CHAPTER 100 – “Bagong Umaga, Bagong Sugat”---Tahimik ang buong unit nang bumalik si Elle mula sa connecting balcony. Parang mabigat pa rin ang bawat hakbang niya. Nakahiga si Kieran sa kama, tulog na tulog, habang mahigpit na nakayakap sa stuffed dinosaur niya. Saglit siyang tumabi, hinalikan sa noo ang anak, saka pumikit ng ilang segundo para huminga nang malalim.Sa loob-loob niya, ramdam niya ang bigat ng lahat ng sinabi niya kay Nathan. Ang mukha nito, ang sugatang tingin, ang mapait pero matatag na ngiti na paulit-ulit na sumisilip sa isipan niya.“I love you enough to let you go, but I also love you too much to give up without a fight.”Masakit, pero totoo.Elle wiped her tears, saka dahan-dahang bumangon. Kailangan niyang maging matatag. Hindi lang para sa sarili, kundi para kay Kieran.---Alas-nueve ng umaga, may kumatok sa pinto. Pagbukas ni Elle, bumungad si Knox—naka-white polo shirt, sleeves rolled, at may dalang brown paper bag. Amoy agad ang bagong lutong pandesal at
Last Updated : 2025-09-25 Read more