LOGINSi Jiro Villafuente ang nag iisang tagapagmana nang kanilang angkan, at ang kaniyang mga magulang ay nasawi dahil sa kagagawan nang katunggali nila sa kompaniya at sila ay ang pamilya Reyal. Kinuha ni Jiro ang nag iisang anak na babae nang pamilya Reyal upang maiganti ang kaniyang mga magulang.Dahil hindi naman masamang tao si Jiro ay siya ang nag-alaga at nagpalaki dito. Binago niya ang lahat sa kaniya hanggang sa tunay nitong pangalan, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog ang loob nila sa isat-isa. Paano na lamang kung malaman niya ang tunay na pagkatao nang batang inilayo niya sa tunay niyang mga magulang? Mahalin pa kaya siya nito?
View MoreEpilogueSAMANTHAGumaan ang pakiramdam ko pagkamulat ko nang aking mga mata. Nasa isang magandang kwarto ako, malinis at maaliwalas.Tanging ang mga mata ko lamang ang umiikot upang makita ang buong paligid ko, nasa gilid ko na pala si Jiro natutulog habang nakaupo.Binantayan niya talaga ako, pakiramdam ko gabi na kase madilim sa labas, nakatali kase ang mga kurtina at mukhang mahaba ang naitulog ko.Habang nakahiga ako inaalala ko lahat ng nangyari, oo nga pala natamaan ako ng bala ng baril pero hindi ko pa maramdaman ngayon ang sugat ko, parang namanhid pa ang katawan ko pero naigagalaw ko naman ang aking ulo at ang aking kamay.Pakiramdam ko kapag naigalaw ko na ang buong katawan ko mararamdaman ko na ang sakit ng sugat ko, naiiyak na lamang ako kase nakasurvive ako.Maya maya pa naramdaman kong gumalaw si Jiro umangat siya at umayos ng pagkakaupo sabay tumingin sa akin. “Gising ka na.” nabigla siya ng makita akong nakamulat na.“Oo, ayos lang ako matulog ka muna.”“Hindi na ako i
Chapter one hundred oneSamanthaYung awkward moment namin unti unting nawala dahil lumapit siya sa akin, nagiging komportable talaga ang pakiramdam ko kapag malapit siya sa akin.“Nag aalala ka pa rin ba talaga sa akin?” mahina niyang tanong, yung boses niya napakasweet at parang tumatama sa balat ko kaya naman para akong nakukuryente habang nagsasalita siya, napatango na lang ako sa kaniya. “Sabihin mo, mahal mo pa baa ko?” sa tanong niyang yan hindi agada ko nakasagot, napatingin ako sa kaniya dahil ang seryoso ng mukha niya.Yung puso ko, ang bilis ng tibok na parang may naghahabulan sa loob.Ang gaan sa pakiramdam ang tumitig sa kaniya dahil alam kong seryosong tao ako kausap ko, hindi na ako tumanggi, tama na ang pagpapanggap na okay ako, gusto ko na muling sumaya.“Oo, hindi naman nagbago yun.” bigla niya akong niyakap ng mahigpit kahit na may gusto pa akong sabihin sa kaniya, gusto kong humingi ng tawad, at magpasalamat.Gusto ko humingi ng tawad dahil ang dami kong naisip na
Chapter one hundredSamanthaNakaramdam ako ng maginhawa ngayon, patay na ba ako? pero hindi eh humihinga ako alam ko.Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ito ang kwarto ko, iba ang amoy nakakarelax siya, saang kwarto to? Anong lugar ito?Ginilid ko ang ulo ko, may katabi akong lalaki, nakatalikod siya sa akin, tinitigan ko lamang siya hanggang sa mapagtanto ko ang mga nangyari kanina.Nasa tulay ako ah paano ako napunta dito?Pagkatitig ko ng likuran ng katabi ko alam kong siya ito, si Jiro ito lalo naaamoy ko ang pabango niya.Ibig bang sabihin nito iniligtas niya ako sa phobia ko? Nawawalan na ako ng pag asa dahil akala ko mahihimatay na ako pero nandito ako ngayon malakas na muli at naaalala na ang mga nangyari habang umuulan.Iniligtas nanaman niya ako.Paano niya kaya ako napupuntahan?Hindi ko siya makausap dahil mukang natutulog siya, baka magising ko siya kapag gumalaw ako.Alam na alam niya kapag umaatake ang phobia ko, grabe para siyang super hero.Kinapa ko
Chapter ninety nineSamanthaWalang sumunod sa akin.Wala man lang nag abalang sundan ako para pabalikin.Papanindigan ko itong ginawa ko kahit nakokonsensya ako dahil si papa nag aalala, kaso si mama wala namang pakealam at isa pa nasasakal na ako sa bahay na iyon, sa pamilyang iyon.Hahayaan ko na lang ang trato niya sa akin?Si papa halos gumive up na sa ugali ni mama dahil hindi nagbabago, kapag ganon pala ang ginawa, kapag pinabayaan ang maling ginagawa, mas lalong nagiging masama. Hindi pwedeng itolerate ang mali, akala tuloy niya palagi siyang tama.Hays ewan bakit ganito, nalulungkot ako.Hindi ganito ang pinangarap kong sitwasyon.Mag isa ko lang naglalakad hanggang sa makalabas ako ng village, nagtataka ata ang mga gwardya sa akin kase ako lang ang naglalakad dito.Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako sa mismong gate ng village, dito na ako sa may highway at medyo madilim nga lang.May pera pa naman akong dala kaya pa itong pangpamasahe, tatawagan ko muna si Riri para m












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews