Klea's POV Tahimik ang buong mansion ng mga Stanford ng pumasok kami ni sir Dashmond,habang hawak-hawak niya ng ang mahigpit ang kamay ko.Para bang ayaw ng pakawalan. Ngunit, hindi ko mapigilan ang kabahan ng sobra.Alam ko kasing malabo akong matatanggap ng mga magulang niya, dahil sa uri ng naging trabaho ko at sa pagkatao ko.Hindi ako malinis,lalo na hindi ko sila kapantay o kauri.Dahil sila,nasa mataas na antas sila ng lipunan.At ako,wala man lang maipagmamalaki.At isa pa akong maruming babae. Pero kahit hindi na nila ako tanggapin..isa lang naman ito pagpapanggap, kaya nga ako nandito sa harap ng magulang niya.Titiisin ko na lang ang isang taon,kesa bumalik ako sa dati kong trabaho.Baka nga hindi na kay mama Weng ako mapunta,kundi sa mga hapon na iyon,na walang mga puso. Naramdaman kong binitawan niya ang kamay ko,kaya napatingin ako kay sir Dashmond.At tiningnan kung ano ang tinititingnan niya. Doon,nakita ko ang dalawang tao na parang hari at reyna na nakaupo sa mamaha
Magbasa pa