BOOK20 C213RD POV “Sige po Dad..” Wika nito, habang mabilis na binaba ang phone. “Anong problema?” Tanong niya rito. “Gusto ni Daddy, na ngayon na ako umuwi.” Sagot nito, habang malalim na na-pahinga. “Bakit hindi mo sinabi sa kanya, na sabay na tayo?” “Hindi niya ako pinapakinggan, ang gusto niya ngayon agad ako aalis.” Sagot nito, habang yumakap sa kanya. “Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko rin alam paano ipaliwanag sa mga bata, na aalis muna ako.” Malungkot nitong wika, kaya yumakap din siya rito. “’Wag kang mag-alala, tutulungan kitang ipa-intindi sa kanila ang lahat.” Wika niya, habang nag-angat ito ng mukha. Mabilis niya naman itong hinalikan sa labi, kaya napangiti ito. “Sana pumunta agad kayo ro’n.” Wika nito, kaya napatitig siya rito. “Alam mo naman na hindi kami makakatulog, kapag wala ka ‘di ba?” Ngiting wika niya, kaya muli itong napangiti. “’Wag kang mag-alala, susunod agad kami ng mga Anak natin.” Muling wika niya rito. MATAPOS siyang magpa
Terakhir Diperbarui : 2025-11-13 Baca selengkapnya