BOOK20 C12 3RD POV Nang makarating sa bahay, ay agad na nagpalit ng damit ang dalaga. Napansin din niya na hindi na ito umimik simula kanina. Hinayaan niya nalang ito at pinili na lumabas muna sa kanyang silid. Nang makaupo sa terrace, ay kinuha niya ang kanyang phone, dahil tumunog ito. “Mom..” Sambit niya, matapos niyang sagutin ang tawag sa kanya ng kanyang ina. “Ang bilis talaga ng kilos mo.” Galit na wika nito, habang hindi niya napigilan na mapangiti. “Ano ba talaga ang tinatago mo sa akin Anak? Bakit ba, hindi mo kayang iharap sa akin ang asawa mo?” “Mommy, hindi pa ito ang tamang panahon, isa pa, sinabi ko naman sa ‘yo, na kapag buntis na siya ay ihaharap ko na siya sa inyo.” Sagot niya rito. “Wala akong pakialam kung hindi ba siya buntis. Ang gusto ko lang naman ay makilala siya.” “Mom, hindi pa pwede, malay mo. Magbago pa ang isip ko at makipag-hiwalay ako sa kanya.” “Elijah!” Galit na sigaw sa kanya ng kanyang ina, sa kabilang linya, dahil sa kanyang sinabi. “Ila
Huling Na-update : 2025-11-07 Magbasa pa