sa may suburb area ng Moss City. Hindi pa iyon nabebenta. Malaki ‘yon, kasya tayong tatlo. Tahimik din ang lugar, bagay sa pagpapagaling
Terakhir Diperbarui : 2025-06-11 Baca selengkapnya