Mayra / “Luisa Chua” POV Pagkarating ko sa kusina, agad kong pinunasan ang luha ko. Hindi puwedeng makita nila akong umiiyak. Isa pa, ayaw kong magmukhang mahina. Lalo na ngayong may bagong bisita si Mr. Chinua—si Carol—na halatang hindi ako gusto at mukhang kaya akong paalisin anumang oras. Habang hinihiwa ko ang mga gulay, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Sir Chinua. “Ang anak kong si Dennis.” Sumikip ang dibdib ko. Dennis. Pamilyar ang pangalang iyon—sobrang pamilyar. Hindi ko alam kung bakit, pero may kirot na parang matagal ko nang kilala. O baka dahil yun din ang pangalang madalas binabanggit ni Maria bago siya mawala… nang gabi bago kami ibinenta sa mga SBOO. Napahinto ang kamay ko. Maria… Isang ungol ng sakit ang lumabas sa akin. Pero bago pa ako muling malunod sa alaala, may biglang pumasok sa kusina. Si Carol. “Hoy,” malamig at mataray niyang sabi. “Hindi ba’t sinabi ng Tito ko na mag-ayos ka? Ano ka ba, bingi?” “Ipagluluto ko lang kayo, Ma’am,” magalang kong
Last Updated : 2025-11-24 Read more