Chapter sixty nineSamanthaHindi ko inaasahan na nandito sila Ericka at Rod, representative daw sila ng parents niya kaya sila nandito, imposible kase alam kong alam nil ana dadalo si kuya Jiro kaya siya nandito.Nagpaalam si kuya Jiro na pupuntahan ang celebrant, atat na siyang umuwi, hindi ko alam kung bakit, bigla siyang nag ayang aalis na simula ng makita niya si Ericka.Hindi na ako sumama kase nahihiya ako, hindi naman sa kinakahiya ko si kuya Jiro, nahihiya ako sa sarili ko.Naiwan kami nila Ericka at Rod dito sa pwesto ko sa may likod.“Wait lang ha, may sasabihin lang ako sa kaibigan ko, Rod ikaw muna bahala kay Sam.” Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Ericka na kaibigan niya pero sinundan niya si kuya Jiro at hinawakan sa braso, hindi umalma si kuya Jiro hindi niya tinaboy, siguro ayaw niya lang din mapahiya si Ericka, yun lang din ang nasa isip ko.Pero nakatutok ako sa kanila, ang mga mata ko hindi nawawala sa kanila kahit kinakausap ako ni Rod.“Namiss kita.”“Ha?”
Last Updated : 2025-04-23 Read more