Napamulat ako at napadaing sa sakit dahil sa malakas na pagsampal sa akin ng isang lalaki na hindi ko namumukhaan. Nakatali ang dalawang kamay ko sa aking likod habang ako ay nakaupo, pati na rin ang dalawa kong paa kaya hindi ako makagalaw ng maayos o makaganti man lang sa lalaking nasa harap ko.Masama siyang nakatingin sa akin habang nakangisi na para bang nang aasar pa siya. Tinignan ko ang paligid para sana hanapin ang nanay ko, pero hindi ko siya nakita. Ngayon ko lang din napansin na nasa maliit kaming kwarto at nakatutok sa akin ang sobrang liwanag na ilaw."Ayan gising ka na, hindi na ako mahihirapan sa'yo. Hindi katulad ng nanay mo na kahit anong sampal ko, ay napakatagal gumising. Nasaktan ata sa ginawa ko sa kaniya," nakangiting sabi niya kaya kinunutan ko siya ng noo."Nasaan siya?! Saan niyo siya dinala!" Gusto ko siyang sigawan ng napakalakas, pero hindi kinakaya ng lalamunan ko. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayare, paulit ulit na lang nagiging ganito, pero parang
Baca selengkapnya