May bitbit na handbag at ilang shopping bag ang babae.“Hmp,” kunot-noong bulong ni Nilly sa sarili, “Aba, may girlfriend nga pala talaga siya. Akala ko noon, wala. Sabi niya kasi wala, eh. Hindi man lang tulungan ang babae. Hay naku.”Kinuha niya agad ang cellphone at nagbukas ng camera, balak niyang kuhanan ng litrato ang dalawa. Pag naglakas-loob ulit ’yung lalaki na manligaw sa kanya, kahit pa pabiro, ipapakita niya ang ebidensya. “Loko-loko ‘yun, ah! Tingnan natin kung may mukha pa siyang ihaharap sa akin kapag sinubukan niya akong pormahan ulit.”Binuksan niya ang camera ng cellphone at pina-zoom ang imahe. Lalong luminaw ang itsura nilang dalawa. “In fairness, ang ganda ng girlfriend niya…”Click! Kuhang-kuha niya ang larawan na gusto niya.Ibinulsa niya muli ang cellphone, bahagyang nakakunot ang noo habang nag-iisip. “Teka lang…bakit parang pamilyar ’ang babae? Parang nakita ko na siya dati… pero saan?”**Samantala, kakagising lang ni Natalie. Hindi na siya ginising ng kaib
Última actualización : 2025-11-25 Leer más