Bago pa magtanong ang sinuman sa kanila, inunahan na sila ni Natalie. “Pakiusap, wala na po sanang magtatanong. Ang hiling ko lang ay tahimik na makaalis. Gusto ko lang po talagang makaalis na.”Hindi na nag-aksaya ng oras si Ben, hindi naman ito ang unang beses na bumaba ng bahay si Natalie, sa kanilang palagay ay magtatagal lang ang away mag-asawa ng ilang araw at magkakaayos din ang dalawa—dahil sa hiling ni Natalie na wala munang magtatanong, hindi na rin sila nag-usisa. Agad siyang tumawag ng sasakyan para kay Natalie dahil ayaw nitong magpahatid. Si Alex naman ang tumulong magbitbit ng kanyang maleta papunta sa likod ng taxi.“Manong Ben, Ate Tess, Alex… aalis na ako. Maraming salamat sa lahat ng pag-aalaga niyo sa akin.” Bahagyang yumuko si Natalie bilang pamamaalam,t saka siya sumakay sa sasakyan, kumaway, at isinara ang bintana habang paalis ang kotse.Sa may gate, nagkatinginan ang tatlo, hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.Umangat ang kilay ni Ben. “Alex, alam mong m
Última actualización : 2025-11-21 Leer más