Bagama’t kalmado ang boses ni Natalie, kuyom ang puso niya sa sakit. Masakit. Masakit na ng sobra. Kahit siya pa ang nagbitaw ng mga katagang iyon—tila hinihiwa ang puso niya. Iba ang pinapakita niya sa labas pero ang totoo, hirap na hirap din siya.Pero iba siya, habang lalo siyang nasasaktan, mas lalo namang luminaw ang isip niya. Batid niya na habang kumakapit siya sa mga pangako ni Mateo—lumalaki lang ang posibilidad na masaktan siya lalo. Ayaw na niyang umasa pa.Dahan-dahan niyang itinulak palayo si Mateo gamit ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. “Gabi na. Sige na. Umuwi ka na. Kailangan ko ng matulog.” Habang sinasabi niya ito, bahagya pa siyang naghikab—parang magmukhang totoong pagod na pagod siya.Nag-alinlangan si Mateo, pero sa huli, pinakawalan din nito ang babae. Ngunit may katagalan.“Pakawalan mo na ako,” dagdag pa ni Natalie ng mahinahon, “at pakawalan mo na rin ang sarili mo. Kung ibinibigay mo ang puso mo sa dalawang tao, sa huli—ikaw rin ang mauubos.” Pagkasabi n
Last Updated : 2025-10-09 Read more