FeastedBakit kaya ganito?Bakit sa tuwing gusto kong maging kalmado, may dumarating namang bagyo? At bakit kapag may bagyo... siya rin ang nandito?Sabi nila, kapag malakas daw ang ulan, may pinapaalala ang tadhana. Na may mga bagay na hindi mo kayang takasan. Na may mga taong kahit ayaw mong makita... biglang nasa harapan mo na lang. At hindi mo alam kung blessing ba 'yon, o warning.Pero bakit parang mas warning siya?Malakas ang ulan sa labas. Parang sinasampal ng mundo ang bintana ko. At sa mismong sala ko? Nandoon si Rafael-naglalakad, bagong gising, naka-white shirt lang at basa pa ang buhok dahil naghilamos.Ang sama ng timing.Ang sama ng loob ko.At ang sama rin ng tibok ng puso ko."Tinititigan mo 'ko?" tanong niya habang nag-i-stretch."Ay hindi!" mabilis kong sagot, tumalikod agad. Oo. Tinititigan ko nga. Pero hindi ko naman sasabihin 'yon. Humalakhak siya. "Relax, Ayesha. Hindi pa tayo nag-uumpisa magtrabaho."Nag vibrate ang phone ko.Si Ms. Smith ang pangalawang sectre
Read more